A Day Well Spent

4.4K 68 4
                                    

Sharlene’s POV

Maaga akong gumising at pinilit kong bumangon. Medyo masakit pa ang ulo ko pero ayoko nang mag-stay ng isang araw sa loob ng kwarto ko. Hindi ko kayang hindi makasama si Jairus sa isang araw.

“Ma, papasok na po ako ngayon. May exam po kasi kami.” Hoy totoong may exam kami ah! 3rd periodical na kaya!

“Nak, kaya mo na ba talaga?” sabi ni mama.

“Opo ma! Promise!” nagsmile ako ng super sweet para payagan na nya ko.

“Sige. I’ll call Nash at sasabihin ko na ihatid ka dito sa bahay pag-uwi.” Sabi pa niya.

Nagkatinginan kami ni ate at parehas na napa-ngiti. Umiling na lang si ate. Eto talagang si mama ang maipilit!

Naligo ako ng super bilis dahil ginaw na ginaw na ko. Chineck ko yung body temperature ko. Grabe 38 degrees pa rin. Medyo masama pa nga ang pakiramdam ko pero ang alam ko mamamatay ako kung hindi ko pa makakasama si Jai. Ahihihihihihi.

Maaga akong nakarating sa school at nakita ko sya sa room.

“Good morning Shar! Bakit di mo sinasagot ang tawag ko kagabi? May sakit ka pa ba?”

Umiling lang ako.

“Sorry Jai, nagpahinga kasi ako eh. Diba sabi ko naman sayo papasok ako dahil gusto kitang makasama.”

He broadly smiled at me. “Wow naman, touched ako. Mabuti na rin yung pumasok ka para maalagaan kita. Nagdala ka ban g gamot?”

“Oo! Paracetamol lang naman ang katapat nito eh. Tsaka yakapsule”  ^_____^ tsk ang lantod! Heheheh OA ko na ba?

Bigla namang lumakas ang tawa niya.

“Sige na nga ibibigay ko na yang yakapsule na yan!” He gently held my hands and made me sit on his lap and he gave me a tight back hug.

“Ang init mo pa rin...” sabi niya.

 “Jairus masyado tayong PDA! Ano ba!!!” Tumayo naman ako agad pero di pa rin kami nagbibitiw ng kamay at naupo na lang ako sa tabi niya.

I leaned my head on his shoulder.

“Shar, sorry ha! Dahil sakin kaya ka nagkasakit. Dapat pala hindi na tayo naligo sa ulan.”

“Naenjoy ko naman yun eh. Wag mong isiping kasalanan mo, mahina talaga ang resistensya ko. Dont worry, magpapalakas ako so we can do things happily together.”

Bigla namang naputol ang moment namin ni Jai dahil dumating na ang friends namin.

“Aba! Aba! Aba! At anong holding hands itong nakikita ko?” sabi ni Sophia habang bumebeso sakin.

Di naman kami sumasagot.

Kasunod ni Sophia si Kobi na dala ang mga gamit ni Sophia.

“Oh Shar, wala ka nang sakit?” sabi ni Kobi na nakatingin din sa kamay namin.

Hahahahah natatawa ko sa mga reaction nila.

“Meron pa, pero ayoko nang umabsent. Meron daw kasing mag-aalaga sakin dito sa school eh.”

Kumalas na ko sa pagkakahawak kay Jai pero binawi niya ulit ang kamay ko.

“Ang sweeeeettttt! My labs, aalagaan mo rin ba ko pag nagkasakit ako?” tanong ni Sophia na kumapit pa sa braso ni Kobi.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon