Kilig Overload

3.3K 77 35
                                    

JAIRUS’ POV

 

“Magkaiba yata tayo ng definition ng 3 weeks Jairus!” galit na sabi ni Shar sakin. Nag uusap kami sa phone ngayon.

 

“I’m very sorry talaga Baby... 2 days lang naman na made-delay ang pag uwi ko eh! Nagkaroon lang ng konting problema sa company, pero don’t worry pag uwi ko naman sulit na sulit ang magiging bonding natin eh. Please wag ka nang magtampo...” Nakangiting sabi ko habang tinititigan ang engagement ring na binili ko sa Newton Jensen, ang pinakamamahaling jewelry store dito sa Canada.

 

“Siguraduhin mo lang! O sige na bye na!”

 

After namin mag usap ay nagpahinga na rin ako.

Kahit alam kong naiinis sakin si Shar ngayon ay hindi ko pa rin maalis ang excitement sa pag-uwi ko. I made sure that everything is perfect. Sobrang thankful talaga ko kay Charm, if not for her this proposal will be uninteresting.

Araw araw akong ina-update ni Charm through emails. Alam kong mapagkakatiwalaan ko sya.

I cant sleep tonight, dala siguro ng excitement. Two more days I will come home and will be with my Baby.

Bumiling ako at nakita ko ang gitarang regalo sakin ni Ella nung 21st birthday ko.

Kinuha ko ito at nagsimulang mag strum...

Wait! I have an idea! Since hindi ko nabili kay ate Ikai yung resort, magcocompose na lang ako ng kanta para kay Shar, and that will be my wedding gift for her.

Ano bang isusulat ko????

Tumawag ako kay Nash...

 

“Bro! Kamusta?” tanong nya mula sa kabilang linya.

“Nash, I need your help... I want to compose a song for Shar!”

“Wow! Don Romantico lang?” Nang-iinis na sabi nya.

“Loko! Tulungan mo na lang ako imbes na nang-aasar ka dyan!”

“Sige na nga... Una gumawa ka muna ng poem, simulan mo dun sa time na hindi pa kayo close ni Shar dahil in love pa sya sakin nun...” Tapos tumawa ng malakas si Nash.

“Lechugas ka talaga! Ayusin mo nga! Isusumbong kita kay Alex..” Nabu-bwisit na sagot ko sa kanya.

“Naririnig nya, kasama ko sya ngayon, nagdi-DVD marathon kami ngayon dito sa bahay nila! Dapat nga kasama si Sheree kaso  buong araw daw gagala kasama ni Shar.” Sagot ni Nash tapos narinig kong inagaw ni Alexa yung phone.

“Sweet naman Jai, personalized song for Shar!” kilig na sabi ni Alexa.

“Hindi ko nga alam ang isusulat ko.”

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon