Defense Mechanism

3.9K 69 16
                                    

Author's note:

Hi Loves! Miss ko kayo!

Again, I'm really sorry to keep you waiting. Naging honest naman po ako sa inyo diba na busy po talaga ko..

Maraming salamat sa lahat ng nag-add nitong LMLY sa reading list nila at sa lahat ng nagvote at comment sobrang naappreciate ko po talaga.

OFF TOPIC: Habang nagkakape ako dito sa The Cofee Bean tabi ng Ortigas Business Park, dumaan si crush, tapos kumaway lang siya... hehehe share lang :P 

enjoy!

===================================

SHARLENE

Looking at this good-looking man makes my heart skips a beat.

Pero nasasaktan ako dahil parang sampal sa mukha ko ang pagbabalik niya kasama ang anak nila ni Ella.

Tumalikod na ko para mag walk out pero hinawakan ako mag-jowang pasaway sa magkabilang braso ko. Si Nash sa kanan at si Alexa sa kaliwa na pinandidilatan ako at parang sinasabing huwag akong umalis.

Dumating si Mang Ariel at isinakay lahat ng bagahe nila at pinauwi na rin ni Jairus ang anak niya na mahimbing pa rin na natutulog.

“Guys, tara na gutom na ko!” nagrereklamong sabi ni Kobi.

Nag nanakawan kami ng tingin ni Jai pero wala ni isa sa amin ang nagsasalita.

“Match, ako na ang magda-drive ng car natin. Sophia and Kobi sa car na kayo sumakay.” Sabi ni Alexa.

“Ok match, ako na rin ang magda-drive sa car ni Sharlene kasi baka tumakas to eh! Jai, samin ka na sumabay.” Sabi naman ni Nash.

Perfect match nga sila! Mga buset talaga! Bakit kailangan sa kotse ko pa sya sumakay?

Nakakailang kaya!

Tahimik lang ako at silang dalawa lang ni Nash ang nag-uusap.

Grabe close na close na sila! Etong Nash na to kukutusan ko to eh! Ako ang bestfriend mo pero nilalagay mo ko sa ganito ka awkward na situation! Hmp!

Finally! Nakarating na rin kami sa restaurant.

Bago bumaba si Nash, iniabot na niya ang susi ko, at nagulat ako kasi pinagbuksan ako ni Jai ng pinto.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Ngingiti ba ko o magsusungit? Nanatili akong walang reaksyon hanggang sa lumapit si Nash samin at inaya nang pumasok sa loob.

Ang ingay namin nang magkita kita kami! Endless hugs and kisses but I still cant get near him. My knees are shaking and I chose to keep quiet.

Si Jai din hindi nagsasalita at hindi ko rin mabasa ang iniisip niya.

Oh how I long to embrace him!

Pero may kurot sa puso ko ang paulit ulit kong iniignore para hindi ako magmukhang tanga!

Buti na lang sinerve na agad yung mga pagkain at kumain na lang ako ng kumain dahil para na kong mahihimatay. Ewan ko kung dahil sa gutom o dahil halo halo na ang emosyon ko. Masaya ko dahil nagkita kaming muli ni Jai, pero bakit ang sakit sakit? Bakit bumabalik sakin ang realidad na iniwan niya ko at high school classmate lang ang tingin niya sakin.

“Guys! Super thank you sa pag-uwi to attend our wedding!” masayang sabi ni Paul na hindi mabitawan ang kamay ni Mika.

They look so happy.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon