10.2 - KUNG ALAM MO LANG!

141 6 7
                                    

"Uy sandale..." hinawakan ko ang braso niya para pigilan

"Wag ka muna umalis...may sasabihin pa'ko.." sabi ko habang pinapa-upo siya

Nagtaka naman ang reaksyon ng mukha niya

"Winona... alam mo ba...pinakapaborito kong kanta yung tinugtog natin kanina?" sabi ko

Bopols ko rin nun eh. Paki naman niya kung yun ang paborito kong kanta? Tsaka malamang hindi niya alam. Muntanga ko talaga -_-

"Halata nga eh haha...yun lagi kinakanta mo eh hehe" napapatawa niyang sabi

" *smirk*Oo nga eh haha..nakakasawa na ba?haha....Alam mo kasi, nakaka-relate  ako sa lyrics ng kantang yun eh. Related siya sa babaeng matagal ko ng gusto.... kahit kasi hindi ko pa siya nakikita noon ng harapharapan...kahit hindi ko pa siya namemeet......alam kong...*sigh*

love na love ko na siya >_< "

TUNGUNU! Napaka-muntanga ko ng mga oras na yan! Putik kasi hindi ko masabi  yung tagalog ng "Love"  na "Mahal na mahal ko siya" dahil nahihiya ako na nakokornihan na ewan! Nakaka-ilang kasi eh putakte. Tsaka baka makornihan pa siya. Yan tuloy mukhang nagjojoke lang ako at hindi seryoso! Syit talaga.

"Hehehe" napatawa narin siya ng konti. Bwisit naman kasi ang hirap umamin teng-ene!

"Ah hehe, sorry..nakakahiya" sabi ko habang nakahawak sa batok

"Ahaha, Okay lang..sino ba yung girl na yan? Sa chat ba kayo nagkakilala?  Tsaka bakit mo sakin sinasabi? Dapat dun sa girl mismo! ikaw talaga Landrits! tsk tsk!"

" *Kamot batok* alam mo kasi..... ikaw yun eh" pabulong kong sabi

"Ha?"

"Si Nerdygirl01"

Lalo siyang nagtaka

"Yung idol kong author sa wattpad"

"Uy Landrito nahihiwagaan na talaga ako sa mga pinagsasabi mo..." nag-aalala niyang tanong

"also known as....Winon---------"

"UY TOL!"

....

10.2 .KUNG ALAM MO LANG! (a/n: Okey ang drama ng title XD)

"Uy TOL!"

Ang epal na yan ay walang iba kundi si

JONAS

ASH

ABO

LAZARO

Bwisit.

Nung time na yun gustong gusto kong ihampas sa ulo ni Abo yung gitara ko .

Yun na kasi yun eh! Naudlot pa! Teng-ene!

Pero ang nasa isip ko nun, may kinabukasan pa naman. At  kinabukasan ko pa naman talaga balak  umamin eh; with matching kanta pa ng original composition ko . Mas maganda yun diba? Mas prepared? Kaya siguro naudlot nung araw na yun.

Kaya lang, isang matinding rebelasyon ang nalaman ko

" Uy Tol, ba't magkasama kayo?" tanong ni Ash

"Ha?Bakit masama ba?"

 Lumapit sakin si Ash at pasimpleng bumulong habang naka-akbay

" Tol, ka-M.U ko na kaya yan..."

(On hold ) (don't read)Where stories live. Discover now