Mika Manhid, Paul Torpe!

4.5K 74 2
                                    

Shar’s POV

Maaga akong pumasok dahil nga gusto kong makausap si Alexa.

“Jai, where’s Alexa?” tanong ko kay Jairus na mukhang malalim ang iniisip.

Tumingin siya sakin at bigla akong niyakap. “Oh, bakit? May problema ba?”

“Shar, I just...”

I’m waiting for him to say why is he hugging me pero di niya naman tinuloy.

“You’re just what Jai?” nag-aalalang tanong ko.

“I just want you to know na napakahalaga mo sa buhay ko. Sobra!”

Jai looks troubled. I can see it in his eyes. Ano ba tong nangyayari sa mga to!

“May problema ka ba?” tanong ko sa kanya.

“Wala Shar. But I want to tell you something, you are such a kind-hearted person, kaya alam ko na darating yung time na magiging mabuti kang kaibigan para sa iba, pag dumating yung time na yun, hinding hindi kita ipagdadamot.”

Hindi ko sya naiintindihan.

Bigla nang dumating sila Mika, Paul, Sophia and Kobi.

“Good morning guyssss!” Masiglang bati ni Kobi.

“Bro! Ang aga namang PDA niyan?” nang aasara na tanong ni Paul.

“PDA ka dyan!” nagrereklamong sabi ko.

“May problem ba kayong dalawa Jai, Shar?” tanong ni Mika.

“Wala. Pero gusto ko sanang makausap si Alexa eh, nakita nyo ba sya?”

Sumagot naman si Sophia, “Hindi pa namin sya nakikita eh..”

“I’m here...” sabi niya. Lumingon kami sabay sabay at nakita namin si Alex kasama si Nash.

“Shar, can we talk...” sabi ni Alexa, lumabas kami sa corridor.

Bigla naman akong kinabahan.

“I found Nash drunk last night kaya ko hiningi ang address nya. I asked Jai kung pwede namin syang ihatid sa bahay nila...”

Si Nash naglalasing?

“Shar, he needs you.. He needs a friend.”

“Alexa, favor naman oh.. Can you look after Nash for me? May pagtingin ka naman sa kanya diba?”

Nagulat naman si Alexa.

“Shar, galit ka ba?”

I held her hands. “No Alex! Alam ko at nakikita ko kung gano ka ka-concerned sa kaniya kahit noon pa man!”

“Salamat Shar. Ako nang bahala! Pero sana dumating yung time na maging magkaibigan na ulit kayo.”

Pumasok na kami sa loob ng classroom ni ALexa. Lumapit ako kay Nash at tinapik ko ang balikat niya, bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.

“Shar, let’s talk...”

“Not now Nash!”

Naupo na ko sa tabi ni Jairus.

“I was about to text you about last night Shar...” bulong ni Jai sakin pero hindi ko na sya pinatapos magsalita.

“Enough Jai. I don’t want to talk about it!”

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon