Armour

5.2K 355 54
                                    

Dapat kagabi pa 'to pero nawala sa isip ko, pasensya na hehe. Enjoy reading mga mahal!!

Dedicated to namelhess!! Thank you for your continuous support!!

**

"How dare you hurt my lord?!" Matigas na singhal ng kanang kamay ni Lord Jaime na si Credence.

Galit niyang binuksan ang kanyang pamaypay kasabay nang paglipad ng daan daang pako papunta sa mga rebels.

"That shit didn't hurt him though?" Eion- Lord Anakin's servant taunted. Totoo naman, hindi naman nila kasama ang kanilang mga master kaya paano nito masasaktan si Lord Jaime?

"Who are you again?" Credence answered without even looking at him.

Eion's about to answer when Lord Ulysses' woman butted in. "Stop fighting and find your masters." Istrikta nitong sabi sa dalawa na kapwa nanahimik at bumalik sa pakikipaglaban.

"Yes, Lady Lullaby."

Lord Jaime held his beard as he flew backwards to move away from the giant who just arrived. The moment his feet landed on the ground, he motioned his fingers to release a force making the dofus stumble.

"Have you seen Eion?" Tanong sa kanya ni Lord Anakin na parang napadaan lang.

"I don't even know where my servant is." Bagot niyang sagot at mataas na tumalon kasabay nang pagsipa sa ulo ng rebel na nakatalikod mula sa kanya.

"They're rescuing the people, you idiots." Lord Ulysses butted in at iiling iling na pinatugtog ang maliit na harp niyang hawak bago pinakawalan ang inipong enerhiya mula roon.

They were all sent by the King to aid the people outside the palace. Knowing Armour, sa palasyo niya isasama lahat ng kampon niya kaya iilan lang silang pinakalat dito sa Renvela.

"Tatlo lang talaga tayo?" Paninigurado ni Lord Anakin habang tinatali ang asul niyang buhok.

"Siguro." Kibit balikat ni Lord Ulysses na hinagis ang harp sa ere bago sinipa ang ulo ng rebel dahilan para humiwalay ito sa katawan.

The two lords' faces grimaced and almost puked at the sight of a headless body.

"Since when did you become so brutal?" Gulantang na singhap ni Lord Jaime na pinapaypayan ang sarili dahil sa gulat sa ginawa ng pinakabata nilang kasama.

"I didn't do anything?" Nagtatakang sagot ni Lord Ulysses sa dalawa at sinalo ang kanyang harp.

They have been roaming around the kingdom for a while now. Fortunately, Lord Jaime can teleport kaya madali sa kanila ang magpalipat-lipat ng lugar. Naiwan lang yung tatlo nilang mga kasama dahil sila ang naatasang iligtas ang mga tao sa Renvela hindi tulad nila na siyang makikipagpatayan sa mga alagad ni Armour.

The nerve of that old hag to attack when he already knew that he'll never come back alive.

"Beau!" Sigaw ni Lord Anakin nang makita ang kapatid ng hari na matapang na pinapatay ang bawat kalabang madadaanan.

Taas baba ang dibdib nito nang tuluyang makalapit sa kanilang tatlo.

"Anyone injured?" Nagsiilingan naman sila kaya tumango tango si Beau.

He wandered his eyes around at magtatanong pa sana kung nasaan ang mga kasama nito nang nilabas nito ang kanyang ginintuang espada at mabilis na hinarang sa uluhan niya bago nilingon ang walang hiyang umatake at walang pagdadalawang isip na tinarak ito sa noo nito.

Muli na namang nagsinghapan ang tatlo at iniwas ang tingin sa bangkay na ngayo'y binabaha na ng dugo.

"We're good." Sagot nilang tatlo at sabay sabay tumalikod para maglabas ng malakas na pwersa laban sa mga papasugod mula sa kanilang likod.

DovetailWhere stories live. Discover now