Foolish Feelings

14.6K 120 11
                                    

Siguro nga napaka common na sa mga stories, movies, at teleserye ang theme kung saan naiinlove ang isang babae kung meron siyang lalaking best friend. But one thing I do know, MAHIRAP ANG KALAGAYANG ITO.

Paanong hindi ka maiinlove sa lalaking bestfriend mo?

Kung palagi kayong magkasama, nagkikita, nagkukulitan, nagshe-share ng mga secrets?

Parang kami ni Nash.

He is my best friend. I'm always here kapag kailangan niya ko.

I still remember the first time I saw him. He is so breathtaking. We were seatmates mula 1st year, at ngayong 3rd year high school na kami, ako na ang naging best friend niya.

I am proud to say na he's a campus heartrob. Maraming girls at mga beki ang nagpapa-cute at nagpapantasya sa kanya, sya na rin kasi ang kino-consider na next MVP ng school basketball team pag nakagraduate na ang seniors. 

Nung una nga "no pansin" ako dyan sa mokong na yan eh!

Pero nag excel ako sa academics. Dun man lang mapansin niya ko, hindi kasi ako palaayos eh. Plain looks lang ako everyday, di ako tulad ng iba na nagmemake up, at isa lang ang club na sinalihan ko sa school, yun pang kino-consider ng iba na boring- The Book Lovers.

Kami yung mga students na nag-aadvocate na magbasa pa rin ng books kahit na may more advanced gadgets na to do research and discoveries.

Oh and by the way, nandito ko ngayon sa practice nila at hinihintay ko siya.

Sa wakas, Time out na sila.

"Hello Nashie!"

"Hello Sharlene, nagawa mo na ba yung project ko sa Chemistry?"

Binigyan ko sya ng isang bottle ng Gatorade na binili ko only for him.

"Oo naman. Pati yung assignment natin sa Philosophy nagawa ko na rin. Ireview mo na lang yan para pag nag recitation tayo, may idea ka na sa mga answers diyan."

"Good! The best talaga tong best friend ko!" Inakbayan niya ko at ikinakilig ko naman yun, pero syempre kunwari hindi ako tinatablan ng kakiligan.

"Ano ba..." sabay alis ng kamay niya sa balikat ko. "Yuck, yung pawisan mong braso dumidikit sa balikat ko." reklamo ko daw kunwari, pero nung pagbaling ng tingin ko sa kabila ay may secret smile naman na namumuo sa mga labi ko.

"Eto naman oh! Naglalambing lang ako sayo eh. Pano ba ko makakabawi sayo sa lahat ng tulong mo sakin?"

"Isang avocado shake lang at hopiang ube, solve na ko!" nagpapacute na sabi ko.

Natawa naman siya at ininom ang Gatorade na binili ko for him.

"Sus! Yun lang pala eh. Bukas na bukas bibili kita ng avocado shake at hopiang ube."

Ok na sana yung sweet moment namin eh, bigla lang siyang tinawag ng coach nila, balik na raw sila sa practice.

"Thank you talaga Shar! Sobrang thank you! Iba ka talaga! Ang sarap mong maging bestfriend."

"Ok, sige na. Mauna na kong umuwi. Late na rin eh baka pagalitan ako ni daddy pag ginabi ako."

Doing Nash a favor is like expressing my love for him. Reward na sa akin yung napapasaya ko sya at natutulungan sa mga bagay na kayang kaya kong gawin.

Pero minsan nagui-guilty naman ako kasi there are times na almost pakopyahin ko na sya ng lahat ng assignments.

I don't know. I just love the feeling that he's dependent on me.

Kinabukasan, may dala ngang hopia at avocado shake si loko.

"Shar, this is all for you!"

"Aba, himala yata at tinotoo mo yung mga sinabi mo kahapon, Usually kasi hanggang salita ka lang eh." Natatawa kong inabot ang mga pagkain.

"Ang sakit mo namang magsalita!" kunwari ay nasaktan talaga siya at sumimangot.

At eto naman ako, kinikilig at lalong naiinlove sa napaka poging nilalang na katabi ko ngayon.

"Joke lang! Napaka matampuhin naman nito!"

"Ahm, Shar... Pwede ba kong humingi ng favor? Promise last na to!"

"Hmp! Ayooon lumabas din ang tunay na rason ng mga pagkaing to! Ano na naman ba yan Aeign Nash Aguas?" ako naman ang may tono ng pagtatampo.

"Tulungan mo naman ako kay Angel oh! Matagal ko na kasi syang gustong ligawan eh, busy lang ako sa practice... Alam mo naman, kailangan lagi akong present para mataas ang points ko kay coach!"

Natulala ako sa narinig ko at sobrang nasaktan. Hindi ko alam kung paano magrerespond.

Sana lang hindi ako binebetray ng mga mata at labi ko ngayong mga oras na to. Parang bumara sa lalamunan ko ang avocado shake na iniinom ko. Grabe! Ang sakit.

Lagi naman akong inuutusan ni Nash eh, pero masyadong masakit ang isang to.

"Bakit si Angeli?" tanong ko sa kanya, eh ang arte arte naman nun eh! Tsaka may attitude problem.

"Eh kasi ang ganda ganda talaga niya eh! Kahit nasa section D siya, di maitatanggi na siya ang pinakamaganda sa batch natin, ang puti puti at ang kinis."

Bigla naman akong na-conscious sa itsura ko.

"Ano? Ilalakad mo ba ko sa kanya?"

"Oo naman!" mabilis kong sagot.

Grabe ang tanga tanga ko talaga!!!!!!!

"Yes! Ang lakas ko talaga sayo! I am so lucky na yung future valedictorian best friend ko, bonus pa na mahal na mahal mo ko!"

Natigilan ako sa sinabi niya and my jaw dropped in awe.

"What?"

"Diba? Mahal mo naman talaga ko? Ako yata ang best friend mo."

"Ahhhh... Oo naman. BEST FRIEND!"

Natapos ang klase at balik sa practice si Nash.

At heto ako, parang tanga!

May dalang bouquet ng flower.

"Hi Angeli!" Maganda ang approach ko sa babaeng yon! Pero tinaasan niya ko ng kilay at tinarayan.

"Yes?" malanding sagot niya.

"Pinapabigay ni Nash Aguas."

Nang marinig niya ang pangalan ni Nash ay biglang naiba ang mood niya. Napangiti sya at inagaw sakin ang mga bulaklak.

"Awww... Salamat ah! Ikaw pa talaga ang nagdeliver! The flowers is beautiful!"

Deliver? Gawin ba kong delivery girl! Good luck sa grammar nya flowers is beautiful!

"Oh my golly! He is very handsome and he is very ahm.. sweet. I wants to kiss him now for doing this to me, like he is very ahhmm.. kind."

"Oh sige mauna na ko."

Iniwan ko na ang babaeng yon na masayang Masaya sa natanggap niya. Kung ako rin si Angeli matotorete ako pag nakareceive ng bouquet ng flower galing sa campus heart throb!

Pag uwi ko sa bahay ay di ko mapigilan ang mga luha ko.
Ang gulo ko! Sana mahalin din ako ni Nash.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon