MPMH - Chapter 6

54.5K 1.2K 66
                                    

MPMH - Chapter 6


MOE


Nagising ako ng marinig kong bumukas ‘yung pinto ng faculty ni Sir.

"Sir—" Napatigil ako ng makitang hindi si Sir ‘yung pumasok kundi si Miss Dianne. Isa sa mga prof ko.

Napataas ‘yung isang kilay niya. "Anong ginagawa ng isang estudyante sa faculty ng teacher ?" nagsususpetsang tanong niya.

Napatayo ako sa sofa. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ayokong mabuko kami. "So—sorry po ! Nakatulog po ako dito sa faculty ni Sir Ghave. "

"Alam niya ba ‘to, Ms. Alcantara ?"

Umiling ako. "H—hi..........hindi po ! Sorry po talaga !"

Tinignan niya ko ng matiim. "Alright ! Hindi ko sasabihin sa kanya pero ayoko ng mauulit pa ‘to. Ayokong may ibang babaeng pumapasok sa faculty ng boyfriend ko. " Naramdaman kong may kumirot sa puso ko ng marinig ‘yung sinabi niya.

"Bo—boyfriend ?" di ko mapigilang tanong.

She nodded. "Yes ! Any problem with that Ms. Alcantara ?"

Umiling ako at mabilis na yumuko. Pakiramdam ko tutulo na ‘yung luha ko. "W-wala po! Sige po mauuna na po ako. " Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Tumakbo na ko palabas ng faculty ni Sir.

Dumaan ako sa likod palabas ng school. First time ko lang magd-ditch ng class. Gusto ko na lang umuwi. Parang ayoko muna makita si Sir. Sobra kong nasaktan sa nalaman ko. So, all this time niloloko niya lang pala ako. Habang mag-asawa kami, may iba naman siyang nilalandi. Gano’n ba ‘yon ? Porke’t mas maganda at sexy sakin si Miss Dianne, nagawa niya sakin ‘yon?

Mabilis akong pumasok sa kwarto namin dalawa pagkarating ko ng bahay. Nagtalukbong ako ng kumot at hinayaan tumulo ‘yung luha ko. Sabi niya, mahal niya ko. Na ako lang ! Paniwalang-paniwala ako sa mga sinasabi niya ‘yun pala nagsisinungaling lang siya. Niloloko niya lang pala ko. Kasi may iba siyang karelasyon habang wala ako. Siguro kapag nandito kami sa bahay, tsaka niya lang naiisip na asawa niya ko. Pero kapag nasa school, parang wala lang ako. Ayokong pagdudahan at pagbintangan siya pero alam ko naman na hindi magsisingungaling sakin si Miss Dianne. Bakit naman niya sasabihin ‘yon kung hindi totoo, hindi ba ?

Ang sakit lang kasi pinili ko siya. Pinaglaban ko siya sa mga magulang ko pero ano ‘tong nalaman ko ? Porke’t ba hindi ako tanggap ng mga magulang niya, nagawa niya na sakin ‘to ? Nagsasawa na siguro siya sakin. Kasi puro pasakit lang ang binibigay ko sa kanya. Biruin mo, tinakwil siya ng sarili niyang magulang dahil sakin. Siguro na-realize na niya na hindi niya pala talaga ko mahal. Isipin ko pa lang ‘yon parang dinudurog na ang puso ko.

Umiyak lang ako ng umiyak dito hanggang sa mag-ring ‘yung cellphone ko. Tumatawag si Sir. Mabilis kong pinindot ‘yung end button at in-off ang cellphone ko. Nilapag ko ‘yon sa ibabaw ng side table at humiga sa kama habang patuloy pa rin umaagos ‘yung luha ko.

"Love......"

Nakita ko siyang nakatayo sa pinto. Mabilis akong tumalikod at nagtalukbong ng kumot.

"Love........"

Narinig ko ‘yung yabag niyang papalapit. Napahikbi ako. Ayoko nga muna siyang makita eh.

"Love, I’m sorry !" Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa kabilang side. Umupo siya sa gilid ko.

"Love, talk to me. Please !"

Hindi ako sumagot.

"Please ! I don’t want to see you crying. "

Inalis ko ‘yung kumot sa mukha ko at umupo sa harap niya. "Ayaw mo kong makitang umiiyak ?" sarcastic na tanong ko.

Tumango siya. Pagak akong natawa. "Ayaw mo pero ba’t nagsinungaling ka ? Bakit nagawa mo kong lokohin, Sir ?"

"Hindi totoo ’yon, love. Wala kaming relasyon ni Dianne. " depensa niya. Sinubukan niya kong hawakan sa braso pero agad ko ‘yon piniksi.

"Kung hindi totoo ‘yon pero bakit niya sinabi ?" umiiyak na tanong ko.

"She likes me but I don’t like her. Ikaw lang ‘yung mahal ko. "

"Pero bakit hinahayaan mo pa rin siyang lumapit sayo ? Pano kung magkagusto ka sa kanya ? Ha ? Pano kung ipagpalit mo ko ? Pano kung mas ma-inlove ka sa kanya ?"

"That will not happen. " matigas na sagot niya habang nakatitig sa mata ko. "I’m always pushing her because I know you’ll get mad just like now. Sa katunayan, ayokong lumalapit siya sakin pero hindi maiiwasan dahil pareho kaming nagta-trabaho sa iisang school." paliwanag niya.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung totoo ba ‘yung sinasabi niya o kung isa nanaman ‘tong kasinungalingan. Pero bakit mas nangingibabaw ‘yung pangalawa?

Umiwas ako ng tingin. "Maghiwalay na—" Naputol ‘yung dapat sasabihin ko dahil mahigpit niya kong niyakap.

"Don’t you dare say that ! Hindi ako papayag. Please, trust me, love. Wala kaming relasyon. Hindi totoo ‘yung sinasabi niya."
Naramdaman kong unti-unting nababasa ‘yung t-shirt ko.

"Sir—mmmmmmm. " He cut me by giving me a peck kiss.

"I love you, love. I love you ! I love you ! I love you ! You’re my only wife. I don’t want to lose you. Hindi ko kakayanin. Please, wag mo kong hihiwalayan kahit anong mangyari. Mahal na mahal kita, eh. Ayokong nagkakaganito ka. Ayokong nararamdaman mo ‘to. Ayokong iniisip mo ‘yung bagay na makakasira satin dalawa. Ayokong magdesisyon ka na maghiwalay na tayo. Ayoko !"

Unti-unting lumambot ‘yung puso ko sa narinig. Tumingin ako sa kanya ng nakangiti. Siguro nga nagkamali lang ako. Siguro nagsisinungaling lang si Miss Dianne. Magtitiwala ulit ako kay Sir. Mahal ko siya, eh. Hindi ko siya kayang tiisin.

He cupped my face and wipe my tears. "Ayoko na ulit makita kang umiiyak. Nasasaktan ako. "

"Please, Sir. Iwasan mo si Miss Dianne. "

"Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko. " nakangiti niya na rin sabi.

"Natatakot kasi ako, eh. Natatakot akong baka isang araw magising na lang ako na hindi na pala ako ‘yung mahal mo at ayokong mangyari ‘yon. "

"Mas natatakot akong mawala ka sakin, love. Ikaw na ‘yung buhay ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka pa. "

Napangiti ako at yumakap sa kanya. Sana nga, hindi dumating ‘yung araw na kailangan namin maghiwalay para sa ikabubuti ng lahat. Baka hindi ko rin kayanin. Kumalas na ko sa pagkakayakap at tinitigan si Sir. Namumula ‘yung mata niya tanda na umiyak siya.

Ganito ba niya ko kamahal ? Siguro dapat hindi ko na siya pagdudahan sa susunod. Natatakot lang kasi ako.

"Mahal na mahal kita, Sir. " sincere na sabi ko.

Ngumiti siya at nilapit ‘yung mukha niya sakin. Napapikit ako hanggang sa maramdaman ko na lang ‘yung labi niya sa akin. Ipinulupot ko ‘yung dalawang kamay ko sa batok niya at gumanti ng halik sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba ‘tong ginagawa ko pero sumusunod lang ako sa kanya.

"Sir........."

Humigpit ‘yung yakap niya sa bewang ko at halos malunod na ko sa halik na binibigay niya. Napaungol ako ng maramdaman kong may pinasok siya sa loob ng bibig ko. Nanatili pa rin akong nakapikit. Ngayon na ba ?

Naramdaman ko ang unti-unti kong pagbaba sa kama hanggang sa nakahiga na ako rito at nakapatong na siya sakin. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit at pinulupot ‘yung dalawang hita ko sa bewang niya. Bumaba na rin ‘yung halik niya sa leeg ko habang patuloy akong umuungol.

Nag-iinit na ‘yung pakiramdam ko.

***

Bitinin ko muna kayo, guys ! HAHA ! Pwede humingi ng favor ? Pakibasa naman ‘yung isa kong story. Pretty please ? Kakapalan ko na mukha ko. Vomment rin kayo pati na rin dito. Hindi ako maga-update hanggang hindi ako nakakatanggap no’n. Sorry, guys ! Please, understand me. TT_TT !

Chapter 1 palang naman ‘yon so hindi kayo mahihirapan magvote and comment ng bonggang-bongga. Kahit simpleng 'UD na po' masaya na ko pati na rin dito.

My Prof, My HusbandWhere stories live. Discover now