MPMH - Chapter 24

11.8K 241 8
                                    

MPMH - Chapter 24

SHY

Nandito ko ngayon sa harap ng bulletin board at halos kaya na yatang ipasok ang buong microphone sa laki ng pagkakanganga ko. Pang 15 lang naman ako. Grabe ngayon ko napagtanto na ang shunga ko pala. Di man lang ako nakapasok sa top 10. Well, ASA pa ba ko ? Hula nga lang yon e. Dapat nga magpasalamat pa ko at nasa 15 pa ko. May mas shu-shunga pa pala sakin. Hihi !

Nagikot-ikot pa ko at hinanap ang pangalan ng beb ko pero wala. Bakit kaya ? Ayy hindi nga pala siya nakapag-exam. Okay lang yon. Pareho kaming bagsak. Magiging magkaklase ulit kami last year. Ang saya ! Kung ganon lang rin pala mas mabuti pang magpabagsak na lang ako db ?
Pero hinanap ko pa rin hanggang sa makarating ako pinaka-top 1. Nang makita ko yon ay hindi lang yata isang microphone ang kayang ipasok sa bunganga ko. Doblehin nanatin. Expected ko nang si Lynn ang top 1 pero hindi.

1. Moe Alcantara

Hindi pa ko makapaniwala. Lumapit pa ko sa bulletin board para lang makasigurado at kumurap-kurap pa ko ng ilang beses pero wala pa rin nagbago. Ang bestfriend ko ang top 1. Waaaahhhh ! Nandaya siguro ang bruha. Hindi man lang ako pinakopya. Pero waaaahhh ! Kailangan ko ng puntahan ang bruha. Nang makapag-celebrate kami.

Dali-dali akong pumunta sa faculty ni Ghave dahil nandon ang bestfriend ko. Sinabi niyang mauna na daw ako dahil pupuntahan niya lang daw ang asawa niya.

Hinihingal pa ko ng kumatok ako sa pinto. Agad naman akong pinagbuksan ni Moe at niyakap siya pagpasok ko. "Oh my ! Congrats, bes ! Top 1. Di ako makapaniwala. "

Naguguluhan pa siya at napahinto ng biglang nanlaki ung mata niya dahil ngayon niya lang na-realize yung sinabi ko. Ang slow talaga ! "Weh ? Di nga ! Huwag mo nga ko biruin, friend. "

Hinampas ko siya. "Gaga ! Di kita niloloko. Kahit tignan mo pa. "

Hindi pa rin siya makapaniwala. "Wag mo nga kong pag-tripan, friend. Alam ko naman si Lynn ang una. "

"Bruha ka talaga ! Pangalawa lang si Lynn. Natalo mo siya, bes. " inalog-alog ko pa siya.

"Tignan nga natin, friend. " aya niyang tila nakalimutan na yung asawa niya. Sinulyapan lang ako nito at tumango habang nakangiti. Alam kong alam na niya na una si Moe.

Hinila ko na si Moe at nagmamadali kaming pumunta ulit don. Tinignan niya kung totoo nga yung sinabi ko at napayakap siya sakin ng makita yon.

"Waaaaaa! Grabe, friend ! Hindi to totoo ! First talaga ko. Ohmy!" Napangiti ako at yumakap pabalik. Masaya ko na masaya ang bestfriend ko. Kaya nga suportado ko yan sa lahat ng desisyon niya.

"Ang galing mo, friend !"

Napahinto lang kami ng humiwalay siya sakin ng yakap at napatingin sa likuran ko. "Lynn......" sabi ni Moe kaya napaharap ako sa likod.

Tumaas ang kilay nito habang nakakibit-balikat. Mukhang inggit ang bruha dahil natalo siya ni Moe na dati minamaliit niya.

"What !?" masungit na tanong nito. Abat may pagka-bitch din talaga itong babaitang to eh. Sarap ipa-rape. Buti nga sayo pangalawa ka lang.

"Congrats !" Nakangiting sabi ni Moe. Hay ! Kung meron lang award ang pagiging good samaritan, malamang bestfriend ko na ang top 1.

"Not welcome. Don't be so plastic, Moe. Kunwari ka pa. If i'm not mistaken, masaya ka na ikaw ang una, na natalo mo ko. Pero tandaan mo to. Hindi na mauulit yan. Isang beses mo lang ako matatalo kaya magpakasaya ka na. " sabi nito at tumalikod na.

Akmang susugudin ko na ito ng pinigilan ako ng bestfriend ko. Hmmpp ! Chaka na nga, chaka pa rin. Hay nako ! Kung hindi lang talaga ko pinigilan nitong bestfriend ko, kakalbuhin ko ang babaeng yon.

MOE

Pauwi na ko ngayon sa bahay. Hindi daw makakasabay si Sir dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin sa school kaya sabi ko mauuna na ko. Masaya ako pero malungkot din kasi galit sa akin si Lynn. Sana kahit pangalawa na lang ako. Okay lang naman sakin yon. Masaya na ko don. Tsaka hindi ko rin naman hiniling na ako ang manguna. Sabi ko bsta makapasa lang ako okay na.

Pinilit ko na lang ngumiti kahit na malungkot ako sa nangyari kanina. Sigurado ko matutuwa si Sparkle dahil sa dala kong dog food. Syempre una ang mommy niya kaya may prize ang anak. Nagulat na lang ako ng may biglang may mabunggo ako.

"Nako, sorry p—Sir Ken ?" gulat na tanong ko.

Ngumiti ito. "It’s okay, Moe. I heard that your the first. Congrats !"

Ngumiti ako pabalik. "Thank you, Sir—" bigla na lang ako nitong niyakap kaya nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

Mabilis lang iyon at agad din siya bumitaw. Hindi ko tuloy maiwasang medyo mailang. "Ah hehe, sige po Sir Ken. Thank you po ! Una na po ako. " Hindi ko na ito hinintay sumagot at dali-dali na kong umalis. Baka mamaya may makakita pa samin.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Sparkle. Napangiti ako at agad itong binuhat. "May pasalubong si Mommy sayo. "


"Arf......arf........"  tahol nito.


Binaba ko muna siya at hinanda na yung pagkain niya na mabilis naubos. Grabe mukhang gutom ang baby ko. Dahil mamaya pa darating si Shy para don sa balak namin mago-over night dito sa bahay at si Sir naman baka gabihin na daw siya, napag-isipan ko munang lumabas-labas kasama si Sparkle. Napadaan ako sa bahay ni Calix. Nakasarado ito at mukhang walang tao. Hindi ko maiwasang malungkot, bagsak kasi siya kasi hindi siya nakakuha ng exam. Tapos matagal-tagal na din nung huli siyang bumisita. Syempre kaibigan ko din naman yung tao kaya nag-aalala din ako.


Kamusta na kaya si Calix ?


***

At last nakapag-UD din. Sa sobrang bc ko wala na kong time makapag update dahil may practice na kami kaya pinilit ko talaga ngayon.


Salamat sa mga loyal readers ko. Please vote and comment para alam ko kung napapangitan na kayo dito. Huhuhu !

2 updates for today. Pambawi hehe !

My Prof, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon