Chapter 5

354K 4.7K 162
                                    

Anica Salcedo

Napatikhim ako ng mahina at inalis ang tingin sakanya tska ako lumapit sakanila.

Para akong tuod na naupo sa bakanteng upuan na katabi ni dad. Peke ko silang nginitian nung sabay-sabay silang naupo.

"Your daughter is beautiful, Ricardo." Komento ng isang ginang.

"Of course! Kanino pa ba magmamana?"

Tska sila nagtawanan.

Wow ha? Parang kailan lang hindi niya daw ako anak! Sabi na nga't seasonal ang pagiging anak ko sakanya.

"I am Celeste, Kurt's mom." Inilahad sa akin nung magandang babae yung kamay niya na tinaggap ko nalang tska nginitian.

Sunod namang nagpakilala iyong isang lalaki na sa tingin ko ay tatay niya naman, pero hindi ko maalala.

"Kurt." Pagpapakilala niya sa malalim na boses.

Napatingin ako sakanya at kinunutan siya ng noo. Pero hindi ko mabasa ang expression niya.

Nakuyom ko ang kamao sa ilalim ng mesa. Pero kyeme ko siyang nginitian at tumango.

Tahimik lang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila. Iniiwasan kong huwag siyang tignan, pero pakiramdam ko, wala siyang pakialam.

Panay pa ang pag-vibrate ng cellphone ko. Either si Lucy yun o isa nanaman sa mga lalaki ko. Hindi ko naman magawang sagutin dahil nasa dinner ako.

Paminsan-minsan din akong tinatanong nung babae, si Celeste at yung dad niya. Sinasagot ko naman ng maayos.

Maya-maya, inilagay sa table ang mga iba't ibang putahe. Tahimik lang kaming kumain.

Peste! Boring.

"So, saan ka pala nag-aaral?" Biglang tanong nung dad niya sa akin.

"Eugenio Meyers." Naka-ngiting sagot ko kaya napatingin sila sa akin at napaawang ang labi. Maliban sakanya na hindi ko alam ang reaction, ayaw ko siyang tignan.

"Wow! That's the greatest university in the country!" Komento ni Celeste.

Napakamot ako sa pisngi. Greatest nga, palakol naman records ko dun. Huwag niya lang tanungin records ko dun, magsisinungaling talaga ako.

"Not really." Kunwaring pa-humble na sagot ko kaya nagtawanan sila kahit wala naman talaga nakakatawa.

Gusto ko ng umuwi. Habang tumatagal ay mas naiirita lang ako sa dinner na'to.

"Kurt iho. Kumusta naman ang pagharap mo sa kompanya? Things will get hard now dahil ikaw na ang hahawak." Tanong ni dad. Kanina ko pa siya hindi tinatapunan ng tingin, either nakayuko ako at nakatingin sa plato or titignan lang ang mom and dad niya.

Hindi ko na din nagawang makinig sakanila, ginawa kong opportunity yun para makipag-text kay Lucy.

Kinakamusta lang naman ako.

Nabalik ako sa realidad ng tumikhim si dad. Dali-dali kong ibinalik ang phone sa bag tska sila hinarap.

Doon ko nasalubong ang tingin niya. Ang lalim talaga, sobrang lalim, ano kaya ang iniisip niya?

Pasimple nalang akong ngumiti sakanila. "I'm sorry. One of my classmate is asking about our presentation for tomorrow." Pag-e-explain ko.

Napatango naman sila pero dad didn't buy it. Ako? Makikitext about presentation? Ako nga tong walang nai-aambag sa mga project eh.

Will Kurt Winchester Stay? ✓ (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon