MPMH - Chapter 16

44.2K 1K 264
                                    

MPMH - Chapter 16

MOE

Sinabi ko kay Calix na magpapalit lang ako ng pantulog then sabay na kaming kakain ng dinner. Syempre, papatirahin ko siya dito ng isang gabi tapos di ko papakainin. Ang bad ko naman kung gano’n, diba ? Sabi pa naman ni mommy sakin lagi daw akong maging welcome sa bisita ko at wag ko silang gugutumin. After kong magpalit ay bumaba na ko. Nakita ko si Calix na nakaupo sa sofa habang naka-dekwatro pa pero buhat-buhat niya si Sparkle at nilalaro. Minsan talaga nagtataka na ko kung paano niya naging close si Sparkle eh samantalang ngayon lang sila nagkakilala. Sabagay, mabait nga pala ang aso ko at hindi nananahol. Mana sa amo. Hihi !

Napatingin siya sakin at ngumiti. Ngumiti na lang din ako. "Luto lang ako, ah ?"

Tumango siya. "Do you need help?"

Umiling lang ako. "Kaya ko na. " sagot ko at dumiretso na sa kusina para magluto. Sinuot ko na ‘yung favorite apron ko at nagsimulang magluto. Actually, walang nagturo sakin magluto. Ako lang talaga mag-isa natuto kasi sabi ko kay mommy gusto ko maging independent. Gusto ko matuto mag-isa. Kaya ayun, buti naman kaya ko na. Hehe.

Pagtapos ko ay hinanda ko na lahat sa lamesa ‘yung niluto ko. Bumalik ako sa sala para tawagin si Calix. Lumapit naman siya bitbit si Sparkle sabay na daw namin kumain. "Sige na, upo ka na. Hahandaan ko lang si Sparkle ng pagkain niya. " sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam kung sumunod ba siya sa sinabi ko basta ako hinandaan ko na ng pagkain si Sparkle tapos binigay ko sa kanya. Pagharap ko, nakita kong kinukuhaan niya ng picture ‘yung mga niluto ko. Napakunot-noo ako. "Bakit mo pini-picture-an ‘yan, Calix ?"

Umiling siya habang nangingiti. "Nothing. Let’s eat ?" aya niya.

Tumango na lang ako kahit nagtataka ako. Umupo na ko sa katapat niyang upuan at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos ay nagprisinta siyang maghugas ng pinggan pero hindi ako pumayag. Syempre, hindi dapat pinagta-trabaho ang bisita.
Kahit na nangungulit siya hindi pa rin ako pumayag. Iniisip ko kung papahiramin ko ba siya ng damit ni Sir kaya lang baka magtaka siya kung bakit meron akong damit ng pang-lalaki. Feeling ko magka-size lang naman sila ng katawan. Ano ba, Moe ? Papahiramin mo ba o hindi ? Kasi kawawa naman si Calix, matutulog siyang basa ‘yung damit niya. Samantalang siya lahat na ata ng pabor ginawa niya tapos ikaw simpleng t-shirt lang hindi mo mapahiram. Umiling-iling ako. Sige na nga, papahiramin ko na. Sasabihin ko akin na lang t-shirt yun, kunwari. Hehe.

After kong maghugas pinahiram ko na kay Calix ‘yung t-shirt ni Sir. "Suotin mo muna. Bukas ng umaga mo na lang isauli kapag uuwi ka na. "

Tinanggap niya ‘yon. "Thanks. "

"Sige na. " sabi ko.

"Wait. Bakit parang malaki masyado ‘yung t-shirt mo? I think it’s for men." nagtatakha niyang tanong.

Kinabahan ako. Yan na nga ba sinasabi ko, eh. Ano sasabihin ko? Napakamot ako ng ulo. "Ah—eh, sa............sa kuya ko ‘yan. Hehe !"

Napakunot-noo siya. "Really ?"

Tumango-tango ako. "O-oo !"

"Alright ! Thanks, Moe. " tapos ginulo niya ‘yung buhok ko. Napa-pout na lang tuloy ako.

Nandito na ko ngayon sa kwarto. Kasama ko si Sparkle pero syempre sa baba siya ng kama ko natulog pero may sarili siyang higaan do’n. Dahil hindi pa ko makatulog, nag-open muna kong facebook sa laptop. Offline pa rin si Sir. Haysss. Maya-maya lang may nag-pop out sa messages ko. Pagtingin ko, si Shy lang pala.

Shy : Anune ?

Moe : Ano ?

Shy : Nasaan na beb ko ?

My Prof, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon