MPMH - Chapter 40

8.3K 146 4
                                    

MPMH - Chapter 40


MOE


"M-moe.............." Niyakap niya ko ng sobrang higpit. Ramdam ko 'yung pangungulila niya sakin. "I really miss you. "

Hindi ko alam pero natagpuan ko na lang 'yung sarili kong gumanti ng yakap sa kanya. Unti-unting bumalik sakin 'yung mga ala-ala namin dalawa nung mga bata pa lang kami.

"Kai-kai..........." usal ko.

Gulat na napatingin siya sakin. "Naaalala mo na ko ?"

Tumango ako. "Pero hindi pa lahat. "

Napabuntong-hininga siya. Sumulyap siya kay Shy na nasa gilid namin at nakangiti. Alam kong masaya siya.
Tumango ang huli kaya malalim na napabuntong-hininga si Calix.

"I want you to know the truth, Moe. " panimula niya. "I don't know if your still going to forgive me after this but, I will understand if not. "

Ngumiti lang ako sa kanya kahit na kinakabahan ako. Sana maging maayos na lahat.

"I'm sorry for everything. " Ngumiti siya ng mapait. "I still love you, Moe. I wish we can go back to that time. If I only knew that would happen. Hindi ko na sana tinuloy. Hindi na sana ko naging pakampante. Edi sana, masaya tayo ngayon. "

"Natutuwa ako kapag binabalikan ko 'yung mga ala-ala natin. Yung panahong bata pa tayo, walang ginawa kundi maglaro, matulog at kumain. Naaalala ko pa no'n kung gano ako katorpe sayo. Kung di pa siguro ko pinilit ni mama baka hindi tayo naging close. " Pareho kaming natawa. "Lagi kitang iniinis no'n na mataba ka, pero 'yung totoo hindi naman. Natutuwa lang talaga ko sayo kapag naiinis ka kasi ang cute mo. "

Hindi ko maiwasang mamula dahil sa sinabi niya. I'm sorry, Calix. Ang sarap balikan ng mga ala-alang 'yon pero masaya na ko sa kung anong meron ako ngayon. Masaya na ko kay Sir.

"Ikaw ang nagbigay ng nickname na Kai-kai sakin. Gusto ko ikaw lang ang tumawag sakin no'n hanggang ngayon. Masaya ko kasi naging parte ako—kami ni Candice ng buhay mo. Miss na miss ka na niya. Kaya nga kanina sobrang daldal niya nung dumating ka dito. Akala niya kasi..............babalik pa sa dati ang lahat. "

Napayuko ako ng marinig ang sinabi niya. I'm sorry, Calix. Pero hindi na maibabalik pa sa dati ang lahat.

Napangiti siya ng malungkot. "Ako din ang nagbigay ng pangalan kay Sparkle. Kaya nga nung nakita ko siyang nawawala no'n sa park. Nakilala ko agad siya at natutuwa ako dahil mabilis kitang nahanap no'n. "

Biglang bumalik sakin 'yung ala-alang 'yon. Yung tinanong ko kung anong bagay na pangalan kay Sparkle. Kaya pala ! Kaya pala gano'n na lang sila kalapit sa isa't-isa. Masaya akong balikan 'yung nakaraan pero alam kong mas masaya na ko ngayon sa kasalukuyan. At kahit mag-time travel pa kami pabalik, mas pipiliin ko pa rin 'yung ngayon. Na kasama ko si Sir.

Hinawakan niya 'yung kamay ko at diretsong-tumingin sakin. "Sana mapatawad mo pa ko pagtapos nito, Moe. Sana matawag mo pa rin akong Kai-kai. Tanggap ko na hanggang kaibigan lang ang turing mo sakin. Alam kong wala akong laban sa kanya. At hindi ko na ipipilit pa 'yung sarili ko sayo. Pero tandaan mo na kapag kailangan mo ng kaibigan na masasandalan, nandito lang ako lagi. Kami ng bestfriend mo. " Pareho kaming napatingin kay Shy at ngumiti.

Ibinalik niya 'yung tingin sakin. "Sorry kung wala kang maalala, Moe. Alam kong naghirap ka dahil sa mga pinagdaanan mo. Sorry dahil dumagdag pa ko. Sorry sa lahat. Sorry kung kasalanan ko. Sorry kung ako 'yung dahilan kung bakit naaksidente ka at nagkaroon ng amnesia. Sana mapatawad mo pa ko. " Lumandas sa isang mata niya ang luha kaya hindi ko rin maiwasang maiyak.

My Prof, My HusbandWhere stories live. Discover now