Chapter 6

370K 5K 218
                                    

Anica Salcedo

Para akong tuod na pumasok sa klase. Katulad dati, wala akong naintindihan sa pinag-tuturo ng mga professor ko.

Natapos ang last class ko for morning session. Nag-text na din sa akin si Lucy at nasa cafeteria na sila.

Naglakad ako papunta doon pero may yumakap sa bewang ko, paglingon ko ay yung basketball player kahapon.

"Hey pretty." Pagbati niya sa akin at pinisil ang bewang ko.

Hindi ko nalang pinansin at hinayaan siya. Kinuha niya ang gamit ko at siya ang nagbuhat.

Nakarating kami sa cafeteria, hindi na sila nagulat sa kasama ko. Nung nasa kalagitnaan naman ako ng pagkain, nagpaalam sa akin yung basketball player na punta lang siya sa barkada niya.

Tinanguan ko naman siya at binigyan ng halik sa pisngi.

"Siya na yata ang pinaka-pogi sa mga naging lalaki mo!" Asik ni Janine at nginuso pa ang pinagdaanan nung lalaki.

Well, tama si Janine. Yun ang pinaka-gwapo na nakaharutan ko.

"Ano na pangalan nun?" Tanong ko, pero pinag-iirap nila ako dahilan para matawa ako.

"Si Steven yun. Captain nang basketball."

Nanlaki ang mata ko. "Talaga?"

Pinag-babato nila ako ng tissue sa mukha. "Gaga ka! Ngayon mo lang na-realize na jackpot yang si Steven kung kailan nahaplos ka na niya!" Natatawang asar nung isa naming kasama.

Napa-kibit balikat ako. Eh sa flirt lang naman kasi yun. Pero infairness, I like him. Well, not in a way na parang relationship.

Flirt pa din naman. He's just better than the others.

May pagka 'ako lang dapat' kasi yung iba.

Malapit nanaman ang end ng lunch break nung dumating yung Steven. Pinilit ko talagang alalahanin pangalan niya.

Bumalik siya at tumabi sa akin. Ipinatong niya lang ang kamay niya sa tuhod ko at nakipag-usap kina Lucy.

Kinausap lang siya tungkol sa mga teammates niya. Kunwari pa tong sina Lucy, mamaya mag-r-request ang mga yan na mag bar sila.

NATAPOS ang klase at 3 pm. Pinasa ko kay sir ang index card kung saan ko nilagay ang mga answers ko tska na umalis.

Hindi ko kaklase si Lucy sa ibang subject kaya hindi kami palagi magkasama.

"Anica."

Napalingon ako sa tumawag, Steven came running at niyakap ako sa bewang tska sinandal sa pader.

"Watch my game." Usal niya na sobrang lapit. Pero hindi ko na nilayo ang ulo ko.

Nginitian ko siya at hinalikan sa labi ng smack. "May lakad ako ngayon. Next time."

Tumango-tango naman siya. "Just one more kiss."

Nag tip toe ako ng konti at hinalikan siya sa lips.

"Fck. You're so good." Usal niya at sunod-sunod akong pinaghahalikan sa lips.

"Okay. Stop now, aalis na ako." Natatawang pagpapaalam ko.

"Ihahatid kita. Sa gym na ako ngayon for practice."

Hinayaan ko nalang siya. Kumawit ako sa braso niya habang naglalakad kami.

Panay ang bulungan ng mga tao. Iba nanaman daw ang lalaki ko. Pero hindi ko na sila pinansin.

"You know, this is just a flirt, right?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami papalabas ng building.

Will Kurt Winchester Stay? ✓ (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon