15 - HAIRDO

100 4 3
                                    

15. HAIRDO

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Yown o!

Ang lupit talaga ng kagwapuhan mo Marco De Guzman Serrano! Nakaka-inlab, nakaka-bakla. Tsk! Tingnan mo naman oh, ang pungay ng mata, pointed nose, kissable lips..woohoo...ULALA!

Pucha, bakit ba wala ka paring girlpren ha?

Nakaharap ako ngayon sa lumang salamin sa kwarto ni Lolo Dadudz. at kasalukuyang naglalagay ng pangpatigas ng buhok o hair wax. Lunes ngayon. Ang pinakahihintay kong araw. Kinakailangan kong magpapogi kahit alam kong tagos na sa pluto ang taglay kong kapogian dahil ngayon ang araw ng pagdating ni Sandi malandi. Nays, rhyme.

"Hoy Tucoy! Ano na? Late ka nanaman? Anu bang pinagagagawa mo diyan sa salamin ni Lolo at mas matagal ka pa atang tumunganga diyan kaysa maligo???" tanong ni Tita Petra

"Anung tucoy? Anu nanamang kalokohang bansag yun tsong?!" nabibwisit kong tanong. Hindi ko na pinansin yung iba pa niyang sinabi

" Short for Tutoy Macoy" simple niyang sagot

"Psh. Anubayan. Wag naman ganun tsong! tunog tuko eh! *kamot ulo*"

" Arteh! Yaan mo nah!, mukha ka rin naman talagang tuko eh"

At napa-poker face ako. Walanya, ang gwapo gwapo ng tingin ko sa pagmumukha ko ngayon, unang pagbati agad sakin MUKHANG TUKO? Nakng.

"Waw, Tita Petra, waw. Ang tangos na pala ng ilong ng tuko ngayon ha? Ayos"

"Biro lang !eto naman! Masyadong madrama! Jinojuyowk lang kita shunga! Eksaherado ka naman!"

"Eh kasi naman Tsong eh, panira ka ng umaga eh, ganda ganda ng gising ko eh*kamot ulo*"

"Sige na! sige na!, ikaw na ang pinaka-gwapo sa ilalim ng lupa! Charot !Hehe. Labyu. O siya, Layas na layas na! Alas siete na! Masuspend ka nanaman!"

At tinulak tulak na nga ako ni Tsong Pedrito sa labas. Naabutan ko pa si Lolo na nag-uukelele at kumakanta nung paborito niyang kanta sa umaga

(Ang Pipit---> )

May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy ♪♫

At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon ♪♫

dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad ♪♫

At ang nangyari ay nahulog, ngunit parang taong bumigkas,♪♫

"Lolo, nakakasawa naman yang kinakanta niyo eh *kamot ulo* Wala na po bang iba?" bati ko

"Hoy tucoy! Chichikahin mo pa si Lolo! Lakad na!" sabat ni Tita Petra

"Mamang kay lupiiiiit, ang puso mo'y di na nahabaaaag,♫♪

Pag pumanaw ang buhay koooo, may isang pipit na iiyaaaaak." ♪♫

...

Sa school

Naglalakad ako sa hallway nang biglang may grupo ng mga lalaki na tumatakbo sa likod ko at hinila ako papuntang C.R?

"Andyan na si Mang kakalbo! Andyan na si Mang kakalbo"

POTEK. ANO MERON?

Hindi ko man alam ang nagaganap, nakitakbo na lang ako. Wagas din kasi makahila yung humila sakin eh. Ginawa akong trolly bag.

Nandito kami lahat ngayon ng mga kaklase kong lalaki sa C.R.

At yung buwisit na nanghila sakin ay walang palang iba kundi sa PANGA. Walanjo.

(On hold ) (don't read)Where stories live. Discover now