Chapter Four

375K 4.3K 498
                                    

 I dedicate this to you ate. Natuwa at naflattered ako sa comment mo eh :"> Salamat ulit! ^___^

Ayan na ajejejejejeje. XD Lol di ako jejemon ha. Nga pala yung nasa gilid si Papa Ralph. XD

____________________________________________________________

"May dibdib naman ako ha? Oh." Sabi ni Noneen sa sarili habang nakatingin sa salamin. Sa totoo lang kasi, nacoconcious sya sa mga salita ni Lawrence. Feeling nya kasi minamaliit sya nito.

Sumimangot sya. Ang laki kasi ng epekto ng salita ni Lawrence ayan tuloy halos isang oras na sya nakatingin sa salamin. 

"Hindi naman eh!! Gusto lang makachansing nung unggoy na yun eh! Manyak talaga!" Bigla syang napahawak sa dibdib nya. Para kasing hanggang ngayon ramdam na ramdam pa rin nya ang kamay ni Lawrence sa dibdib nya.

Naasar sya, paano naman kasi ni isang beses ay hindi pa sya nahahawakan ni Lawrence tapos parang sa isang iglap lang nahawakan sya. Sa dibdib pa!

Ah!! Bwisit bwisit bwisit!!! Isip niya. Padabog siyang lumabas ng CR at kinuha ang phone nya. Tinawagan niya si Rhian at sinabing pupunta siya sa kanila. Ayaw nyang mag stay sa bahay nila, hanggang hindi pa sya nakakarecover sa traumang ginawa ni Lawrence.

Nagbihis sya at tsaka lumabas at bumaba. Nakita niya si Lawrence na nakaupo pa rin sa sofa at tumatawa. Tiningnan nya ito ng masama. Tsaka siya pumunta sa pinto.

"Aalis ka? Saan ka pupunta?" Tanong ni Lawrence sa kanya habang nakatingin pa rin sa TV.

"Somewhere out there na malayo sa manyak na katulad mo!" Galit na sigaw ni Noneen kay Lawrence. Nakita nyang ngumiti lang si Lawrence.

"Ah..magpapadagdag?" Huh? Napakunot ng noo si Noneen. Hindi nya kasi naintindihan ang tanong ni Lawrence.

"Ha?"

Tumingin si Lawrence sa kanya at ngumisi.

"Ng dibdib." Agad naman nanlaki ang mata ni Noneen. Dumampot ng kahit ano si Noneen tsaka binalibag ito kay Lawrence.

"MANYAK KA TALAGA KAHIT KELAN!!!!! WAAA! I HATE YOU!!! AHHHH!" Sigaw ni Noneen tsaka lumabas ng pinto ng padabog. Natawa lang si Lawrence, kahit kelan talaga nakakatuwang asarin ang kanyang asawa. Nakakatawa kasi ang mukha nito eh, ika nya.

"TALAGA SISTERET?? OMG! MASARAP BA?" Binatukan kaagad ni Noneen ng pagkalakas lakas ang kaibigan. Kinuwento niya kasi dito ang nangyari at imbes na damayan sya ay tuwang tuwa pa ito sa nangyari sa kanya.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon