MPMH - Chapter 33

9.6K 197 8
                                    

MPMH - Chapter 33


MOE


"I'm s-sorry. M-mahal na mahal pa rin kita. "

"I'm s-sorry. M-mahal na mahal pa rin kita. "

"I'm s-sorry. M-mahal na mahal pa rin kita. "

"I'm s-sorry. M-mahal na mahal pa rin kita. "

Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko 'yung sinabi ni Calix. Sobrang naguguluhan ako ngayon. Hindi ko alam kung paano magre-react. Pinipilit ko 'yung sarili ko na huwag maniwala pero parang iba 'yung sinasabi ng utak ko. Naisip ko din na baka lasing lang si Calix kaya niya nasabi 'yon at akala niya ako si Shy. Ni hindi ko magawang mag-focus sa ibang bagay dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko 'yung mga nangyari kahapon. Una, 'yung kay Sir Ken. Ni hindi pa nga ako nakakaget-over sa pananakit ko sa kanya. Syempre hindi ko rin inaasahan 'yung pagco-confess niya sakin. Tapos dumagdag naman 'tong si Calix na lasing na lasing kagabi at kung anu-ano ang pinagsasabi. Gusto kong mag-isip-isip. Napagdesisyunan ko rin na huwag munang sabihin kay Sir 'yung tungkol sa sinabi ni Calix dahil baka hindi naman totoo baka mamaya mag-away pa sila dahil lang do'n.

"Hoy, bruha. Lalim natin, teh !"

Napairap ako ng pumitik sa harap ko si Shy. "S-sorry naman, ah !"

"Lalim ng eyebags. Tulog-tulog din kasi. Huwag niyong inaaraw-araw. " ngumisi siya pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Napakunot-noo tuloy ako dahil wala kong naintindihan sa sinabi niya. "Huh !?"

Umiling lang siya at natawa. "Wala ! Slow mo talaga !" sabi niya. "Oh, bakit mukhang pinagkaitan ka ng mundo ?" tanong niya.

"May iniisip lang ako. "

"Chika mo naman, friend. Ikaw din, baka sumabog ka na lang diyan. " Tumabi siya sakin at nag-cross sitting position katulad sakin.

"Kasi naman si-"

"IT'S ALREADY 1PM. YOUR LUNCH IS OVER. GET BACK TO YOUR WORK NOW !!" sigaw ni Ms. Gab.

Nagdadabog na tumayo si Shy at nagpagpag. "Ano ba yan ! Panira ng moment. "

Natawa na lang ako at iiling-iling na tumayo. Basta talaga sa chismisan alive na alive eh. Tinuloy ko na lang 'yung ginagawa ko kanina. Umakyat na ulit ako sa hagdan at nagsimulang idikit 'yung mga natirang letters para sa graduation namin. Buong section kasi namin ang naatasan ni Ms. Gab (our principal) na mag-decorate for our graduation. Tulong na din daw namin 'yon since kami lang ang walang sinalihang club. Isapa, parusa din daw namin 'yon dahil ang tamad 'daw' namin. Grabe ! Hindi naman, eh. Mga kaklase ko lang 'yon. Haha !

"Good Afternoon ! Sorry I'm late. " Hindi ko maiwasang kabahan ng marinig ko ang boses niya. Pakiramdam ko gusto ko na lang magtago para hindi kami magkita eh.

"Good Afternoon din, beb ko. Ayos lang kahit late ka. " kinikilig na bati ni Shy kay Calix.

Ngumiti lang si Calix sa kanya at nilagpasan na siya. Kinabahan ako lalo ng makitang palapit siya sakin ng nakangiti. Tumalikod ako at nagkunwaring tinuloy 'yung ginagawa ko. Hindi ko alam kung pano ko siya haharapin. Naaalala niya kaya 'yung sinabi niya kagabi ? Hindi ko tuloy maiwasang mailang.

"Hi, Moe. " rinig kong sabi niya. "Need some help ?"

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at umiling. "H-hindi na. Tapos na rin a-ako. " Nagsimula na kong bumaba sa hagdan kahit hindi ko pa nadidikit 'yung huling letra. Mamaya ko na lang siguro itutuloy 'yon pag-alis niya. Hindi talaga ako komportable ngayon pag nandiyan siya eh.

My Prof, My HusbandWhere stories live. Discover now