Chapter 4

358K 5.1K 204
                                    

Anica Salcedo

5 weeks.

Isang buwan na akong walang pera o kahit ang credit card at debit na hawak ko ay naglaho. Para akong nanakawan, ang pagkakaiba lang ay ang kumuha sa gamit ko ay siya ring nagbigay sa akin.

Isang buwan na akong grounded, yung mga bagay na gusto kong gawin, hindi ko magawa.

"Anica." Napa-pikit ako nang marinig ko nanaman ang pangalan ko mula sa isang nakakatakot na boses. Naikuyom ko ang kamay at nilingon siya, ano nanaman ba?

Itinapon niya ang mga litrato na hawak sa harapan ko, kumalat yun. Kita ng mata ko ang mga ebidensya na sinusundan nga talaga ako ng assisstant niya, kinukuhanan ng litrato -- iba't ibang angle.

"Nice shot, Regine." Nilingon ko yung assisstat niyang amoy luya na nasa tabi niya lang tska ko siya inirapan, kaya napayuko siya.

Ibinalik ko ang tingin sa litrato at aalis na sana pero nakuha ng atensyon ko ang isang litrato - yung naninigarilyo si Lucy at katabi ko siya habang nakatingin din sakanya at tumatawa.

"Anica. Regine has nothing to do with this." Saad niya habang hinihilot ang sentido.

"Ahh. Baka kasi mistress ---"

Sa isang iglap, dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. "Goodness! Paano mo naisip iyan!? You're too much, mahiya ka naman!"

Tinuro niya ang mga litrato na nasa ibaba, tska ako matalim na tinitigan. "You get contact with different boys tapos ngayon may bisyo ka na rin!?"

"That's Lucy, hindi ako ---"

"Why do you keep on making excuses ngayong may ebidensya na!" Malakas na sigaw niya na dumagundong yata sa buong mansiyon. Pati ang assisstant niya ay napa-piksi.

I sighed. Sige, kung hindi sila maniniwala na wala akong bisyo edi hayaan nalang silang maniwala na may bisyo nga ako. "Fine. I have vices. I have a lot of vices! So what!?"

Hindi ko na kailangang mag-bilang; I lost count. Napatagilid ang mukha ko dahil sa malakas na pagkaka-sampal niya pero hindi ko magawang umiyak.

Hindi dahil sa ayaw kong mag mukhang mahina; hindi dahil sa ayaw kong mag mukhang kawawa; o hindi dahil sa ayaw kong mag mukhang nasaktan. Kundi dahil wala talagang lumalabas.

Sanay na yata, ikaw ba namang sampalin at kuyugin ng mga babae ng lalaking nilalapitan ko.

"Wala ka bang gagawing pagbabago?" Tanong ni dad habang nakapamulsa na.

I looked at him at taas noong nagsalita. "Wala akong dapat baguhin."

"Get out!" Walang paligoy-ligoy niyang sabi. "Umalis ka na sa pamamahay ko. Don't call me dad. I don't have a daughter like you!"

I scoffed and it made dad and his assistant look at me.

"If I am a perfect daughter, you surely would be proud of me. But when I do something bad, wala kang anak na katulad ko. Are you seasonal or occasional, alin doon? Na may pagkakataon na hindi ka tatay, that it depends on the season?"

He did not answer, pero mukhang sasampalin nanaman yata ako. "If you have nothing to say, please excuse me, lalayas pa ako." I smiled at them. "See you when I see you."

Umalis na ako sa harapan nila at tuluyang umakyat sa kwarto tska nag-impake.

PINUNTAHAN ko ang unang tao na pumasok sa isipan ko, but when she opened her doors for me, she held my hand.

Will Kurt Winchester Stay? ✓ (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon