Moments

7K 495 242
                                    

Ginagahan ako ngayon dahil done na ang exams hahaha. Enjoy reading!

Dedicated to Kaorieeeee22!!

Don't forget to play the multimedia above :)

**

"Wow, ang saya saya. Para tayong nasa field trip." Tangang palakpak ni Veton at manghang nilibot ang tingin.

"Bobo talaga." Bulong ni Sefarina at tinapik ang likod ni Iraia na umirap lang.

"Hindi ba sa palasyo ang punta natin?" Curious na tanong ni Enfys nang mapansing ibang direksyon ang kanilang dinadaanan.

"Not yet. We'll spend the night at the Clock Mills and tomorrow, we'll start roaming around. Let's move faster, it's nearing twilight." Balita sa kanila ni Kreme at naglakad na muli.

True to Veton's words, para nga silang nagf-field trip. Inanyayahan kasi ng palasyo ang mga mag-aaral sa Royal Academy para bisitahin ang Renvela. Hindi man lahat ay sumama, parang hindi pa rin naman sila nabawasan sa dami nila.

"Luna, kapit! Baka tangayin ka!" Malakas na tawa ni Sefarina habang hawak ang kumpol ng kanyang buhok para hindi liparin.

Luna scoffed and almost tripped because of the gush of the huge mills. Hinawakan niya ang damit ni Sword na masama ang tingin sa kanya.

After their countless encounters while visiting her friends at the infirmary, hindi niya inaasahang makasundo ang binata. Idagdag pa si Lithus na kulang din ng turnilyo sa ulo.

"Sabihin mo lang kung gusto mo akong hubaran. Ako na mismo gagawa." Irap nito sabay tampal sa kamay nito.

Naiinis namang inayos ni Luna ang kanyang buhok na lumipad na sa kung saan. Kararating lang nila sa Clock Mills o ang pinagkukuhanan ng enerhiya ng mga taga-Renvela. Standing tall all over them are the mills shaped like the hands of a clock. Sa hindi kalayuan, may hindi kataasang mga kabahayan na tingin niya'y ang tutulugan nila.

"This place is amazing!" Matinis na sigaw ni Iraia at napatalon-talon pa.

"Ikaw na alitaptap ka, hindi ka pa magaling!" Reklamo ni Veton at pinirmi ang dalaga sa kanyang tabi.

"Stop." Irap nito at pilit kumawala sa hawak ng binata.

Veton hissed. "Ang tigas ng ulo mo."

Pream giggled and patted Arrow's shoulder. "Mukhang mauunahan ka pa magka-lovelife ah." Asar nito at nilingon si Sefarina na nakikipaghabulan kay Enfys na mukhang napipilitan.

"Says who?" Sagot nito at siniko ang dibdib ng kaibigan bago nakapamulsang naglakad palayo.

Naiwan namang nakatanga si Pream at hinanap si Damien na ngayo'y bagot na pinapanood si Luna'ng magwala sa lapag. Sa sobrang lakas kasi ng hanging dala ng mga mills, hindi na niya maiangat ang sarili niya patayo.

"Can someone help me stand?!" Inis nitong singhal habang nakataas ang dalawa niyang kamay.

Naramdaman ni Luna na may kamay na humawak sa kanyang kili-kili at mabilis siyang tinayo. Agad naman niyang sinuklay ang sabog niyang buhok at pilit 'yong kinumpol sa kaliwa niyang balikat.

"Hindi naman basa ano?" Walang hiya niyang tanong kay Dame kasabay nang marahan niyang pagpunas sa kanyang kili-kili. Bakit kasi ngayon pa niya hinubad ang kanyang jacket?

Hindi naman sumagot ang binata kaya pinagkibit balikat na lang niya 'yon. Sakto namang tinawag na sila ng dalawa nilang Master malapit sa may kalakihang balon.

DovetailWhere stories live. Discover now