Chapter 38

202K 2.9K 208
                                    

Anica's POV

Bakit ganun? Akala ko maayos na kami ni Kurt, ano nanaman ba yung nakita ko kanina? Palagi nalang ba akong masasakatan? Gusto ko din naman yung tuloy-tuloy na saya.

Andito ako sa park, mejo malapit sa mall. Pinapanuod ang mga taong may mga ngiti sa labi. Lahat ay nagtatawanan and iba naman ay nagliligawan. Nakakatuwa silang panuorin. Habang ako ay parang isang baliw na malungkot dahil sa nasaksihan. Ngumiti ako ng mapait tska tumayo at nag-umpisang maglakad.

Nakakawala ng gana. Hinawakan ko ang tyan kong hindi pa masyadong malaki, bumalik nanaman sa isipan ko ang nakita ko kanina. Muling tumulo ang mga peste kong luha! Kelan ba ako mag sasawa?

Alam niyo yun? Akala ko okay na pero mali pala ako.

"Sorry baby, kung ganun si daddy *sob*"-Mahinang sabi ko habang hawak ang tyan ko.

"But I know he love you. Hold ka lang baby ah? Iloveyou."-Mahinang bulong ko na mejo nagpa-ngiti sa akin.

"MISSSSSS!"

Nilingon ko ang taong sumigaw. Pero kasabay nun ang pagtama ng isang napaka-tigas na bagay sa katawan ko. Naramdaman ko ang pag-bagsak ng katawan ko pero hindi ko alam kung ano ang nangyari at nangyayari, hindi ko maramdaman ang sarili ko at hanggang sa tuluyan na nga akong binalot ng kadiliman at nawalan ng malay.

Third Person's POV

Nagtakbuhan ang mga tao, palapit sa taong na aksidente.

"Ay jusko! Tumawag kayo ng ambulansya!"-Nag-aalalang sabi ng isang ale. Nag dial naman ang mga tao, ang iba ay maingat na tinignan ang pulso nito. Maya-maya, nag datingan ang dalawang ambulansya at isang sasakyan ng pulis. Nagbigay daan ang mga tao, nag umpisang asikasuhin ng paramedics ang dalawang taong nasugatan.

Ang driver at si Anica, ang mga pulis naman ay inalam ang talagang nangyari.

Matapos ang ilang minuto, agad na umalis ang ambulansya at tinungo ang hospital.

Kurt's POV

Hindi ko na siya hinabol. Napaka tanga ko! Wala na siya, lumayo na siya! Bullshit!

"Let her go Kurt. Sino ba siya? I know she is one of your slave."-Malanding sabi ni Maddy sabay kapit sa braso ko. One of my slave?! Shit! The nerve of this girl! May laban nanaman sa mafia tapos dadagdag pa ang babaeng ito! 

"No Maddy! You don't understand. She is my ---"-Natigil ako sa pagsasalita ng mag-ring ang cellphone ko.

"What!?"-Sigaw ko sa tumawag. 

"Hello? Is this Kurt Winchester?"-Caller.

"What?"-Walang galang na sagot ko. Kung sino man ito. They are wasting my time.

"We call you because it's an emergency. Ms. Anica Winchester is now in emergency room. She got hit by ---"

"Where the hell is that hospital?!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Para akong naubusan ng hangin at parang napuno ng malalaking tinik ang lalamunan ako. Kung may nangyari sakanya at sa baby na nasa sinapupunan ko, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Salcedo Inernational Hospital"

Agad kong pinatay ang tawag, tinungo ang kotse at pinaharurot ito. Ang mag-ina ko. Sila ang nasa isip ko at natatakot ako. I felt a tears streaming down my face and I don't give a shit.

"It's my fault."

***

*Salcedo Inernational Hospital*

Will Kurt Winchester Stay? ✓ (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon