Chapter 2: *First move: Flirt with him

7.7K 181 5
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 2: *First move: Flirt with him*

" Ang kapal! Ang kapal kapal talaga! Tama ba yun?! Pinahiya nya ako sa harap ng klase! Teacher pa naman sya pero ginawa nya sa akin yun! The nerve! Ang kapal talaga sa lahat ng makapal! Nakakainis sya, Pearl! Nakakainis! Sobra! " nangigigil si Arianne sa nangyari sa klase kanina. Para syang sasabog na parang bulkan dahil sa mga tinuran ng bago nilang maestro.

" Affected much, te? Ang sa akin lang, pumupunta ka pala sa bar? Naku ha? Baka naman.. " di tinuloy ni Pearl ang idudugtong nya dapat. Tiningnan lang nya ng makahulugang tingin si Arianne.

" Hoy, Pearl! Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan! Nagkataon lang yun noh! Niyaya kasi ako ng pinsan ko dun. Eh curious ako kaya sumama ako. Kaya wag kang mag-isip ng iba dyan! " agad na depensa ni Arianne sa kaibigan.

" Ikwento mo nga. Ikwento mo sa akin ang nangyari sa bar at bakit sinabihan mo si Sir Arjay ng bakla? "

" Eh? Medyo nakainom na kasi ako nun. Tipsy na kaya aksidenteng natapunan ko sya ng drinks. Di ko naman sinasadya tapos nagalit sya agad. Pinagsabihan ako eh nakainom na kaya nasabihan ko ng bakla dahil pumapatol sa babae. Yun lang naman eh. Di ko naman inaasahang magkikita pa kami after that incident. I was trying to forget that, then magpapakita sya ngayon. "

" Ganun pala ang nangyari.. Arianne, isa sa mga pinakaayaw ng lalaki ay sinasabihan silang bakla. Nakakainsulto yun ng ego kaya di nakakapagtakang ipahiya ka nya kanina sa klase.. Tumayo tayo ka pa kasi, yan tuloy.. "

" I was shocked by that time kaya wag mo kong sisisihin. Pearl, he is a teacher. Kahit ganun ang ginawa ko, di nya dapat gawin yun sa klase. Parang di sya professional eh. Ginamit nya ang pagkaka-teacher nya to embarrassed me in the front of whole class. "

" Tama na. OK? Quits na kayo. Pareho na kayong naka-score sa isa't isa kaya ceasefire na. "

" No, Pearl. Pinahiya nya ako eh. Tapos pinamukha nyang may gusto ako sa kanya! Di ako makakapayag! Gagantihan ko yang teacher na yan! Papatunayan kong mali sya! "

" Naririnig mo ba ang sarili mo, Yanie? Teacher ang makakalaban mo! Paano kung ibagsak ka nya? Ikaw, Arianne, tigilan mo yang binabalak mo. Ako ang kinakabahan.. Baka di lang bagsak ang abutin mo, baka i-expell ka pa.. "

" Basta! Kung may mapapaalis man sa aming dalawa, sya yun! Hindi ako! "

" Arianne! "

" Watch and learn, Pearl! I will make move para magkagusto ang Arjay Tejada na yan sa akin dahil oras na magkagusto sya sa akin, matatanggal sya! Haha. Humanda talaga yang Arjay na yan! Akala nya madadaan nya ko sa mga moves nya, nagkakamali sya! Asa lang! "

" Jusme, Arianne. Ako ang kinikilabutan sa mga sinasabi mo. Mali yang gagawin mo. Imbes na sya ang matanggal, kayong dalawa pa! Bawal yang binabalak mo! "

" Shut up! Di mangyayari yun. Sya lang ang matatanggal. Pinahiya nya ako eh. Kaya dapat sya din. Di naman malaki ang kasalanan ko para pahiyain nya ko sa klase, nasabihan ko lang sya ng bakla. Tss. "

" That's the point, Arianne. Di naman malaking pangyayari ang ginawa nya kanina. Saka totoo naman ang sinabi nya except sa magkakagusto ka sa kanya.. "

" Whatever! Basta gagawin ko ang pinaplano ko at sisiguraduhin kong ako ang tatawa sa huli.. " Arianne smirks. Napailing na lang din si Pearl sa mga pinagsasabi nya.

" Siguraduhin mo lang na sana sa huli di mo kainin ang mga sinabi mo. Ang hot pa naman ni Sir Arjay. Lakas ng hatak ng karisma nya sa mga babae.. " dagdag pa ni Pearl pero di na pinansin ni Arianne.

Kinabukasan, sinadya nyang magpahuli na pumasok para agaw eksena talaga. Free day nila nun kaya kahit ano pwede isuot. Nagsuot sya ng mini skirt at tube with plain blazer na satin ang tela na may tali. Sinuot din nya ang kanyang 3inches high heels para kumpleto na ang attire nya with matching shades pa.

" Good morning, " bati nya sa lahat. " I'm sorry, i'm late. Traffic kasi. " charming din nyang dagdag at ngumiti ng matamis sa kaklase nya maging kay Arjay.

Napansin nyang pinasadahan sya ng tingin ng binatang guro pero agad ding etong bumawi ng tingin. Lihim namang sumaya si Arianne sa first move nya. Aminado sya, di sya sanay sa mga ganung pacute at flirt move. Nabasa lang nya ang mga ideas na yun sa mga libro. Pero alam nya, lalaki din eto. Boys can control their emotion but not temptation! Kaya confident sya na apektado si Arjay sa ginawa nya.

Umupo sya at nagdekwatro. Pangiti ngiti lang sya habang tinitingnan si Arjay.Tinanggal rin nya ang shades nya nang umupo na sya. Napansin nyang di nagtatagal ng tingin si Arjay sa direksyon nya. Nakakaramdam na sya ng tagumpay. Ngayon lang nya nalaman na marunong din pala sya magflirt kahit walang experience. Tiwala lang!

' First move palang, apektado ka na.. Tsk. Tsk. What else if i do more? ' kahit naco-concious sya sa damit nya, keri lang! Di rin tatagal, bibigay din ang binatang guro. Kapag nangyari yun, ayun na! Wala na sa landas nya ang atribidang maestro.

The whole time ng klase, pacute lang sya ng pacute kay Arjay. Si Arjay naman ay iniiwasang mapatingin sa kanya. Lihim syang nagbubunyi sa kanyang isip.

" Ms. Flores, don't leave yet. May pag-uusapan pa tayo.. " nagpaiwan naman si Arianne at ang mga kaklase nya ay nakaalis na para sa next subject nila nang matapos ang Social Science nila.

" Bakit gusto mo kong kausapin, Sir Arjay? " tanong nya rito.

" Alam ko, sinasadya mo 'to! " agad na paratang nito sa kanya.

" Ang alin, Sir? " si Arianne naman ay nagmaang maangan sa tanong nito.

" Oh come on lady, stop pretending. Bakit? Akala mo ba madadala ako sa mga pagfi-flirt mo? " seryoso nitong wika habang nakikipagtitigan sa kanya. Di makagalaw si Arianne. Alam nyang mangyayari 'to pero iba pala ang pakiramdam pag aktwal na. Kinakabahan sya. Di naman kasi sya sanay ng ganito.

" Sir? Flirt? Di ako nakikipagflirt sa'yo. Wag mo nga akong pagbintangan ng walang basehan.. " todo deny nya rito kahit obvious naman talaga ang ginagawa nya.

" Arianne, nagtagumpay ka nga sa mga ginawa mo! You turn me on! " nagulat na lang sya nang kabigin sya nito palapit sa katawan nang lalaki. Akala nya ay hahalikan sya nito nang lumapit ang mukha ni Arjay sa mukha nya pero lumihis ito ng direksyon, " I don't go beyond my limits. Alam ko kung saan ako nalulugar. Di ka magtatagumpay sa mga plinaplano mo.. Kung ako sa'yo, itigil mo na yang binabalak mo habang maaga pa dahil baka ikaw lang ang matalo.. " Arjay whispers huskily. Parang nagtayuan ang mga balahibo nya ng naramdaman nya ang hininga nito sa bandang leeg nya. Parang nanlambot ang kanyang mga tuhod.

" T-Tingnan lang natin kung hanggang saan mo paninindigan ang prinsipyo mo, SIR Arjay! " she emphasized the word 'Sir'.

Ngumiti lang si Arjay sa kanya nung bitawan sya nito. Inayos nito ang salamin na suot at tinalikuran sya. Pero tumigil eto sa paglalakad sa may pinto at nagsalita, " Anyway, di bagay sa'yo ang magsuot ka ng ganyan. Di ka nagmumukhang disente! Totoo ang sinabi ko kanina na you turn me on but it doesn't mean na kakagat ako sa flirt mo. Kaya wag mong isipin na masyado akong naapektuhan sa mga ganyang suot, sadyang masakit lang sa mata tingnan ang babaeng nakaganyan kaya di kita matingnan kanina ng maayos. " napanganga na lang si Arianne sa mga pinagsasabi nito.

** please like and comment para alam ko kung may nagbabasa. Salamat! :)

ITUTULOY..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon