No More Prom Night???

4.2K 90 12
                                    

As time goes by, excited na excited na ko. Hindi muna ko pumupunta kila Nash, sya na lang ang pumupunta samin dahil nga hindi pa ok ang pakiramdam ko.

“Shar, may secret akong sasabihin sayo ha!” masayang sabi ni Nash.

“Ano na naman yan?”

“Magco-confess na ko kay Alexa sa prom night. Ngayon mas sigurado na kong mahal ko sya at gusto ko syang maging parte ng buhay ko. Alam kong magulo pa sa ngayon, pero katulad niyo ni Jai, willing rin akong maghintay sa tamang panahon.”

“Nice! I’m so happy to hear that Nash! Hindi ka magsisisi sa desisyon mo na yan! Mahal ka rin ni Alexa, and the greatest thing that Jairus taught me is that TRUE LOVE WAITS.”

Speaking of Jairus, nagpaalam siyang sasama sya sa feeding program ng church nila sa slum areas.

Dapat kasi ay pupunta sya dito ngayon pero dahil nandito si Nash, nagbago na ang ihip ng hangin at biglang nagkaroon ng ibang lakad.

Dumating sila mama at papa.

“Ma, pirmahan nyo na po yung consent form ko para sa JS. Sa isang araw na po yun.”

“OK nak! Kayo ba ni Nash ang magka-date sa prom?” tanong ni mama na sinesenyasan si Nash na nagta-thumbs up.

“Hindi po. May ibang date po si Nash.” Sabi ko.

“Ganun?” nadismaya naman si mama.

“Mahal, wag ka na ngang makialam sa mga bata. Gumagana na naman yang pagka-match maker mo eh! Magbest friend lang yang mga yan. Cool lang sila ok.” sabi naman ni papa na inakbayan si mama. Inaya na ni papa si mama sa loob ng bahay at iniwan kami ni Nash na nagrereview sa garden.

Maya maya pa ay nagpaalam na si Nash para umuwi.

Pagkatapos naming kumain ng dinner, si ate ang naka-schedule maghugas ng pinggan ngayon. Pero hindi ko inaasahan na may gwapo palang bibisita sakin ngayon.

“Shar! May bisita ka!” tawag sakin ni papa.

“Jairus?” Akala ko ba nasa feeding program to?

“Goodevening po, tito, tita.. Gusto ko po kasi sanang ipagpaalam si Sharlene sa prom night. Kung ok lang po sana na maging prom date niya.”

Nakaupo kami ditong apat sa sala. Kinakabahan ako grabe!

“Sure hijo! Ingatan mo ang anak ko ah!” sabi ni papa. Haaayyy nakahinga naman ako ng maluwag.

Ok din naman yung reaksyon ni mama. Pero hindi lang nya talaga kayang kontrolin ang pang iintriga niya.

“Jairus, tutal naman at nandito ka na lang din, gusto ko lang malaman kung nililigawan mo ba ang anak ko?” seryosong tanong ni mama.

Nanlaki ang mata ko, di pa ko prepared. Wait!

Ramdam ko naman kay Jai na nanginginig sya..

“Tita.. ano po..” Hahah pati boses niya nanginginig din.

“Ma!!!” saway ko kay mama.

“Hindi ikaw ang kausap ko, si Jairus.” Sabi niya.

“Tita, hindi pa po. Natatandaan ko po kasi nung birthday ni Shar, sinabi nyo pong hindi pa pwedeng ligawan si Shar hanggang hindi pa sya nakaka-graduate ng College. Kaya nga po willing po akong hintayin sya hanggang pwede na syang ligawan.” Mahinang sabi niya.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon