Busy MR & MRS to be..

3.2K 72 9
                                    

 JAIRUS

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kinabog ni Shar ang surprise ko sa kanya. Ako ang na-surprise! I can’t explain the feeling, halo halo na kasi, masaya, excited, touched at higit sa lahat kinikilig.

That night was so special! Nandun lahat ng mga kaibigan namin at ang family namin pareho.

Nung umamin sakin si Sheree na sya ang nagsabi ng surprise kay Shar dahil sinundan nya ko, pinagalitan ko sya kaya we’re not talking since then. Joke lang naman na galit ako eh. Gusto ko lang matuto sya. Hindi tama yung sinundan nya ko. She’s too young at puro kalokohan ang iniisip, oo nga at maganda ang kinalabasan ng pagsunod nya sakin, pero hindi pa rin tama! Paano kung napahamak sya at may nangyaring masama sa kanya?

Medyo mainam nga na magkagalit kami ngayon at hindi ako kinukulit.

Meanwhile, nandito kami ni Shar sa Charms Events’ office at pina-plano na yung wedding namin ng magiging misis ko 3 months from now.

Ayoko nang patagalin ang wedding, kaya naniniwala akong sapat na ang tatlong buwan para asikasuhin ang lahat.

Wedding is good but for me, MARRIAGE is more important.

Alam kong ready na ko sa bagong chapter ng buhay namin na to!

“So final na ba yung desisyon nyo na beach wedding sa Thunderbird Poro Point La Union at yung motif purple, pink and orange?” tanong ni Charm.

“Yes.” Sabay naming sagot ni Shar at tsaka ko sya hinipan sa tenga.

“Ayy, ano ba...” Hinampas nya ko pero hinawakan ko lang ang kamay nya.

Napakunot noo naman si Charm.

“Excuse me! Nandito ko oh! Kaway kaway sa inyo. Mang-inggit daw ba?”

“Hehhehe Sorry Charm! Si Jai kasi eh. Baby umayos ka nga!” saway sakin ni Shar.

“Ok, nasan na yung list ng bridal entourage mo Shar?”

Iniabot ni Shar yung list ng entourage nya at binasa ito ni Charm.

“Maid of Honor Miles San Pedro, Best Man Aeign Nash Aguas...”

Habang binabasa ni Charm ang list, I kissed Shar on her hair.

“Anong shampoo mo Baby?” bulong ko sa kanya. Natawa naman sya.

“Ikaw nga Aquino lumipat ka dito sa kabilang chair!” Inis na sabi ni Charm. Nginitian ko lang sya.

“Sorry! Sige magfo-focus na ko.”

“Hindi!! lumipat ka dito!”

Natatawa na lang si Shar at para di ma-bad trip sakin si Charm lumipat na lang ako pero hindi ko maalis ang tingin ko kay Sharlene. Hindi ako maka-focus at di rin ako mapakinabangan sa pag brainstorm kasi ang gusto ko lang ay yakapin ang mahal ko.

Sila na lang ang nag-usap.

Ako nakatingin lang kay Shar.

Oo nga pala tama yung nabasa ni Charm sa bridal entourage. Maid of honor si ate Miles at si Nash ang best man. Si Kuya Marco kasi ang Officiating Minister namin. Masaya ko na sya ang magkakasal samin. He was ordained as a Pastor 2 years ago. And guess what? After nyang ma-ordained he finally asked ate Miles out for a date. Una friendly date lang daw, pero naging madalas na madalas na yung friendly date, hanggang ngayon ayaw umamin.

Ewan ko na lang dyan kay Author kung mabibigyan pa ba sila ng sariling FanFic. Ang tamad kasi mag-UD!

[a/n: Ah ganun? Eh kung wag ko kayang ituloy ang kasal nyo??? Hahahah]

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon