Past

7.9K 529 212
                                    

This is a bit late since nag-trial kami kanina for our online classes. Hindi ko alam kung gaano ako kadalas makakapag-update once magpasukan but I'll try my best. Siguro mga hanggang pang-12 or 13 pa na chapter ang kakayanin ko.

Also, open ang dedication ng Dovetail. Vote and comment kung bet niyo hehe. Enjoy reading!

**

"Wait, time out." Veton motioned his hand, signaling them to stop.

"Sinasabi mo bang namatay si Luna bear ng 7 araw at muling nabuhay, Lady Doreena?"

Tumango naman ang huli na ikinagulantang lalo nila. Pagkatapos nilang matitigan si Luna kanina ay pinalabas muna silang lahat ni Doreena para makausap ang mga ito.

Ni hindi pa nga nila ito nayayakap at nakakamusta ay pinalayas na sila!

"Tangina, pwede pala 'yon?" Mahinang bulong ni Veton sa sarili at dahan dahan pang napahawak sa kanyang bibig.

"Hindi pa ba halata?" Irap sa kanya ni Pream.

Tumalim ang tingin ni Veton sa kaibigan.

"You should be thankful that your friend made it out alive."

Mabilis silang napadiretso ng upo at tatayo na sana para batiin si Ophiluous nang iangat nito ang kamay para pigilan sila sa balak gawin.

"Your Majesty." Maliit na ngiti lang ang ginawad nito sa kanila.

"Luna has proven enough that she really is a fighter. She, who died and stumbled, fought and now survived." Marahan itong umupo sa single seater sofa at tahimik na dumekwatro as his forearms rested on its armrest.


Tahimik na pinagmasdan ni Ophiluous ang dalagang nakaupo sa sa sulok ng kwarto habang yakap yakap ang binti nito.

Magmula kasi nang makita nito ang itsura sa salamin ay hindi na siya umalis sa pagkakaupo roon. Mukhang katulad nila'y nabigla ito sa nangyaring pagbabago sa kanya.

"Luna." Marahan niyang tawag dito at dahan dahang naglakad papalapit sa dalaga.

He slowly crouched down and sat in front of her. Nginitian niya ito kahit nakatulala lang ito habang ang tingin ay nasa bintana.

"Is... this permanent?"

He stared at her now long straight hair covering the side of her face.

Hindi nila akalaing mabubuhay pa ang dalaga dahil sa lakas ng kanyang pagkakasabog. To their shock, they saw her peacefully lying down with her eyes opened.

Until all of them gawked at the sight of her.

"You will learn to love it overtime." Binigyan niya ito ng ngiti, trying to comfort her.

"I... I don't."

She opened her mouth to speak but can't seem to find the right words to say.

"You don't love it?" Nagtataka niyang tanong.

"No, Your Majesty." Mabilis nitong sagot.

DovetailWhere stories live. Discover now