Broken

3.8K 79 11
                                    

Nandito kami sa despidida party ni Alexa sa bahay nila. Medyo maraming tao dahil nandito rin yung mga kasama niya sa Dance Club sa school.

At syempre nandito rin si Ella.

Di maitatangging pansinin talaga sya dahil maganda sya. Most of the boys are allured with his beauty.

Sila Nash and Alex hindi mapaghiwalay. They are entertaining visitors and happily sharing their plans to them. Sila Paul and Mika naman nagpipictorial na naman parang mga ewan! At si Kobi at Sophia, kumakain pa rin.

Si Jai? Eto katabi ko pero parang malalim ang iniisip. He’s staring at Ella. Grabe ang sakit!

“Baby, kumain ka na!” sinubuan ko sya ng lumpia pero tumanggi sya.

“Di pa ko gutom.” Sabi lang niya.

“Ganun ba? Sige magpa-pic na lang tayo sa aspiring photographer na si Paul!” nagfake ako ng tawa pero tumanggi na naman sya.

Wala na syang ibang gustong gawin na kasama ko.

Naba-bad trip na talaga ko!

Tumayo ako at lumapit kila Alexa and Nash.

“Alex, ang sama sama na ng pakiramdam ko. I think I need to go.” I am trying to hold back the tears and fake a smile.

I hugged her.

I need a hug right now. Sobrang higpit ng hug ko sa kanya and thankfully medyo naging ok ang pakiramdam ko.

“Shar, are you alright?”

Kumalas ako sa pagkakayakap namin and I smiled at her.

“Yes. I’m ok. I’ll just call you tonight. I will miss you... Mag-iingat ka dun ha! Wag mong pagpapalit tong kumag kong bestfriend! Babantayan ko yan para sayo! Pag nambabae yan babalatan ko ng buhay!”

I’m trying my very best to stay cool.

Tapos kinuha ko lang yung shoulder bag ko sa upuan ko sa tabi ni Jai then I walked out.

Sinundan naman niya ko hanggang sa gate.

“Shar? Uuwi ka na?”

Tuloy tuloy lang ako at di ko sya nilingon. But he grabbed me and gave me a tight back hug.

Nagwawala ang puso ko sa uncertainty na dinudulot ng malamig na pakikitungo niya sakin. Bakit nagbago ka Jai? Bakit?

“Let go of me!” utos ko sa kanya at mabilis naman sya kumalas sa pagyakap sakin. Hinarap niya ko sa kanya.

“Shar bakit? Ano bang problema?”

“Ikaw! Ikaw ang problema Jai! Nagbago ka na! Bakit ang lamig na nang pakikitungo mo sakin! Nawala na yung sweetness at yung pag-aalaga mo sakin! Hindi na nga kita kilala eh! Lahat na lang nagiging issue sayo. Yung friendship namin ni Nash, yung make over na ginawa sakin nila Mika, yung school na papasukan ko... Jai hindi ko na alam kung anong gagawin ko para maging ok ang lahat!”

“Ok naman ang lahat Shar! Ikaw ang nagpapakumplikado eh!” inis na sigaw din niya sakin.

“Iyan! Yang mga pasigaw sigaw mo na yan! Hindi ka naman ganyan dati ah! Dumating si Ella nagkaganyan ka na?”

He brushed his hair as a sign of anxiety.

“Tama na Shar! Sawang sawa na ko sa pagseselos mo! Wala syang kasalanan dito!”

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon