Denial

4.4K 87 17
                                    

“Someday, someone will walk into your life and make you realize why it never worked out with someone else.”

Mabilis akong tumatakbo pababa ng building namin dahil narinig ko na nakikipag bugbugan si Nash sa quadrangle.

Nakarating ako kung saan nagbubugbugan ang dalawang grupo ng lalaki. Hinanap ko si Nash at nakita kong duguan sya.

“Naasssshhhh!!!!” tumakbo ako at inawat sila ng kaaway niya.

Maya maya ay dumating na yung Guidance Counselor pati mg guard sa school namin para awatin sila.

Dinala sila sa Guidance Office at pinagalitan sila dun.

Nandito ko ngayon sa labas at hinihintay si Nash.

“Shar, anong nangyari?” lumingon ako at nakita ko si Alexa.

“Alex, si Nash....”

Sumilip sya sa guidance office.

Sobra na kaming nag-aalala kay Nash. Nagca-cutting, di pumapasa sa mga exams, tapos napapabarkada ngayon sa mga delinquent students.

“Nash!” sabay naming tinawag si Nash na duguan ang mukha at parehas kaming lumapit.

“Leave me alone the two of you!” nang gagalaiting sabi niya samin ni Alexa.

“Nash!” Tawag ko ulit sa kanya pero di niya ko nilingon.

“Ano bang nangyayari sa kanya Alex?”

Naiiyak na si Alexa pero pinipigilan lang niya.

“Their dad left the country. Depressed si Nash ngayon Shar. I know I am always here for him, pero sa pagkakataong ganito Shar, ikaw ang makakapag pakalma sa kanya.”

Napahawak ako sa ulo ko dahil nase-stress ako kay Nash.

“Salamat sa pag-aalaga mo sa kanya Alexa ha. Hayaan mo kakausapin ko si Nash.”

Hinanap ko si Jairus dahil biglang sumama ang pakiramdam ko.

Pumunta ko sa gym dahil ang alam ko may practice sila ngayon...

Lalapit sana ko kaso lang narinig ko ang usapan nila ng mga kasama niya sa basketball team.

“Ang lungkot maging single! Buti pa tong si Jairus may love life.”

“Love life? Anu ba kayo!”

“Diba dude nililigawan mo si Sharlene?”

“Hindi ako nanliligaw kay Sharlene.......” Sabi ni Jai.

Ha?

Hindi ako nanliligaw kay Sharlene.

Hindi ako nanliligaw kay Sharlene.

Hindi ako nanliligaw kay Sharlene.

Hindi ako nanliligaw kay Sharlene.

Tumakbo ako palabas ng gym.

Takte naman naiiyak na ko.

Meron bang taong sweet? Sasabihan ka ng mahalaga ka? Sinusunod lahat ng gusto mo? Tapos hindi nanliligaw?

Lalo akong nastress kay Jairus.

Ang sakit! Bakit niya ko dineny?

Anong paliwanag meron ka Mr. Jairus Reuel Aquino????

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon