Chapter 25

238K 3.2K 118
                                    

Anica's POV

Nagising ako. Pag gising ko wala si Kurt dito sa sala, oo nasa sala padin ako. May naka kumot sa akin. Napa smile ako, meaning kasi kinumutan niya ako. Tumayo ako at pinambalot yung kumot ko. Nakita kong nakabukas yung kwarto ni Kurt at andun si Kurt natutulog sa loob.

Nawala ang ngiti ko hindi niya man lang ako binuhat after we did it, iiwan niya lang ako doon. *sighed* But it's okay na atleast kinumutan niya ako. Pumasok na ako sa kwarto ko at naligo at nagbihis. Mamayang hapon nalang ako papasok. Humiga ako sa kama ko.

My phone vibrated.

"Hello Dad?"-Magalang na pag-bungad ko.

"Iha."

"Daddy bakit po kayo tumawag?"

"Kumusta naman kayo jan?"-Dad.

"Hmm. Okay lang naman po kayo po?"-Tanong ko.

"I'am okay here iha. Napatawag ako dahil kailangan mong pumunta dito sa bahay nila Krista."-Dad.

Si Krista do you remember her? Siya yung palaging ka talik ni Kurt noong kami pa, dahilan kung bakit kami naghiwalay. Patay na si Krista, car accident daw kasama ang dalawang anak niya. Death anniversary niya nga pala ngayon. Alam na din ni dad yung tungkol sa amin ni Krista noon, may nabasa silang letter, nag ssorry daw si Krista sakin dahil sa nagawa niya. Hindi ko nga alam na may anak siya eh. Ang gulo lang ng sitwasyon.

"Iha?"-Nabalik ako sa realidad.

"Ahm ano po sige."-Sabi ko at tinapos ang tawag.

Nag-ayos ako ng isang simpleng dress. Isasama ko kaya si Kurt?

Nag vibrate muli ang phone ko. Isa itong text galing kay dad.

'Bring Kurt. Take care.'

Isasama ko si Kurt? Pupuntahan namin si Krista. May amnesia naman si Kurt eh. Hindi niya yun maaalala. Lumabas na ako sa kwarto ko, wala na si Kurt sa room niya kaya bumaba ako, naabutan ko siyang may kausap sa phone niya.

"Yeah. Anniversary niya ngayon."-Kurt.

"Tsk! I miss her."

"Yeah bye!"

Humarap na si Kurt.

"Kanina ka pa ba jan?"-Kurt.

"No. Kalalabas ko lang sa room tumawag pala si papa"-Patay malisya kong tanong na parang wala talagang narinig.

"Ano?"-Kurt.

"Sabi niya kung gusto mo ba daw sumama pupunta kasi ako sa bahay ng cousin ko, death anniversary niya eh."-Sagot ko.

"May pupuntahan ako you can go by yourself. Sabihin mo kay papa, next time nalang. Bye!"-Sabi ni Kurt at umalis na.

See? Ganyan siya. Kapag ganyan ang kinikilos niya, namimiss ko ang dating Kurt. Yung Kurt na hindi ako papabayaan, sabi niya nga ayaw niya akong ipahwak sa iba, kahit kagatin lang ng lamok ayaw niya. Isang napa-masayang moment ko na lamang iyon.

Tsk! Enough with that!

(Krista's Residence)

Pag pasok ko ng bahay, lahat ng family memebers andun. Death Anniversary ng isang Salcedo.

"Oh iha! Long time no see. Kumusta na?"-Tita Amelia. Siya yung mommy ni Krista.

"Okay lang po ako. Kayo po?"

"Okay lang din ako Iha. I'm copping."-Tita Amelia.

"Alright. Good po yun tita."-I sweetly smiled.

"Okay! We will go to the cemetery na. Mag p-pray tayo for Krista and her kids."-Sabi ni Tita Amelia sa family members namin. Umalis na kami using a van.

"Hai Ate Anica."-Sabi ni Issa. Kapatid ni Krista.

"Hi Issa. How are you?"-Tanong ko. Napaka-cute ng isang ito.

"I'am okay po. Sorry po ah? Wala naman po akong sasabihin ehh nagpapapansin lang po ako."-Issa

The van filled with laughter.

Nakakatuwa talaga siya. Ikaw natuwa ka ba? Kung hindi babatukan kita! HarHar! -___-

After ilang oras ng byahe at hindi ako nakatulog kasi chinichika ako ng pamilya. Bumaba na kami sa cemetery.

"Anak. Nasaan pala si Kurt?"-Dad.

"Ahm. hindi po siya makakarating eh. Busy po siya."

Ngumiti lamang si dad.

"Anica, pwede bang mauna na muna kayo ni Issa sa puntod nila Krista, gusto niya na kasing magpunta eh."-Utos ni tita Amelia.

Nag smile ako at pumunta na kami ni Issa sa mausoleum ganun ang pag kagawa para sa puntod niya pero pag punta namin dun, may lalaki ang naka talikod at parang kilala ko yung naka talikod. Gumilid muna kami ni Issa may iba kasi akong feeling eh.

"I miss you. Ahm I gotta go now. Punta ako sa bar mag-iinom. Haha you know. Problems. Huwag kang susunod ah. Alam ko na happy ka na kung nasan ka man.  Alagaan mo anak mo ah. I still love you. Bye now!!"-I really know who owns that voice.

Humarap ang lalaki at parang napunit ang puso ko. Hindi nga ako nagkakamali at agad din namang lumuha ako.

Si Kurt ay nasa puntod ni Krista. How could he know her? May amnesia si Kurt.

'I still love you?' This words hurt me.

He still loves Krista? Bakit kilala niya si Krista tapos ako hindi?! Nawala na si Kurt sa paningin ko.

"Ate. Why are you crying?"-Issa asked habang ang kilay nito ay magkasalubong.

"W-wala. Tara na sa loob, ayun na si ate Krista. Tapos yung pamangkin mo."-Sagot ko

Pumasok na kami sa loob at hindi pa din mawala sa isip ko na mahal niya padin si Krista.

Si Krista na dati niyang ex.

Si Krista niya na palagi niyang ka sama.

Si Krista na dahilan kung bakit kami naghiwalay.

Umupo muna si Issa sa mga upuan duon. Lumapit ako kay Krista.

"Hindi ako galit huh?! He loves you. He rememeber you, pero ako hindi. Nakaka inggit ka talaga *sob*"-I heavily sighed and wiped out my face full of tears.

Bakit hindi niya ako maalala?

Bakit si Krista naaalala niya and the worst is, mahal niya?

What a shitty day! *sigh*

***

A/N: Vote. Comment. Follow. Share the Story.

Will Kurt Winchester Stay? ✓ (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon