Chapter 8

276K 4K 42
                                    

Anica Salcedo

Gabi na at kanina pa ako palakad-lakad dito sa sala.

Pupunta sa kusina para magbukas ng ref pero isasara ulit at hihiga sa sofa.

Matapos ng alitan namin tungkol doon sa lalaking binugbug nila, hindi ko pa nakikita si Kurt.

Naka-kwentuhan ko na rin si Lucy sa phone tungkol sa pag-punta ko dito sa bahay ni Kurt, at ang babaeng yun, tinawanan pa ako nung pinakita sakanya ang hickeys.

At para din hindi ko madagdagan ang galit ni Kurt, hindi ako lumabas. Fresh pa ang bakas ng kagagahan ko, ayaw ko nanamang masakal sa panga no!

I decided na kumuha ng limang beer sa ref tska ako umakyat at nagpunta sa kwarto ni Kurt.

Naupo ako sa couch kung saan katapat ko ang TV. In-on ko yun.

Ano kaya maganda panuorin?

Tinignan ko ang apps ng smart TV ni Kurt pero walang netflix, google play, amazon prime, hulu, disney, at youtube.

Cable lang! Goodness! Ang laki nga ng TV, cable lang ang laman. Itapon niya nalang.

Pinidot ko nalang ang cable at naghanap ng channel. Napunta yun sa HBO na ang palabas ay Despicable Me.

Wala akong nagawa at hinayaan nalang na panuorin yun.

Pero lumipad ang isipan ko. Napunta ito kay Kurt, ang maangas at nakakatakot na mukha nito.

Ang paraan niya ng pananalita.

And the way he thinks and act.

Lahat nagbago. Now I can't stop myself from wondering. Para bang gusto kong malaman kung anong nangyari sakanya.

Napa-buntong hininga ako at ininom ang beer na nasa can. Tska napahiga nalang sa couch.

Sayang at wala si Lucy, ang dakila kong sister in crime. Wala ako kausap at kainuman. Haays.

Natampal ko ang leeg.

Ano kaya iniisip ni Kurt nung makita niya to? Na-realize niya kayang kasalanan niya kung bakit ako nagkaganito?

"What the hell!?" Agad akong nabalik sa huwisyo at napabangon.

Nasa pinto si Kurt at kunot noong nakatingin sa akin at sa hawak kong beer.

"Err. Kainuman ko sila!" Sigaw ko at tinuro ang minions.

Hindi nito pinansin ang sinabi ko at agad naglakad papalapit para kunin ang hawak kong beer.

"You just don't stop, do you? You've been drinking from night till dawn, yet you still want more?" Itinaas nito ang beer tska ako sinamaan ng tingin.

Ang duguang mukha nung lalaki ang pumasok sa isipan ko kaya't napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa mukha ni Kurt.

"S-sorry." Labas sa ilong na sabi ko at nag indian-seat nalang sa couch tska nanuod.

"Now you're acting a kid! Can you fucking sit properly?"

Napapikit ako at para bang nawala si isipan ko ang tagpo kung saan may binubugbog sila.

Para bang gusto ko na siyang sigawan ngayon.

At hindi nga ako nakapag-pigil. "I am watching! How do you want me to sit, on your lap?" Pag-irap ko.

Napatingala siya sa ceiling at pumikit tska niya ako tinapunan ng masamang tingin.

"You were in that position when you were receiving your fcking hickeys."

Will Kurt Winchester Stay? ✓ (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon