Enlightened

6.1K 462 176
                                    

Hello! Super excited akong i-publish 'to kasi hello, eto na eh hahaha.

By the way, happy 1.7M reads sa RA and 37K here sa Dovetail!! Mahal ko kayong lahat!

Dedicated to madam _Zchyiiee_ happy reading!

Buckle up, crestiors :)

**

Luna coughed.

Hingal siyang bumangon habang pinapalo palo ang dibdib. Ang huli niyang naalala, nakatulog siya sa sofa habang nag-uusap silang mga Pharaohs but other than that, wala na.

Kibit balikat siyang naglinis ng katawan bago bumaba para makakain ng agahan.

"Hello?" Tawag niya nang mapansing tahimik ang buong Teadra na parang siya lang ang tanging taong nandoon.

"Oh shit. May klase ba?" Kabado niyang bulong sa sarili at nagtatakbo papalabas. Hindi na siya nakapag-uniform pero iisipin pa niya ba 'yon kung mamamatay na rin naman siya sa kamay ng Master niya?

Taimtim niyang hiniling na sana hindi si Master Laidre ang propesor nila ngayon kahit alam naman niyang siya talaga.

She was tying her long hair up while running for her life nang biglang napatigil matapos makita si Veton na nakasuot ng salamin at may hawak na glass paper. 

Kung hindi lang niya kilala ang binata, aakalain niyang isang Master ang bugok sa gayak nito.

Tahimik niyang nilait ang binata sa kanyang isip at nagpabalik balik ang tingin sa ulo at paa nito. Ang init init ngayon sa academy pero naka-jacket pa ang gago?

Kunot noo siyang naglakad papalapit kay Veton na tinititigan ang bawat estudyanteng napapadaan sa kanyang harapan. May iilan pa nga siyang pinatigil para pakatitigan ang mga ito mula ulo hanggang paa.

"Ano na namang kahayupan 'yan?" Mapanglait na tanong ni Luna sa ginagawa ni Veton.

Veton jumped. "Ano ba, Luna bear!" Singhal nito sa kanya at inayos ang nagalaw na salamin.

"Ano nga? Wala bang klase?" Ani Luna at nilibot ang tingin para hanapin ang iba pang Pharaohs.

"Nope, walang pumasok." Simpleng sagot ni Veton at bumalik sa ginagawa.

Napasinghap naman ang dalaga at hinatak ang tenga ng kaibigan na agad nagreklamo. "Luna bear, I'm hurt!"

"Hibang ka ba? Anong walang pumasok?!" Bulaslas ni Luna at mas diniin ang hatak sa tenga ng binata.

"Ikaw rin naman hindi pumasok ah!" Tanggol ni Veton sa sarili.

"Aw, aray. Sorry na nga! May mas mahalaga kasi tayong kailangang gawin!" Nagmamadaling bulaslas ni Veton na ikipinagtaka ni Luna.

Lumuwag ang hawak niya kay Veton na kinuha ang pagkakataong 'yon para makalayo sa dalaga at inayos ang nagulong suot pati na ang kanyang salamin.

"Pati si Enfys?" Tanong niya.

Tumango naman si Veton na ikinasinghap niya. Imposibleng hindi pumasok si Enfys! Kung siya'y hindi kayang mawalay sa mga pagkain niya, si Enfys nama'y imposibleng mailayo sa mga libro niya.

DovetailWhere stories live. Discover now