The Winner Takes It All

4K 82 15
                                    

Author's Note:

Hi Loves! SUPER SORRY sa matagal na UD.. Busy po talaga lately at ngayon kahit na puyat po at may pasok pa mamaya ay pinilit kong mag-update kahit 4 hours na lang ang itutulog ko. Heheh mangunsensya daw ba? Hehehe hiyang hiya na po ako sa inyo. Super na-eencourage po ako ng mga comments nyo. Thank you po talaga!

Loves, I hope you understand. Please bear with me in updating this story. I'd really really love to share with you the "kilig moments" na naiisip ko about JaiLene but I dont have the luxury of time to do so. Pero promise po babawi po ako.

Thanks for your patience... God bless!! Enjoy!

=============

JAIRUS

Panalo ko sa Roses are red, violets are blue na game..... Kaya ang consequences ng pagkatalo ni Sheree, hindi niya ko kukulitin ng buong week... At si Sharlene, she needs to be with me for 24 hours.

“Good morning!” bati ko sa kaniya as I opened the door of my car to let her in. Sasamahan niya ko sa office buong araw at akin sya ngayong araw na to!

“Shar, nasa langit na ba ko?” nakangiting tanong ko sa kanya giving her the hint na pick up line lang to.

“YAN NA NAMAN YUNG MGA BANAT MO HA! BAKIT NAMAN???”

“Akala ko kasi anghel yung nakikita ko, yun pala si San Pedro! Ngehhh!”

“WELCOME BACK BOY WALEY!”

She playfully punched my arm and heartily laughing. I cant explain the adrenaline rush her presence brings.

“Alam mo, ang childish nitong dare mo sakin Jai. You want me to be with you for 24 hours, grabe so high school!” sabi niya habang may tinatawagan sa phone.

“If this is the only way to be with you then I will be childish forever.” I said. Patuloy lang ako sa pagda-drive and for the very first time, hindi uminit ang ulo ko sa traffic dahil kahit 3,000 years pa kong ma-stuck sa traffic na si Shar ang kasama ayos lang.

“Hello Gabs... Please resched my appointments for today ha! Tsaka sabihin mo kay boss bukas na ko magsa-submit ng report dahil may emergency akong pinuntahan.... Ok... Thank you!!!” sabi niya sa kausap niya.

Nginitian naman niya ko after niyang kausapin yung secretary niya.

“Sa daan ka nga tumingin Jai, baka mabangga pa tayo, sige ka... Pareho tayong magkaka-amnesia.”

“Shar, nung may amnesia ka tapos nagpapanggap si Nash na boyfriend mo, minahal mo ba sya? 1 year din yun ah!”

“Mahal ko naman talaga si Nash kahit noon pa diba?” nang-aasar na sagot niya.

Napakunot naman ang noo ko.

“Oh... Easy! Easy! Daddy Sims, magkaka-wrinkles ka agad niyan!” sabi niya then she straighten my brow. “Joke lang! Syempre bestfriend ko sya kaya love ko talaga yun. Pero kahit nung nagpapanggap sya na boyfriend ko, merong isang tao na hinahanap hanap ng puso ko. Kaso wala sya...”

Ay nangunsensya pa.

“Eh si Francis, mahal mo ba sya?” lakas loob na tanong ko sa kaniya.

Nakangiti sya sakin at mukhang nagpipigil ng tawa.

“Natutunan ko syang mahalin dahil 7 years kaming magkasama at magkakampi...”

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon