Disheartened

5K 88 6
                                    

"Shar! Kami na!" niyakap ako ni Nash sa sobrang excited niya.

"Agad-agad????" Kitang kita ko ang saya ni Nash.

Sinagot agad siya ni Angeli eh last week lang yung pagbibigay ko ng flower dun ah?

"Yes! Angeli is now my girlfriend! Nagkakilala na kaming mabuti. One week kaming natetext at nagtatawagan. I'm so happy naiintindihan niya raw what my sport requires of me, kaya ok lang daw kahit bihira lang kaming magkikita."

Ayaw kong basagin ang trip niya because he is so happy right now. Di rin ako makapag react, nakangiti lang ako sa kanya ngayon.

"Ako na ang pinaka masayang nilalang sa buong mundo." Sabi pa ni kumag.

At ako naman yata ang pinakalugmok na nilalang sa buong kalawakan ngayon. Masakit sakin na makitang si Nash ay pag-aari na ng iba. Ganun ganun lang yun? 3years kaming magkasama, kapag may problema sya sa bahay o sa basketball sakin sya nag oopen up.

Bakit ang hirap dayain ng feelings?

"Nash, mahal.. (kita *bulong sa isip*) mo ba talaga si Angeli?"

"Oo naman! Ang saya saya ko nga eh... Oh sige na Shar, maiwan na kita dito at susunduin ko pa si Angeli eh! Alam mo na, kailangang ihatid ang aking reyna! Baka maagaw pa ng iba eh!"

"Reyna? Ewww! Baduy mo talaga!" I fake a laughter and let him think that I'm more than ok. Ang totoo sobra sobra kong nasasaktan.

"Sus! Di ka pa kasi naiinlove eh! Pag na-fall ka na, maiintindihan mo na to lahat! Oh sige bye na. Itetext na lang kita ha!"

I watched him walk away. Nash, naiintindihan ko.

Intinding intindi ko dahil mahal na mahal na kita noon pa man.

Nandito ako sa room ko at naghihintay ng text ni Nash.

Isang oras na ang lumipas at wala pa ring text hanggang sa dalawang oras, limang oras, isang araw, dalawang lingo na at hindi pa rin sya nagtetext. Laging busy.

Hindi na rin yata ako kailangan kasi inspired mag-aral.

Di ko naman sya mahagilap. Laging nasa room ng section D, binibisita ang girlfriend niya na di nag a-agree ang subject & verb.

Hanggang sa isang himalang araw ng Sabado, narining ko yung tawa ni spongebob

*nyahahahahahhaha*    oo ringtone ko yan!

From: Bestfriend.Nashie

Message: Shar, milktea tayo! Badtrip! :'(

Upon reading that I got up, dressed up and showed up. Nash needs me right now. Hinding hindi ko sya pwedeng hayaang mag-isa.

"Anong problema?"

"Nahuli ko si Angeli na nanuod ng sine kasama si Keiffer Morales!"

"Ha?"

"Tino-two time nya kami. At ang mas masakit, pinili nya yun!" malungkot na sabi niya

"Eh anong balak mo ngayon?" I sipped my caramel milktea at lihim na napangiti.

"Wala! Anong gagawin ko? Alangan namang magpakamatay ako, ang gwapo ko pa naman!" 

"Utot mo! Kumain ka na lang!" At sinubuan ko sya ng italian macarons.

"Sharlene.." Tinatigan ako ni Nash ng nakakatunaw.

"Oh?" 

"Mahal mo ba ko?" Natigilan naman ako sa tanong niya.

"Ha?" Yun lang ang nasabi ko.

"Would you consider me as a boyfriend?" He is staring at me at malungkot ang mga mata niya.

Aww his heart was badly broken.

"Nash? Ano bang pinagsasasabi mo?" Kunwari ay di ako affected sa tanong nya pero ang totoo parang mahihimatay na ko.

"Shar.... Tayo na lang! Mahalin mo ko." He held my hand.

Laglag ang panga ko sa narining ko teh. "Sigurado ka ba? Bakit ako?"

"Kasi ikaw ang pinakamabuting taong nakilala ko. Mahal kita Sharlene. Can you be my girl?"

Choosy pa ba ko? OO na Sharlene, Um-oo ka na!

"Oo Nash! YES! Sinasagot na kita. Yes! I can be your girl!"

He stood up and hugged me.

"Salamat Shar! Salamat!"

Totoo bang nangyayari to? Boyfriend ko na si Nash. Pumunta lang ako dito para uminom ng milktea, pag uwi ko, boyfriend ko na ang taong mahal na mahal ko.

Lagi na kaming magkasama ni Nashie. At HONEY na ang tawagan namin. Eto nga eh nanonood ako ng basketball practice nila. Ang sarap ng feeling ko kasi pag break time, inaasikaso ko sya. Gf na gf! Hehehehe. Hindi na babalik si bestfriend Shar dahil nandito na si Honey na handang mahalin si Nash ng buong puso.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon