MPMH - Chapter 32

9.8K 207 22
                                    

MPMH - Chapter 32


A/N: We'll post the next chapter on April 8 (Saturday). Votes and comments are highly appreciated. Please don't mind my errors and enjoy reading !


MOE


Napangiti ako ng kusa ng maalalang nagkaayos na kami ni Sir. Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng mangyari 'yon. Hindi ko rin in-expect 'yon kasi akala ko hindi na talaga niya ko mapapatawad. Ako nga sana hihingi ng tawad pero nagulat ako ng magising ako ng madaling araw ng katabi ko na siya sa higaan namin dalawa. Halos maiyak ako sa tuwa no'n. Nag-sorry din siya sa pagiging seloso at possessive niya daw. Syempre nag-sorry din ako. Pareho kaming may mali eh. Unfair naman 'yon kung siya lang.

Napakunot-noo ako ng biglang mag-vibrate 'yung cellphone ko. Sumulyap muna ko kay Sir Ken na nagdi-discuss sa harap bago ko kinuha 'yung cellphone ko sa bulsa.

From : 09*********

            Good morning, beautiful. Would you mind if I'm going to invite you for a dinner tomorrow evening ? Just this one.

                                          - Kenneth

Napatingin kaagad ako kay Sir Ken ng mabasa ko 'yung message niya. Sakto din nakatingin siya sakin at biglang ngumiti na para bang alam niyang nabasa ko na 'yung message niya. Eto nanaman, eh. Baka pagmulan nanaman namin 'to ng away ni Sir. Kaya lang nakakahiya naman tumanggi kay Sir Ken kasi kakaen lang naman daw kami. Ewan ko ! Huhu ! Tsaka pano niya nalaman number ko ?

"Bruha, ano bang iniisip mo dyan ?" bulong ni Shy sakin.

Umiling lang ako. "Wala ! Wag ka ngang chismosa, dyan. " biro ko kahit na nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba kay Sir 'tong tungkol sa text ni Sir Ken.

Umismid lang siya. "Kdot. "

Dumating ang lunchbreak at ramdam kong pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang kumakain kami ni Sir. Nagtext kasi siya sakin kanina. Sabi niya sabay daw kami mag-lunch kaya hindi ko tuloy nakasabay si Shy ngayon. Ayos lang naman daw 'yon. Si beb na lang daw niya isasabay niya. Landi talaga ! Hahaha !

"Sabay tayong uuwi mamaya, love. "

Tumango ako. "S-sige. " sagot ko at nagpatuloy lang sa pagkain. Dito kami sa faculty niya ngayon kumakain. Syempre mabuti na 'yung nag-iingat. Baka may makakita samin kapag sa labas kami.

"Care to tell me your problem ?" nakakunot ang noo nito habang nakatingin sakin. Mukhang napansin niya yatang may iniisip ako. Sabagay ! Si Sir 'yan, eh. Kilalang-kilala na niya ko.

Napakagat ako sa labi ko at mahinang nagdasal na sana hindi siya magalit sa sasabihin ko. "K-kasi nag-t-text sakin si Sir K-Ken. "

Patuloy pa rin siyang nakinig. "And then ?"

Mas lalo akong kinabahan. "I-inaaya niya k-ko magdinner daw b-bukas ng g-gabi. A-ayos lang b-ba ?" Napapikit ako para hindi makita 'yung reaction niya. Baka kasi bigla na lang siyang magalit. Ayoko naman no'n. "P-pero kung ayaw mo, okay lang naman sa—"

"Alright !" Putol niya sa dapat na sasabihin ko. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. "But, I'm the one who will pick you up, okay ?

Nagtataka pa rin na tumango ako. Akala ko magagalit si Sir. Akala ko mag-aaway nanaman kami. Akala ko magseselos siya. Buti na lang talaga akala ko lang lahat 'yon. Tsaka gusto ko din sana na kunin na ang opportunity na 'yon para makapag-usap kami ni Sir Ken ng maayos. Sana nga lang wala ng kumuha samin ng picture at ipadala nanaman kay Sir dahil baka mag-away nanaman kami. Ayoko ng maulit 'yun, eh.

My Prof, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon