MPMH - Chapter 20

22.5K 601 128
                                    

MPMH - Chapter 20


MOE

Kanina pa ko kinukulit ni Sir kung ano bang nangyari kahapon at late na pero nando'n pa ko sa school ng gano'n oras at hindi pa ko umuuwi pero paulit-ulit ko din siyang sinasagot na cleaners nga lang ako kaya ako naiwan mag-isa. Ayaw niya kasing maniwala. Ayoko sabihin 'yung totoo kasi alam kong magagalit siya kay Miss Dianne. Baka pag-initan na talaga ako nung teacher na 'yon.

"Fine, kung ayaw mo sabihin sakin 'yung totoo. Ako mismo aalam. " sabi niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na sumagot. Baka mas lalo lang akong mahuli eh. Tiwala naman akong hindi niya malalaman eh. Tinuloy ko na lang yung pagkain ko. Magre-review pa kasi kami bago matulog gaya ng dati.

SHY

Maaga ko pumasok kasi wala lang. Feel ko lang pumasok ng maaga. Bawal ba 'yun ? Baka mamaya mapagalitan at ipahiya din ako ni Miss Dianne. Bruhilda pa naman 'yon. Feeling ko nga baliw na 'yung babaeng 'yon eh. Lagi ko kasi nakikita na pumupunta si Nurse Jane sa faculty niya tsaka isapa baliw talaga siya. Kala niya naman maganda siya. Lamang lang siya ng isang paligo sakin pero mas lamang si Moe sa kanya ng tatlong paligo. Masyado kasing makapal mag-make up tsaka lagi pang naka-red lipstick kala mo babaeng nagbebenta ng aliw sa mga bars or plaza. Kairita ! Kung di lang ako graduating nabanatan ko na 'yun eh.

Akmang papasok na ko sa room ng mapahinto ako dahil nakita ko si Calix na nandoon na at may kausap sa phone niya habang nakangiti siya. Hindi ako chismosa pero mismong chismax na ang lumalapit sakin. Syempre grab the chance. Isapa beb Calix ko 'yan baka mamaya ibang babae na pala kausap niya. Aba ! Hindi ako makakapayag no'n.

"Yes, baby ?" malambing niyang tanong sa kausap at nakangiti ng malapad.

Napabusangot tuloy ako at nag-make face. "Yes, baby ? Yes, baby ka pa diyan. Ang landi mo. " bulong ko.

"Sorry, I already here at school. " sagot niya ulit. "Just eat it, okay ? I will buy a new one before I go home, alright ?"

Wow, ah ? Ang swerte naman nung haliparot na 'yon. Kakainggit ! Sana ako din.

"Oh, your ate Moe ?" Mas lalo akong napalapit at nakinig ng mabuti dahil narinig ko nanaman 'yung pangalan ni Moe. Nanghihinala na talaga ko eh. Feeling ko may knows 'tong si Calix na hindi ko knows eh. "She's not here, siguro maya-maya pa dadating 'yon. " Tsaka ko lang napagtanto na kapatid pala niya 'yung kausap niya. Bakit kaya kilala ng kapatid niya si Moe ? Ano ba talagang koneksyon ni Calix kay Moe ?

Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na tapos na pala sila mag-usap at tinatawag na niya ko ngayon. "Shy, anong ginagawa mo diyan ? Bakit ayaw mo pang pumasok ?" tanong niya ng nakakunot-noo. Sana hindi siya nakahalatang nakikinig ako sa usapan nila ng kapatid niya.

Napatingin ako sa kanya at inilibot 'yung mata ko sa paligid at hinampas-hampas 'yung pader. "Hindi kasi ano..........."Napakamot ako sa ulo ko. May kuto ! Choss ! "Pumapatay ako ng ipis. Ang dami kasi. Grabe ! Oo, hehe ! Mukhang uulan ata. " pagkasabi ko no'n ay dumiretso ako papasok ng classroom. Pasimple lang. Hahaha !

"Really ?" tanong niya. Ang pogi talaga ng beb ko.

Tumango-tango ako. "Oo, gano'n daw 'yun, eh. Hehe !" sagot ko sabay taas-baba nung kilay ko.

Tumango-tango din siya na waring nag-iisip. "I see !"

"Shy !"

Napatingin ako bigla sa pinto ng room nang may tumawag sa pangalan ko. Pagkakita ko si Sir Ghave pala.

"Bakit po ?" tanong ko.

"Can I have a favor ?"

"Anong favor naman, Sir ?"

My Prof, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon