MPMH - Chapter 44

9.5K 195 47
                                    

MPMH - Chapter 44

SHY

"You want something to eat ?" tanong ni beb kay Moe.

Umiling lang si Moe at ngumiti ng tipid. Napailing na lang ako habang nakahalukipkip dito sa gilid. Pinagmamasdan ko ang matigas ang ulo kong bestfriend. Alam naman niyang buntis siya pati ang baby niya dinadamay. Ayaw kasi kumain at panay ang iyak. Naiintindihan ko naman siya kaya lang makakasama kasi sa kanya 'yon pati na sa bata.

"Still stubborn. " naiiling din na sabi ni beb. "Magpapa-iwan na lang ako ng pagkain dito. Just eat even a little. "

Tumalikod na siya sa bestfriend kong tigas ulo at nagtama ang paningin namin. Tinapik niya lang ako sa balikat ko na para bang sinasabing alam ko na ang gagawin ko.

Bumuntong-hininga muna ko bago ko nilapitan si Moe. "Friend, alam kong nasaktan ka sa nakita mo pero sana naman huwag mong idamay 'yung inaanak ko. "

Nag-angat siya ng tingin at mapait na ngumiti. Kitang-kita ko 'yung lungkot sa mga mata niya. Naaawa ko sa bestfriend ko at gustong-gusto kong bayagan ang hinayupak niyang asawa. Pati na 'yong haliparot na Lynn na 'yon. May hidden agenda pala ang gaga. Isa rin loka-loka.

Flashback

"Anong nangyari, friend ?" nag-aalalang tanong ko habang nakayakap sakin si Moe.

Humikbi siya at mas lalong hinigpitan 'yung yakap. "F-friend, ni-niloko niya k-ko. Ang sakit. "

Napakunot-noo ako. "Teka, teka. Hindi kita maintindihan. Panong niloko ? Kelan ? Tsaka bakit ganyan itsura mo ?" Paano ba naman kasi nagulat ako ng makitang pumasok siya dito sa bahay nila na umiiyak.

Umalis siya sa pagkakayakap at tumayo. Akala ko kung anong gagawin niya pero kumuha lang pala ng maleta. Sus—teka ? Ano ? Maleta ? Kaagad ko siyang sinundan ng mag-umpisa na siyang kunin 'yung mga damit niya sa cabinet at isilid sa maleta. Ni hindi niya na 'yon tiniklop at nilagay na lang.

"Friend, bakit naghahakot ka ? Lilipat na ba kayo ?"

Tumingin siya sakin pero patuloy pa rin sa ginagawa. "Ayoko na dito. Tulungan mo kong umalis, Shy. Please !"

Tumango ako. "Tutulungan kita, friend. Pero pwedeng sabihin mo muna sakin kung anong nangyari ?"

Tinapos niya muna 'yung ginagawa niya bago nagsimulang mag-kwento.
"Alam ko galit siya sakin, Shy. At naiintindihan ko kung bakit siya umalis kagabi ng gano'n-gano'n lang pero parang hindi ko matanggap 'yung kapalit ng ginawa ko. "

Napakunot-noo ako. "Ano ba 'yon ?"

"Akala ko magiging okay na kami kasi tinext niya ko kanina. Ayon 'yung unang reply niya sa mga text at tawag ko. Pinapapunta niya ko sa bar kung saan siya nando'n. Syempre gustong-gusto ko na siyang makita at makausap kaya nagmadali na ko. Pero pinagsisisihan ko na 'yung ginawa ko. Dapat pala hindi na lang ako pumunta. " Pinunasan niya 'yung luha niya bago muling nagsalita.

"Ka-kasi nakita ko siya. Kasama niya si Lynn sa isang kwarto. Yung babaeng 'yon pa ang nagbukas ng pinto at t-shirt ni Sir 'yung suot niya—" Naging interesado ko sa kwento niya kaya hindi ko na nagawa pang magtanong. "—T-tapos nakita ko si Sir. Nakahiga siya sa kama at natutulog pa. Wala siyang suot na pang-itaas at natatakpan ng kumot 'yung ibabang bahagi ng katawan niya. "

Napasinghap ako ng marinig 'yung huli niyang kwento. Napansin ko din na mas naiyak si Moe marahil dahil naaalala niya 'yung nakita niyang panloloko sa kanya ng asawa niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Parang gusto kong sumugod do'n at sunugin 'yung kwarto kung nasaan sila.

My Prof, My HusbandTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang