MPMH - Chapter 36

8.9K 174 12
                                    

MPMH - Chapter 36

MOE

"B-bakit mo ko k-kilala ?" takhang tanong ko sa bata.

Napakunot-noo siya sa sinabi ko. "You didn't know me, ate ?" Lumungkot ang mukha nito kaya hindi ko maiwasang makonsensya.

Hindi ako nakasagot. Pilit ko siyang pinagmasdan at kinilala pero sumasakit lang ang ulo ko. Napahawak ako dito at bahagyang dumaing.

"You okay, ate ?" nag-aalalang tanong nito.

"I-i'm okay. " nginitian ko ang bata upang siguraduhin na okay lang ako kahit na pakiramdam ko ay pinipiga ang ulo ko dahil sa sakit. Bakit bigla na lang sumakit 'yung ulo ko ? Bakit ngayon ko nararamdaman 'to ? Hindi ko na alam. Simula nang dumating si Calix mayroon mga imahe na lumalabas sa utak ko pero binabalewala ko lang 'yon dahil alam ko naman na wala lang 'yon. Baka parte lang ng imahinasyon ko kaya hindi na ko nag-abala pang sabihin o isipin man lang ang mga 'yon.

"I think your not okay, ate. " nag-aalalang sabi nito. "Upo muna tayo. "
Hinawakan niya ang kamay ko kaya wala na kong nagawa kundi tumayo mula sa pagkakaluhod ko at samahan siyang umupo.

Nang medyo gumaan na 'yung pakiramdam ko ay napatitig ako sa kanya. Parang may kahawig siya pero hindi ko mawari kung sino. Parang napaka-familiar ng mukha niya. "You want water, ate ?" tanong niya.

Umiling lang ako at ngumiti. Kung tutuusin mukha na siyang hindi bata kapag nagsasalita. Para bang ang dami na niyang alam sa ganyang edad niya. Pero hindi ko maipagkakailang maganda siya kahit bata pa lang.

"Anong pangalan mo ?" Hindi ko maiwasang itanong.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya pero sumagot din agad siya. "Candice po. " Pagkasabi niya ng pangalan niya ay muli kong naramdaman ang bahagyang sakit ng ulo ko at paglabas ng isang imahe sa utak ko.

"Ang cute niya talaga. "

"Really ?"

Tumango ako. "Yes, she looks like you."

"Her name is Candice. " Napatingin muli ako sa bata. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. "Candice Evans. "

Ano ba 'yon mga naiisip ko ? Bakit kahawig niya 'yung bata na nasa utak ko at kapangalan niya pa ? Ano bang nangyayari sakin ? Napabuntong-hininga ako. Muli ko nananaman pinagsawalang bahala ang nasa isip ko.

"Susmaryosep ! Nandito ka lang pala. " Napalingon ako sa babaeng humahangos na lumapit samin. "Malalagot ako nito kay Sir. Saan ka ba nagpupupunta, Candice ?"

"Sorry, Nanny ! Bumili lang po ako ng ice cream. " nakayukong sagot niya.

Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa ka-cute-an nito. Parang napakalaking kasalanan ng ginawa niya sa tono ng paghingi niya ng tawad. Napalingon sakin 'yung tinatawag niyang nanny at bahagya pa itong nagulat pero kalaunan ay ngumiti din.

"Pasensya na kayo kay Candice, ma'am. Madaldal lang talaga siya. " hinging paumanhin nito. Sa palagay ko ay mga nasa late 40's na siya. Medyo nagkaka-uban na rin ang buhok niya.

"Nako ! Ayos lang po. Sa totoo nga po, sobrang bait at cute nitong si Candice. " sagot ko.

Nakita kong lumawak ang ngiti ni Candice sa sinabi ko. "Really, Ate Moe ?"

Tumango ako. "Oo naman !"

"Pasensya na po, ma'am pero kailangan na po umuwi ni Candice. "
paalam nito.

"But, Nanny—" magpo-protesta pa sana siya ng ako na mismo ang pumutol sa sasabihin niya.

"It's okay, Candice. Sumama ka na kay Nanny mo. "

My Prof, My HusbandWhere stories live. Discover now