Woman

7.7K 513 170
                                    

Happy reading!

Dedicated to mysticqueen10. Thank you for continuously supporting Dovetail! Enjoy!

**

"Shout loud and enjoy as we celebrate the king who'll continue to remain alive in our hearts-- King Signia's 5256th birthday!"

Malakas na sigawan ang pumalibot sa buong kastilyo nang tila isang mahikang nagsulputan sa gitna ang ilang mga kilalang panauhin. The girls are all wearing long-sleeved white dresses while the guys are wearing plain white tees and slacks.

And they're all barefooted.

The crowd fell silent upon hearing the mellow sound coming from the harp. It was soft and calming until the bass drum followed it. Muling umingay ang mga tao lalo na nang ilabas na ng mga panauhin ang kani-kanilang sword.

Mukhang naging tradisyon na sa Crestopia ang sword dancing.

"Is that..." Turo ni Luna sa malaking lalaking nangingibabaw sa gitna.

"Sparta? Yes, honey."

Napasinghap si Luna at manghang pinanood ang warrior na nakasama nilang lumaban sa digmaan.

Hapit na hapit ang suot nitong pantaas kaya kitang kita ang matigas at matipuno nitong pangangatawan.

"He's hot." Sabay nilang bulong ni Sefarina at sabay ding napahinga ng malalim.

"I hope he aged backwards." Malungkot na dagdag ni Sefarina na tila nanghihinayang.

Ramdam niya ang pakiramdam ng kaibigan. Kung hindi niya siguro nalaman ang edad ni Sparta'y mapagkakamalan niya pa rin itong binata.

"Gawking over the hundred-year-old warrior, are we?" Sabay nilang nilingon si Veton na siningit ang ulo sa gitna nila.

Napailing ang magkaibigan at sabay na hinilamos ang palad sa binata na panay ang reklamo.

Binalik na lang nila ang atensyon sa mga nagsasayaw.

They gracefully danced to the tune of the harp and drum. They even did some tossing and exchanging of their swords.

"Damn, that's dope!" Rinig nilang sipol ni Pream.

Natapos ang kanilang pagsayaw matapos sabay sabay na ituro ang dulo ng kanilang swords sa direksyon ng hari na unang pumalakpak.

Nagpatuloy pa ang kasiyahan sa mga sumunod pang nagbigay aliw hanggang sa hinayaan na sila ng hari na mag-ikot sa palasyo at makihalubilo sa mga tao.

Syempre, unang pinuntahan ni Luna ay ang mga pagkain. Sa unang kagat, nanlaki agad ang kanyang mata.

Tinignan niya ang kanyang mga kaibigan niyang sumunod sa kanya at nagpa-panic na tinuro ang pagkaing hawak niya habang tumatango dahil puno ang kanyang bibig.

"Girl, ang sarap ng pagkain!" Manghang sabi niya matapos malunok ang nginunguya.

"Weh?" Tanong ni Enfys na tinanguan niya. "Wala namang hindi masarap sayo." Dagdag nito na ikinatawa nila.

DovetailWhere stories live. Discover now