The Reunion

3.8K 85 22
                                    

After seven long years...

Sharlene's POV

It's exactly 8 pm nang makabalik ako sa opisina mula sa 2nd court hearing para sa aking kliyente.  Oo, isa na kong magaling na abogado ngayon. I passed the bar exam last year at ngayon may sarili na kong Law Firm.

Sa labas ng office ay makikita ang signage na SP-FM & Associates Law Firm.

Pagpasok ko ng opisina, nakita ko si Francis na natutulog sa lounge.

Nilapitan ko sya at ginising...

"Boss! Baka gusto mo namang umuwi! Dalawang araw ka nang nandito sa office!" sumimangot lang siya sakin at hindi sumagot. Disoriented pa sya kaya wala sa mood.

Syempre isa na rin syang magaling na abogado. To be 100% honest, mas magaling sya sakin. Top 1 kaya sya sa bar exam habang ako pang top 17 lang.

Business partners nga pala kami ni Francis. SP-FM means San Pedro- Francis Magundayao.

Nagtimpla ako ng coffee para saming dalawa at iniabot sa kaniya ang isang tasa ng kape.

"Partner, kailangan ko kasing trabahuhin yung hawak kong kaso ngayon. Murder case is never an easy one.  Naniniwala kasi akong hindi ang client ko ang pumatay sa kapatid niya. I have files and evidence to prove that, ang problema, ayaw magsalita ng star witness ko."

"Boss... you need to rest too! Tsaka next week pa naman yung next na hearing nyo. You still have a lot of time to prepare."

"Oo nga pala Partner, tuloy ba yung pagsundo nyo sa airport kila Sophia at Kobi bukas?" napangiti ako.

Tama sya! Uuwi na sila Nurse Sophia at CEOKobi.

"Yes boss. Kung gusto mo sumama ka, magla-lunch kaming magkakaibigan."

Bigla naman syang parang napaso sa iniinom niyang kape.

"Naku Partner, wag na! Alam mo namang allergic sakin ang mga kaibigan mo! Ayokong masira ang moment nyo!"

Natawa naman kaming pareho.

Looking back, ang dami daming tumututol sa amin ni Francis.

Unang una na dyan si ate Miles.

I can still recall

"Are you serious? Kahapon mo lang naalala ang lahat tapos boyfriend mo na agad yan? Hindi mo nga sya kilala Shar! Paano mo sya mamahalin?" sabi ni ate nang ipakilala ko si Francis

"At sino naman ang gusto mong mahalin ko ate? Yung mga taong kilalang kilala ko pero niloko ako? Buo na ang desisyon ko! Si Francis na ngayon ang boyfriend ko!"

"Paano na si Jairus? Hindi mo na ba sya mahal?"

At syempre sa mga panahong ganito...alam na! WALK OUT.

*end of flashback*

Nagalit ang mga friends ko sakin dahil sa desisyon ko. Francis is a good friend. He is a good man. OO masungit, mayabang, masama ang timpla palagi, ungentleman, nakakasuklam pag nang-aasar pero mind you, he is my kakampi sa lahat ng aspeto ng buhay ko ngayon. I found a gem!

"Partner, nababaliw ka na! Natatawa ka mag-isa!" sabi ulit ni Francis.

"Tseh! Kukunin ko lang yung mga files na rereviewhin ko tapos tara na umuwi na tayo!"

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon