MPMH - Chapter 14

44.7K 810 53
                                    

MPMH - Chapter 14


MOE


Kakaupo ko pa lang sa upuan ko ay agad na kong sinalubong ni Shy ng sankaterbang tanong with matching kurot-kurot pa sa tagiliran ko. Saan naman kaya to galing at ngayon lang pumasok ? Kung kailan isang linggo na lang bago ang exam tsaka pa naging pala-absent. Ngayon nga lang ‘to pumasok, eh. Apat na araw din 'tong bruhang to na wala.

"Ano na ? Sino nga ‘yon ?" pangungulit niya pa.

Humalukipkip ako. "Eh kung tanong ko muna kaya sagutin mo, noh ? Bakit ka nga absent ng 4 days, ha ?"

Umikot yung mata niya. "Eh, may sakit nga ako. Hindi mo ba napansin na pumayat ako ? Myghawd ! Akala ko nga mate-tegay na ko. "

"Yung truelaloo, lagnat or lovenat ?" natatawa kong tanong.

"Pwedeng both ?" tanong niya rin tapos tumawa.

Hinampas ko siya. "Ang harot mo talaga !"

"I know right !" proud niyang sabi. "So, who’s this yummy guy ?" nginuso-nguso niya pa si Calix na nakaupo do’n sa likod habang nakapikit at may nakapasak na earphone sa dalawang tenga.

"Si Calix ‘yan. Transferee at bago kong kaibigan. " sagot ko na napatingin pa kay Calix.

"Hmmmm ! I can smell something fisheeyy. Kaibigan lang ba talaga turing niyan sayo, ha ? Baka mamaya masama pala ‘yang tao tapos nagtitiwala ka agad. " nanunuring sabi niya.

Umiling ako. "Mabait sya, Shy ! Promise !"

Tumango-tango siya habang pinagmamasdan si Calix. "Kung gano’n naman pala, edi okay. Yummy naman, eh. Malaki ba ‘yung ano niyan ?" biglang niyang tanong tapos humagalpak ng tawa.

Nanlaki yung mata ko at agad pinalo sa braso si Shy. "Bunganga mo talaga ! Nagkasakit ka na’t lahat-lahat ‘yang bunganga mo gano’n pa rin. "

"Well, gano’n talaga !" proud nanaman niyang sabi. "Lapitan naman natin, pakilala mo ko. "

"Ayoko nga ! Ikaw na lang lumapit. " tanggi ko.

"Sige na ! Ang damot mo naman, Moe. May Ghave ka na tapos itong si Calix gusto mo pa ?" nakalabing sabi niya.

"Si Ghave lang ang mahal ko, okay ? Kaibigan—ayy mali, parang kapatid na pala ang turing ko diyan kay Calix. " paliwanag ko.

"Okay ! So pakilala mo na nga ko." kulit nanaman niya.

"Sige na nga !" Tatayo na sana ko ng sakto biglang pumasok ‘yung prof namin. Natawa na lang ako at napatingin kay Shy na umirap at umatungal.

Nag-lesson lang si Ma’am tapos nag-quiz then after that, nag-break na kami. Syempre, sabay na kami ni Shy dahil pumasok na siya. Lalabas na sana kami ng tawagin ako ni Calix.

"Moe !"

Lumingon ako. "Bakit ?"

"Pwede sumabay sa inyo ?" tanong niya at napatingin kay Shy na malaki ang ngiti.

"Oo naman ! Tara na ! Bilis !" Hindi pa ko nakakasagot siya na agad ang nagsalita. Tsk ! Haha ! Wala, eh. Siya ‘yung tinanong. Charing!

Sabay-sabay kaming tatlo naglakad papuntang canteen habang si Shy ay walang tigil na dinadaldal si Calix. Nahihiya nga ako dahil baka nakukulitan na si Calix sa kanya pero hindi lang nagsasalita, pero parang nage-enjoy din naman si Calix. Ayy, ang gulo nila. Bahala sila diyan. HAHA ! Ngayon ko lang rin na-realize na bagay pala silang dalawa. Yiiee ! Haha ! Mai-reto nga si Calix kay Shy. Magiging si Cupid muna ko. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Panaka-nakang tumitingin sakin si Calix pero nakangiti. Nag-fake na ngiti na lang ako at nag-sign na 'sorry' tapos nginuso ko si Shy. Pagkarating sa canteen ay nailang ako dahil pinagtitinginan kami—este si Calix lang pala. Ang gwapo naman kasi ng lalaking ‘to. Pero dire-diretso lang siyang umupo habang nakasunod kami ni Shy.

My Prof, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon