MPMH - Chapter 41

9K 185 15
                                    

MPMH - Chapter 41

MOE

"Gising na, friend !"

Agad napakunot 'yung noo ko ng maramdaman na may yumuyugyog sakin. Pumikit muli ako at sinubukan matulog ulit. Inaantok pa ko.

"HOYY ! MOE ALCANTARA GUMISING KA NA DIYAN. "

Agad akong napabangon ng sundutin niyo 'yung ilong ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba ang aga-aga mong nambubulabog ?" tanong ko.

"Hello, graduation na natin ngayon baka nakakalimutan mo. Kailangan maaga tayo. "

Napatingin ako sa orasan at nakitang 3AM pa lang. Akmang hihiga ulit ako ng—"Subukan mo pang humiga at ia-adobo ko si Sparkle. "

Mabilis akong napabangon ulit.

"Hala, sige maligo ka na at mag-toothbrush. Ang baho ng hininga mo. "

Hindi ko na pinansin 'yung sinabi niya. Pupungas-pungas akong naglakad papunta sa banyo pero agad akong napatakbo ng maramdaman ang pag-ikot ng sikmura ko. Naduduwal nanaman ako. Agad kong sinara 'yung pinto ng makapasok ako.

Narinig ko pa ang pagkatok ni Shy. "Anong nangyari sayo ? Okay ka lang ba, friend ?"

Pinilit kong sumagot. "O-oo."

Nang matapos ako ay kaagad na kong naligo. Nahihilo ako, pakiramdam ko babagsak ako. Pinilit kong alisin 'yung pakiramdam na 'yon para hindi sila mag-alala pag nakita ako. Graduation pa naman namin ngayon tapos hindi pa nakisama ang katawan ko. 

Kaagad akong nagbihis pagkatapos at bumaba. Naabutan ko si Sir at Shy na nag-uusap. Napansin naman ako ni Shy kaya napatigil sila. "Tara na dito, nagluto na ng breakfast 'tong asawa mo. Dali para ma-make up-an na kita." excited niyang sabi.

Umupo na ko at tumabi naman si Sir sakin. Pinaghanda niya ko pagkatapos ay kumain na kami. Hindi ko maiwasang maisip 'yung nangyari kahapon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako gaanong nakaka-move on do'n sa nangyari. Hanggat maaari iniiwasan kong isipin 'yon dahil bumabalik lang 'yung takot sakin.

"Ano nga palang nangyari kay, Miss Dianne, Sir ?" hindi ko naiwasang itanong.

Napatingin naman siya sakin at saglit na tumigil sa pagkain. Nakita ko din si Shy na napahinto. Interesado din ata siyang malaman. Bumuntong-hininga si Sir. "Her parents decided to take her to the Mental Hospital. "

Napailing-iling si Shy. "Loka-loka na kasi 'yung teacher natin na 'yon. "

"Edi ibig sabihin, hindi na siya makakasama ngayon ?" tanong ko ulit.

Umiling si Sir. "Hindi na ! And don't worry hindi ko na hahayaan saktan ka niya ulit o ng kahit na sino. " Napangiti ako sa sinabi ni Sir. Napanatag ako dahil alam kong nandyan lagi siya para protektahan ako.

After namin kumain ay nandito na kami ngayon sa kwarto at naglalagay ng kung anu-ano sa mukha. "Huwag ka naman magulo, friend. " reklamo ni Shy habang mine-make up-an ako.

"Naka-steady na nga ako dito, eh. " sagot ko pa.

"Ano ba 'yang mata mo. Pasmado ba 'yan ? Nanginginig eh. " sabi niya pa habang may kung anu-anong nilalagay sa mata ko.

"Alam mo naman hindi ako sanay sa make-up. Ngayon lang ako naglagay niyan. "

"Edi ikaw na maganda kahit walang make-up. " sagot niya kaya natawa ko.
Pagkatapos ko ay siya naman ang nag-ayos sa sarili niya.

Tinignan ko 'yung sarili ko sa salamin. Parang nagbago 'yung itsura ko. Medyo wavy ang buhok ko tapos inipitan ako ni Shy ng waterfalls. Medyo light lang ang make-up ko dahil ayoko ng makapal. Siya naman ay naka-bun ang buhok niya tapos medyo makapal ang make-up niya.

My Prof, My HusbandWhere stories live. Discover now