MPMH - Chapter 12

45.9K 812 52
                                    

MPMH - Chapter 12


MOE


Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng umalis si Sir. Pakiramdam ko bored na bored na ko. Paulit-ulit lang ‘yung nangyayari sakin. Gigising, papasok, uuwi at magre-review. Sa tatlong araw na lumipas, ganyan lagi ang routine ko. Pakiramdam ko gusto ko ng hilahin ‘yung oras para makauwi na si Sir. Miss na miss ko na siya. Buti na lang nandito si Sparkle kaya may nakakasama ko sa bahay. Half day lang kami ngayon kaya maaga ko nakauwi. Hindi pumasok ang bruha ngayon, eh. Pansin ko nitong mga nakaraang araw, pala-absent ang bruha. Ano kayang pinagkakaabalahan nu’n ?

"Arf. Arf....."

"Eto na nga, sparkle. Bibigay na ni mommy ‘yung pagkain mo. " nakangiting sabi ko pagkalapag ko ng dog food sa harap niya. Mabilis niya ‘yun nilantakan habang ako nakamasid lang sa kanya. Ilalabas ko si Sparkle ngayon. Tutal wala naman akong ginagawa. Tapos ko na ‘yung research paper at wala kaming assignment kaya hayahay ako ngayon.

Tinignan ko ‘yung orasan. 3PM na pala. Sakto, hindi na gaanong mainit kaya ilalabas ko talaga si Sparkle. Ni-lock ko ‘yung gate bago umalis. Lalakad ko lang siya hanggang sa makarating kami sa malapit na playground. Hindi ko na siya nilagyan ng tali kasi maliit lang naman si Sparkle at kayang-kaya ko siyang buhatin. Isapa, ayokong tinatalian siya kasi baka masakal siya. Ayokong maramdaman ni sparkle na wala siyang kalayaan kasi kung sakin din gagawin ‘yun magagalit ako. Nilalaro-laro ko lang si sparkle habang naglalakad ng malaglag ‘yung cellphone ko na nakasuksok sa bulsa ko. Waaaaaaa !

Binitawan ko muna si sparkle at inilapag. Pinulot ko ‘yung cellphone kong may basag sa harap pero nata-touch pa naman siya. Nagkaroon nga lang ng crack sa gitna. "Waaaaa ! Sparkle, nabasag ang cellphone ni mom—" Pagtingin ko sa gilid ko, wala na si Sparkle.

Kinabahan agad ako. "Sparkle !? Nasaan ka ? Sparkle ! Sparkle! "

Naglakad-lakad ako habang tinatawag ‘yung pangalan niya. "Sparkle !!! Nasaan ka na ?" Nakailang tawag na ko at paikot-ikot na do’n pero wala talaga si Sparkle. Naiiyak na ko ! Isabay mo pang nabasag ‘yung cellphone ko.

"S-sparkle.........Hinahanap ka na ni mommy, oh ! Nasaan ka na ba kasi ?" sigaw ko pa. Nakarating na ko sa playground dito pero wala talaga siya. Pano.........pano kung nasagasaan siya ? Kung may kumuha sa kanya ? Waaaaaaa ! Ayokong mangyari ‘yun !

Umupo na lang muna ko sa swing habang marahan pinupunasan ‘yung luha ko. Siguro iniisip niyo ang babaw ko noh ? Pero kasi, sobrang importante sakin ni Sparkle. Simula pa nung 12 years old ako nasa akin na siya, alaga ko na siya. Kaya nga sobra kong nag-aalala ngayon nawawala siya. Kakukuha ko lang sa kanya kahapon kay mommy tapos ngayon nawawala na siya. Waaaahhh !

"Sparkle kasi, eh ! Nasaan ka na ba ?" bulong ko habang patuloy na umaagos ‘yung luha ko.

"Arf........arf............arf........."

"Sparkle !?" Napatayo agad ako ng marinig ko ‘yung familiar niyang tahol.

"Arf......arf......"

"Sparkle !?" tawag ko pa sa pangalan niya. Pagtingin ko sa gilid ko, nakita ko siyang tumatakbo palapit sakin. Naiyak na ko lalo dahil sa tuwa. "SPARKLE !" Tumakbo na din ako palapit sa kanya. Agad ko siyang kinuha at kinarga pagkalapit ko. Dinilaan niya ‘yung gilid ng pisngi ko kaya natawa ko.

"San ka ba kasi galing ? Kanina ka pa hinahanap ni mommy. " pagkausap ko sa kanya. "Pinaiyak mo pa ko, oh !"

Nagulat ako ng may makita kong panyong nakalahad sa harap ko. "Take this, please !"

Napatingin ako sa mukha niya at sa panyo niya pagkatapos. "S-sino ka po ?" tanong ko.

Natawa siya. "You’re really cute. " biglang sabi niya kaya napakunot-noo ako.

My Prof, My HusbandWhere stories live. Discover now