Meet Sheree!

3.8K 77 11
                                    

A/N: ang bagal ng net di ko maiupload ang mg UDs ko :'(

=============

SHARLENE

Ilang oras na kong nakatayo at nakatanaw sa glass window ng opisina ko, namumugto ang mga mata at wala akong ganang magtrabaho. Nire-replay ko pa rin sa utak ko ang mga nangyari kahapon.

Biglang tumunog ang intercom.

“Attorney, may phone call po kayo from Engr. Aguas!” sabi ng sekretarya ko na si Gabby.

“Gabs, please tell him I’m in a meeting. And please ayoko muna ng istorbo ha?”

Patuloy akong tumanaw sa malayo and my thought drifted away again to Jairus.

He never showed up to explain everything to me. Paano niya nagawa sakin to? Ngayong maayos na ang lahat saka sya babalik at guguluhin ang sistema ko.

“Let’s have some coffee!” napalingon ako sa nagsalita. Si Francis.

“Diba sinabi ko kay Gabs na ayoko ng istorbo!” mataray na sagot ko sa kaniya.

“What happened to your reunion? Nag-usap na ba kayo ni My Future?” nang-iinis na tanong niya pero wala ako sa mood ngayon.

“Yes.” Matipid na sagot ko.

“And.....” sabi niya na naghihintay na magkwento ako.

Walang gana kong idinitalye lahat ng nangyari kahapon and he gave me a sigh in disbelief.

“Partner, ano bang problema mo? 7 years mong hinintay na magkita kayo tapos ganito pa ang ginawa mo?” pinagalitan ako ni Francis. Hindi ko na nga sinabi kay ate Miles ang lahat para makaligtas sa mahabang panenermon sya naman tong pumalit ngayon!

“I don’t understand Francis! Akala ko pag nagkita kami maayos namin lahat pero nagbalik ang lahat ng sakit na pinilit kong ibaon sa limot!” nagsimula na namang tumulo ang mga luha pero pinahid ko agad ito.

“You’re blinded by the anger and pain. Shar you know you are smarter than that. You’ve waited for so long to see him and be with him. Alam mo inuulit mo lang ang pagkakamali nya eh. Kung di ka niya naipaglaban noon, e di ikaw ang lumaban para sa kaniya ngayon! Makakaya mo ba na another 7 years of your life na mabubuhay ka ng wala sya?” nangungunsensyang sabi ni Francis.

“Bakit ako?” aba! Ang swerte naman niya ha! Ako pa talaga ang gagawa ng way para samin?

“Eh sino? Alangan namang ako.” Nanunuyang sabi ni Francis.

“Kainis! Anong klaseng boyfriend ka!” inirapan ko sya! Hindi nakakatulong ang mga suggestion niya.

“Partner, ipaglaban mo na sya at nang makalaya na ko sayo. Hirap magkaroon ng topaking girlfriend eh!” natatawang sabi niya.

“Ginusto mo yan eh! Diba?” pang-aasar ko sa kaniya.

“Thank you boss for everything!” seryosong sabi ko.

“Anong thank you ka dyan! You still have a mission for me.” Sabi niya sakin.

“I know. Hindi ko naman po yun nakakalimutan!!!! Tara na nga at mag-Coffee Bean tayo!” aya ko sa kaniya.

Kaya lang nung palabas na kami ng office nagkaroon ako ng biglaang meeting. Yan! Karma ko na to for lying to Nash. ALam ko naman kasing kukulitin lang niya ko about samin ni Jairus.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon