Chapter 7

384K 4.6K 146
                                    

Anica Salcedo

Kusang dumilat ang mga mata ko at napainat. Bumungad sa akin ang malaking bintana kung saan tumatagos ang sinag ng araw.

Napabangon ako at nakitang walang bakas ng pagtabi sa akin, buti naman. Wala din si Kurt sa paligid.

Bumaba na ako ng kama at binuksan ng maigi ang bintana at napatingin sa labas.

Kita ko dito yung malaking fountain na nadaanan namin kagabi, napansin ko naman ang mga lalaking naka suit na palakad-lakad sa paligid ng bahay.

Mas lalo lang nagpa-realize sa akin na ibang-iba na ang lifestyle ni Kurt ngayon.

Paanong nangyari yun?

Dahil ba siya na ang magmamana ng kompanya ng pamilya nila? Kibit-balikat nalang akong nagpunta sa may couch, kinuha ko doon ang phone ko.

May text mula kay Lucy.

Nakitulog pala ang babaeng yun kina Janine, mamayang hapon pa daw siya uuwi sa bahay namin.

Nasa ganun akong pagbabasa nang magbukas ang pinto kaya lumingon ako doon.

Naka polo si Kurt ng dark blue and as usual, nakatupi nanaman hanggang siko ang manggas.

Suot niya ang mamahaling relo tska siya naka pants ng itim.

Maganda siyang sight-seeing, hindi na ako pakipot.

"Like what you're seeing?" Kahit sa pang-aasar niyang tanong, ramdam ko naman ang lamig ng boses niya.

Inirapan ko siya. "Baka gusto mo ulit ipakita sayo ang boobs ko?" Pang-aasar ko at katulad nga ng inaasahan, hindi siya nakapagsalita, he just stared at me.

Isa ko pa siyang inirapan at naupo sa couch. "Can I go down? I am hungry."

Napatingin ako sa orasan at 7 am palang. Hindi ko alam kung anong oras kami lalabas para sa pesteng wedding plan na yan.

"I'll ask them to deliver ---"

"Hindi naman ako baldado. Come on, payagan ---" Tinignan ko siya ng masama, bakit ko siya pipilitin na payagan ako?

Ano siya swerte? Tumayo na ako at lumapit sa door. Akala ko ay isasara nanaman niya katulad kagabi pero hinayaan na niya ako.

Lumabas ako ng kwarto at naglakad sa tahimik niyang pasilyo.

Hanggang sa nakita ko ang hagdan kaya bumaba ako doon. Wala akong nakita ni kahit isang kasambahay.

Ipinagsawalang-bahala ko nalang yun at hinanap ang kitchen, hindi ako nabigo.

"Don't let anyone come in."

Gulat akong napatingin sa likod, nakasunod pala si Kurt at kabababa lang niya ng phone, kausap ang sino man.

Hindi ko na siya pinansin at kumuha nalang ng mug. In-on ko yung coffee maker at hinayaang gawin ang trabaho niya.

Naupo ako sa counter.

Will Kurt Winchester Stay? ✓ (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon