Chapter 6: *To the rescue*

5.3K 108 3
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 6: *To the Rescue*

Panay ang irap na binibigay ni Arianne sa lalaki habang katapat niya eto sa mesa ng naturang restaurant. Hindi pa rin siya makapaniwalang nauto siya ni Arjay na dalhin dun para kumain. Naiinis siya sa kanyang sarili. Kung pwede lang niyang batukan ang sarili ay kanina pa niya yun ginawa.

" Akala ko ba, aakitin mo ako? At gagawa ka ng paraan para matupad ang mga binabalak mo.. Paano ako magkakagusto niyan sa'yo eh kung panay irap naman ang ginagawa mo? If i were you, just enjoy na kasama mo ako ngayon at boyfriend mo ako kahit ngayong gabi lang. " nakakalokong wika ni Arjay sa kanya. Saglit na uminit ang ulo niya pero agad din siyang nakabawi.

Dahil sa sinabi nito, bumalik ang hangarin niyang mapatalsik na 'to sa university nila. Tama nga naman eto. Buti at pinaalala ng binatang guro yun sa kanya.

' Mabuti at pinaalala mo. Yun nga pala dapat ang gagawin ko ngayon kaya nagpunta ako sa bar na yun.. Saglit ko pang nakalimutan dahil sa inis ko sa kanya. ' nagbakasali lang naman siyang pumunta sa bar dahil iniisip niya na baka nandun si Arjay, at hindi nga siya nagkamali ng kutob. Naroon nga eto at may katable na babae na agad niyang pinaghiwalay. Gumawa siya ng eksena para mapahiya eto.

Umupo siya ng tuwid saka ngumiti. Ngiting gustong gusto ng mga lalaki sa kanya. Her sweet and adorable smile. " I know right. " charming siyang sagot dito. Bahagya niyang flinip ang buhok niya at nakipagtitigan kay Arjay. Gusto niyang subukan kung hanggang saan ang kakayahan ng lalaki na makipagtitigan sa kanya.

" Gustong gusto mo talaga ako paalisin sa university, ano? " maya maya ay sabi nito.

" Sobra. " hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa lalaki.

" Dapat sa ating dalawa, ako dapat ang magtanim ng galit sa'yo dahil ikaw naman talaga ang unang gumawa ng mali eh.. " napataas siya ng kilay sa sumunod nitong sinabi sa kanya.

" Talaga? " sarcastic tone pero nakangiti pa rin si Arianne. " Ako pa talaga ang gumawa ng mali? Ikaw nga 'tong may ganang pahiyain ako sa mga kaklase ko e. Sinong matutuwa dun? Aber! " bigla na namang uminit ang ulo niya sa patutsada ni Arjay.

" Yung paghamak mo sa pagkalalaki ko. Pang-insulto sa akin. Kinalimutan ko yun lahat yun. Ikaw lang naman talaga ang nag-umpisa ng lahat ng 'to eh. Imbes na magsorry ka, hindi mo ginawa. Ikaw lang ang gumagawa ng dahilan para magalit ka mismo.. "

" Whatever! Wag mo kong kausapin! Nakakairita ka! I'd better go na lang kesa samahan ka dito.. " tumayo siya pero hinawakan nito ang kamay niya kaya napaupo siya ulit.

" Matigas talaga ang ulo mo, Arianne Flores! " ang kaninang nakangiti ng nakakaloko na si Arjay ay naging seryoso na ang mukha. Mataman siya nitong tinitigan na di nakayanan ni Arianne kaya lumingon siya sa ibang direksyon.

" Sa'yo lang! " turan niya.

" Ok. Chill lang! Maupo ka na lang dyan at kumain. Wag nating sirain ang gabi na 'to. Eenjoy na lang natin na magkasama tayo. Okey ba yun? Feel free to do anything para magkagusto nga ako sa'yo.. " panghahamon ni Arjay na ngumiti ulit. This time, hindi na eto nakakaloko kundi natural na ngiti ng binata.

Tumahimik siya, hindi na kumibo at itinuloy lamang ang pagkain na naudlot. Lihim niyang minasdan ang lalaking katapat. Sa unang tingin, hindi paghahalataang isa pala etong guro. Tipong isang bachelor kasi eto kung titingnan. Sa galaw at tikas.

Walang pag-uusap na namagitan sa lumipas na sandali. Tahimik lang sila habang kumakain. Nagpapakiramdaman ang bawat isa.

" Kanina ka pa tahimik dyan. " si Arjay ang unang bumasag sa katahimikan na namayani sa kanilang dalawa nang lumabas na sila ng restaurant.

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Where stories live. Discover now