Surge

6.2K 435 113
                                    

I'm sorry for the sudden update earlier! Napindot ko lang 'yon hahahaha. This one is the real update na.

Dedicated to Claireanneimnida. Thank you for your continuous support!

Don't forget to play the multimedia above :)

**

"You good there, my friend?" Hingal na tanong ni Veton kay Pream na binigyan siya ng middle finger.

"Tangina, sino ba kasing nagsabing buhatin 'to?" Reklamo ni Pream na ngayo'y pawis na pawis.

Parehas silang nakalutang ngayon sa ere habang pilit tinatanggal ang maliit na bahay na pinaglalagyan ng mga estatwa ng mga elders papunta sa pinaka-madilim at pinakasulok-sulukan ng Taldor.

"Sino pa ba?" Veton grunted as they finally removed the house.

As if that wasn't enough, they both released another wave of energies from their bodies as they began to tremble from the weight of what they were holding on to.

Hindi lang si Luna ang papatay sa kanila kung hindi ang lahat kapag nabasag nila ang mga ito.

They both cursed their friend Damien repeatedly before successfully putting the house on the agreed-upon location.

Lupaypay na bumagsak ang dalawa sa lapag habang pinupunasan ang mga mukha nilang tagaktak na ng pawis.

"No one even bothered to help us? Not even the girls?" Hindi makapaniwalang tanong ni Pream habang gumagapang para makatayo.

"Bobo, tayong dalawa nga lang nandito diba?" Maangas na sagot ni Veton na sumuko nang tumayo kaya humiga na lang.

Hindi naman na nakarinig nang sagot si Veton kaya inaasahan niyang nawalan na ng malay ang kaibigan niya. Umupo siya at handa na sanang tawanan ang binata nang mapansing wala na siyang ibang kasama kung hindi ang sarili niya.

That fucker left him alone inside this unlighted and gloomy forest!


"VIERRO!"

Sabay sabay na napatalon ang apat na babae sa gulat nang ibalibag ni Veton ang pintuan ng kanilang dorm. He was stomping his feet really hard while his brows are furrowed.

"Sino na namang kaaway mo?" Judgemental na tanong ni Luna sa binata.

"Wala!" Dabog na sigaw ni Veton at nag-martsa na papunta sa kanyang kwarto.

Nagkatinginan naman silang apat at nagkanya-kanyang kibit ng balikat bago bumalik sa kani-kanilang mga ginagawa. 

Enfys, as usual, is reading her book, Iraia is sewing some clothes that she's been proudly telling others, Sefarina is talking to herself while thinking of the ways on how to make her best friend happy.

"Hindi ka man lang mags-share?" Kunot noong tanong ni Sefarina kay Luna na busy sa mga pagkaing kaharap niya.

Luna didn't even bother to look at her. She was preoccupied with finishing the last of her food from Renvela, which her father had given her. In fact, she tried to save it for at least a week, but it's only the third day and everything is about to be consumed already.

It's not her fault that she loves food more than anything else.

"Ubos na nga." Reklamo pa ni Luna at tinakpan ang mga ito.

"Don't bother the lady, Sef. You better help me na lang." Tawag ni Iraia sa atensyon ng kaibigan.

"Pass, masaya na ako sa buhay ko." Sagot ni Sefarina at hinagis ang katawan sa sofa bed.

DovetailWhere stories live. Discover now