Son of Poseidon

8K 513 114
                                    

I did my best to finish my deadlines today para makapag-update so, here it comes!

Also, I hope everyone's safe lalo na ngayong bumabagyo.
Sa mga estudyante katulad ko, gaano man kalupit ang mga prof niyo despite the current situation, hindi maiiwasan 'yon. But always remember that your safety goes above anything else.

Dedicated to _Luuunnnaaa thank you for being my number 1 reader! Ikaw ang madalas na unang nagv-vote at comment and I really really appreciate it.

Don't worry sa mga ibang nagpa-dedicate, we still have lots of chapters. Magsabi lang kayo :)

**

"Should we get Luna? I mean, two days na siyang ipinagkakait satin ng hari!" Iraia panicked and hurriedly picked up her dust pouch.

"Tonta, tayo ang walang karapatan kay Luna!" Sefarina kicked her ass making her stumble on the floor.

"Eh bakit mapanakit?!" Reklamo niya habang nakangusong pinapagpagan ang tuhod.

Humikab si Enfys at sinarado ang librong hawak nang makatayo. Inayos niya ang salaming suot bago tamad na binalingan ang dalawa. 

"You two should rest." Anito at nilayasan na sila.

"Where are the others ba?" Kunot noong tanong ni Iraia.

"Out. Mission." Bagot na sagot ni Sefarina habang kumakain ng cereal.

"Without us?"

"Tanga, nasa langit sila."

Tumaas ang kilay ni Iraia nang marealize ang sagot ng kaibigan. Nasa langit, ibig sabihin nasa himpapawid. Ang tanging kingdom na nakalutang sa hangin ay ang Olympus.

That means they're at the gods and goddesses' kingdom.

"Buti hindi ka sumama?" She asked, remembering her crazy obsession over the son of Hades.

"Hindi? Hindi talaga nila ako sinama." Irap nito at nagpapadyak habang nakahiga.

Napabungisngis naman si Iraia at iniwan na roon ang kaibigan. Kung hindi niya mababalik si Luna ngayon, maghahanap na lang siya ng makakasama sa Seba. After being entitled as a Pharaoh, nalimitahan na ang mga kilos niya. Kung dati, malaya siyang nakakapunta sa Seba anumang oras niya gusto, ngayon ay kailangan niya munang isipin ang mga nangangailan ng kanilang tulong before doing anything else.

"Princess."

"Aloha?" Gulat niyang ani bago dumapo ang tingin nito sa katabi. "Lithus?"

Pinigilan niya ang pagngiti sa pamamagitan nang pagtakip sa kanyang bibig habang pabalik-balik na tinuro ang dalawang panauhing nasa harapan niya.

"Are you..."

"No, Princess! It's not what you think!" Mabilis na tanggi ni Aloha.

"Oh." Iraia slowly nod as she eyed them from head to toe.

"Master Kreme asked for my presence because that sister of him made me her proxy." May bahid ng inis nitong sabi at pagkatapos ay siniko si Lithus na natatawa.

"Sister? Daughter of Aphrodite? You mean, Stella? Close kayo?" Sunod sunod niyang tanong.

She never knew that her mother's loyal apprentice's a friend of the daughter of the Goddess of Beauty!

"Medjo."

"Anong ganap niya?" Nguso naman niya kay Lithus.

"Lithus Silveria, son of Hephaestus."

DovetailWhere stories live. Discover now