EPILOGUE

11.8K 204 23
                                    

EPILOGUE

MOE

"At dahil nasaktan si Princess, lumayo siya kay Prince kahit na ikinalungkot niya ito. "

"Teacher, teacher !!" Nagtaas ng kamay ang estudyante kong babae—si Rhian. Tinawag ko naman siya. "Bakit hindi niya na lang po sinabi kay Prince ang totoo ? " inosenteng tanong nito. Kahit 'yung ibang mga bata ay sumang-ayon din sa kanya.

"Yun ba ?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Dahil nilamom ng selos at galit si Prince kaya pinili ni Princess na hindi sabihin ang totoo. Dahil alam niyang hindi siya pakikinggan nito. "

Lumungkot ang mga mukha nila kaya napangiti ako. Ang ku-cute talaga nila.

"Pero may anak sila ni Prince, teacher. " singit naman ni Ton-ton.

"Oo nga po !"

"Oo nga, teacher. May anak sila. "

Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at nakangiting sumagot sa kanila. "Mas pinili ni princess na ilihim ito kay Prince kahit na nga ba masakit sa kalooban niya. Sinabi niya na lang sa sarili niya na papalakihin niyang isang mabuting bata ang kanilang anak. "

"Aww......."

"Ang bait talaga ni Princess. "

"Nakakaiyak, teacher !"

Nagyakapan pa ang iba sa kanila. Nakangiting pinagmasdan ko na lang sila. Hindi nila alam na ang Prince at Princess na tinutukoy ko ay ako at si Sir. Hindi rin nila alam na talambuhay ko na ang kinukwento ko sa kanila. Minsan, mas marasap pang mag-kwento sa bata dahil naa-appreciate nila 'yon.

Biglang tumunog ang bell hudyat na uwian na. Narinig ko silang nagreklamo dahil hindi pa daw tapos ang kwento. Napailing na lang ako. Tumayo na ko at nagpaalam sa kanila. "Mag-iingat kayo sa pag-uwi. Hintayin niyo ang mga mommy or sundo niyo pag wala pa sila sa waiting shed, okay ?" bilin ko sa kanila.

Tumango silang lahat. "Opo, teacher. "

Ngumiti ako sa kanila. "Okay, goodbye kids. "

Tumayo silang lahat. "Goodbye, teacher !"

Isa-isa silang nagsilabasan. Narinig ko pa ang iba sa kanila na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang buhay ko. Sinabi pa nila na parang ako daw si Princess. Napailing na lang ako. Kinuha ko na ang bag ko at akmang aalis na sana ng makita ko si Rhian na nakatayo pa rin sa may pinto.

Kumunot ang noo ko. "Bakit Rhian ? May naiwan ka ba ?" tanong ko ng makalapit sa kanya.

Umiling lang siya. "Teacher, naging happy ending po ba ang lovestory nila Prince at Princess ?" curious na tanong niya.

Napabuntong-hininga ako. "Happy ending ?" tanong ko mas more on sa sarili ko. Tinitigan ko siya sa mata at ngumiti. "Minsan, hindi natin kailangan ng happy ending sa buhay natin. Ang kailangan natin gawin ay magpatawad at tanggapin lahat ng masasakit na bagay at pangyayari sa buhay natin dahil do'n tayo magiging malaya at masaya. Kagaya ni Princess, sigurado kong napatawad na niya si Prince sa lahat ng nagawa nito sa kanya. "

Nag-pout siya sa naging sagot ko. "Eh, teacher hindi mo naman po sinagot kung naging happy ending po ang lovestory nila. "

Natawa ako. "Naghihintay na ang mommy mo sa labas. "

"Teacher naman !" maktol pa nito. Sabay na kaming lumabas at hinatid ko na siya papunta sa mommy niya.
Nagpaalam sila sakin at umalis na.

Nang masigurado ko na walang naiwan sa loob ay sinarado ko na ang pinto at naglakad papunta sa gate. Sigurado kong naghihintay na siya do'n. Malayo pa lang ako ay tanaw ko na ang nakangiti niyang mukha kaya napangiti rin ako.

My Prof, My HusbandWhere stories live. Discover now