Finale

6.5K 141 6
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

FINALE

*Arianne's Pov*

Isa lang namang typical wedding ang gaganapin. Trahe de boda at naka-barong ang damit naming suot. Engrande eto ngunit normal na kasal sa araw araw na nangyayari. Madaming tao. Everything went very perfect. Special for me. Roses everywhere. White rose as sign of purity. Red as color of love. It's very romantic! Wow, Arianne! Eto na! Magiging Mrs. Arjay Flores ka na. Isn't great? Sino bang mag-aakala na mangyayari 'to? Isang student na nainlove sa kanyang professor.. sa kanyang guro. Mali man sa mata ng tao ngunit wala naman kaming ginagawang masama na ikakasakit ng ibang tao. Nagmahal lang kami. Walang mali sa pag-ibig namin. Nagkataon lang talaga na guro ko siya at estudyante nya ako. Nagkataon lang. We never planned. Well, maliban na lang talaga sa ginawa kong seduce thingy. Oo, tama nga si Pearl. Kinain ko ng buo ang mga sinabi ko.. at nakakahiyang aminin na guilty ako.

Si Arjay ang una at huling pag-ibig ko. Maraming ups and downs sa pagmamahalan namin at lahat ng mga yun nalagpasan namin. At eto nga, sisilyuhan na namin yun. Etong araw na 'to ang pinakahindi ko malilimutan kailanman.

" Nakakakaba! " mahinang bulog ni Arjay sa akin habang nagsasalita ang pari. Pasimpleng ngumiti ako at siniko siya. Napansin kasi yun ng pari at tiningnan kami ng maigi.

" Tumahimik ka nga dyan at makinig na lang.. " sabi ko na halos hindi gumagalaw ang labi ko ngunit mahina ang boses ko. Maging ako rin naman e, kinakabahan. Sino bang hindi? Hindi normal kung wala kang nararamdaman. Maliban na lang kung manhid ka.

Hindi na siya nagsalita pero ang likot ng kamay nya. Nung umupo kasi kami, bigla na lang nyang hinipo ang hita ko dahilan para mapa-ayy ako. Nanlaki ang mata ng pari dahil saktong nakita nya ang ginawa ni Arjay. Tumikhim eto at nagsalita, " Mister, may oras para diyan. Konting pigil lang.. " anito.

Namula ako at tumungo. Narinig ko ring may naghigikgikan sa likod namin. Nakakahiya talaga ang ginawa nya! Kahit sa araw ng kasal namin, umiiral ang kapilyuhan nya. Inirapan ko siya na nakangisi ng nakakaloko sa akin.

" Groom, you may now kiss the bride. " anunsyo ng pari nung patapos na ang ceremony. Humarap sya sa akin at itinaas ang belong suot ko. Kumindat siya at ako naman ay ngumisi lang.

Nang ilang pulgada na lang ang layo ng labi nya sa labi ko at nararamdaman ko ng lalapat na, iniliko ko ng biglaan ang ulo ko dahilan para sa pisngi ko lumanding ang halik nya. Natawa na lang ako ngunit hindi ko ipinahalata lalo nung nainis siya sa ginawa ko. Sa gilid ng mata ko ay nagtatawanan sina Pearl dahil hindi ako nahalikan ni Arjay sa labi. Kinindatan ko lang sila at hinarap.. ang asawa kong nakangiwi. Tila disappointed eto.

Kahit nung nagpapakuha na kami ng picture ay hindi matanggal ang ngiwi nya at pagkairita. Humaba na nga ang nguso nya sa pagkainis sa akin.

" Ngumiti ka naman! Sige ka, papangit yung wedding solo picture natin kung ganyan ang mukha mo.. " sabi ko nung kami na ang kukuhanang dalawa. Lumabi eto at saka humarap sa akin kahit sabi ng photographer ay humarap kaming pareho sa camera.

" Nakakainis ka kasi! Bakit mo iniwasan ang halik ko kanina? Yung yung first kiss natin bilang mag-asawa e. " tanong nya na yamot na yamot. Hindi nya pinapansin ang sinasabi ng photographer pati ang sinasabi ko. I just rolled my eyes. May pagka-childish siya minsan.

" Paano kasi ang pilyo pi---"

Hinawakan nya ang leeg ko at hindi ako nakapalag nang hinalikan nya ako ng mariin sa labi kasabay nun ang pagflash ng camera. Jeez! Hindi ko alam kung ano ang itsura ko doon sa kuha. Biglaan ang nangyari. Hindi ako handa. Saglit akong natulala at nagising sa palakpak ng mga tao.

Nahihiyang ngumiti na lang ako sa kanila. " Kahit kelan talaga! " i whispered again.

" Nagustuhan mo naman e. " kumindat pa ang loko saka inalalayan akong naglakad palabas ng simbahan. Hindi na lang ako kumibo. Half truth naman ang sinabi nya e. Hindi naman ako plastic na hindi magustuhan ang halik ng asawa ko. Haha!

Diretso kami reception after our wedding. Okay, plano lahat talaga eto ni Arjay. Ni wala nga akong ginawa o itinulong dun eh. Nung nasa ibang bansa pa siya eh talagang plinano nya na eto lahat, kokontra pa ba ako? Kapag kasi nagrereklamo o kumukuntra ako, he just kissed me to shut me up. Okay di ba?

Ahhh, ano ba ang matatawag ko sa kanya? Siguro, he was the sweetest naughty teacher in the world! Basta! Mahal ko yan e. Mahal na mahal!

" Oh, mag-juice muna kayo at mag-sandwich! " sambit ko dala ang isang tray na may lamang baso at sandwich.

Tumayo ang batang babae at lumapit sa akin, bitbit ang isang kupon na may drawing. Isang family drawing. Simple ngunit makikita mong masaya ang pagkakagawa. " Look, Mami! Dadi teach me how to draw. Ang saya po natin dyan di ba? Ako, ikaw at si Dadi saka yung little brother ko.. " sabay himas nya sa maliit na umbok na tiyan ko. Inilapag ko ang tray sa kalapit na mesa saka hinawakan ang buhok ni Arielle. Yeah, malaki na si Arielle. She is now five years old at nagbubuntis ako sa bunso namin. Isang baby boy.

" Your dadi was very good in teaching. Alam mo ba, teacher ko siya dati nung college ako.. " pagkwekwento ko sa kanya.

" That's true, princess. " singit ni Arjay sabay akbay sa akin. Tumingala ako sa kanya sapagkat nakaupo ako sa sofa. Ngumiti siya sa akin.

" Wow! Really? Ang saya naman! Kaya pala ang galing nya magturo sa akin. Yehey! " masayang bulalas ng bata.

" Don't worry, princess. Lagi kitang tuturuan. Dadi will teach you everything.. Magiging teacher mo ako.. " ani ni Arjay.

" Yey! Thanks Dadi! Love na love ko ang teacher Dadi ko pati si Mami ganda! "

Hindi ko napigilang mapangiti kasabay nun ang pagyakap sa akin ni Arjay. He kissed me on forehead and whispered, " Thanks for everything, honey. I love you.. "

The End.

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Where stories live. Discover now