Hit Hard

3.7K 61 2
                                    

Author's Note:

Hello Lovies! Again I am very sorry for the long wait... 

And thanks sa mga nagsesend po ng mga private messages to express your appreciation sa story na ito.

Nanuod kayo ng LUV U kanina? Bati na sila Drake and Shirley.. Sana sila Jai & Shar din.. Let's see..

=================================

Jairus POV

Nandito ko ngayon sa room ko. Alalang alala si mommy sa binalita kong lagay ni Sharlene. Gusto nga niyang puntahan si Shar ngayon sa ospital pero sinabi kong galit pa sakin si Tita Myleen kaya sabi niya ipag-ppray na lang niya si Shar at ang buong family nila.

Pagkalabas ni mommy sa kwarto, I locked the door and knelt down.

“You are the God who heals. Please Lord, save her from pain. I don’t know what to do anymore Lord. Kailangan ako ni Sharlene, at kailangan din ako ni Ella. Nangako ako kay Ella na sasamahan ko sya sa pagsubok na to. Pareho mo po silang pagalingin. Please give me strength and wisdom. Make me man enough to handle things like you do Lord.”

Patuloy ako sa pag iyak. Sa mga panahong litong lito ako alam kong ito ang tanging magagawa ko.

Nakaramdam ako ng kapayapaan ng loob sa mga sandaling yun. I feel the comfort from within. I know God is at work. He has not failed me yet, and will never fail me either.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto.

I opened it and it’s kuya Marco.

“Jai, are you ok?” worried na tanong niya.

“I will be. How’s Ella?”

“Naka-confine sya ngayon. And the doctor said she’s pregnant.” Sabi ni Kuya. Totoo pala ang sinabi ni Shar.

“Buntis si Ella? Bakit hindi nya sinabi agad? Pano na yan? Delikado ang baby nya? Her brain tumor is malignant. Maaring maapektuhan ang bata?” yun na lang ang nasabi ko.

Bigla na namang sumakit ang ulo ko sa mga nalaman namin.

“I also have a lot of questions Jai pero sa ngayon magpahinga ka rin. You need it too! You can not do them a favor if you’re not taking care of yourself too.”

“Makakapagpahinga pa ba ko kuya? Dalawang babaeng mahal ko ang nasa peligro.”

“Ella is ok now. Manang Petra went to the hospital. Well, si Sharlene, if you want I can go there to check on her. I’ll do it for you kung yun ang ikakapanatag mo. Matulog ka muna para bukas may lakas ka.”

Hindi ako convince sa sinabi ni kuya.

“Jai, mahal mo pa ba si Ella?” tanong ulit ni Kuya.

“She is my friend kuya. Alam mong ako na lang ang pwede niyang lapitan. Her parents thwarted her. Alexa is not here, ako na lang ang nakakaintindi sa kanya.”

“Paano si Shar? Sino ba talaga ang mas mahal mo?” tanong niya.

“Mahal na mahal ko si Sharlene kuya. Buong buhay kong hinintay at ipinalangin na sana maging kami balang araw. Pero bakit ganito? Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nagawa ko pa ring syang saktan? Sya ang tinitibok ng puso ko. Alam mo naman yun diba?

“Jai, tandaan mo na ang pagmamahal ay hindi sapat para palaging maging maayos ang lahat. Mas madalas nga nasasaktan natin yung mg minamahal natin. Ang importante yung pagmamahal pa rin na yun ang nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng dahlia para magpatuloy.”

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon