Chapter 17: *Si Orly*

4.1K 79 1
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 17: *Si Orly*

Tiim bagang tiningnan sya ng masama ni Orly. Makikita mo sa kanya ang panggigil dahil sa mga sinaad ni Arjay.

" Mali ka ng kinalaban, Sir Tejada! Wala akong pakialam kung ibagsak mo ako sa subject mo dahil minor subject lang naman namin yan. Basta eto ang tatandaan mo. Sa akin pa rin mapupunta si Arianne sa huli. Akin lang sya. "

Arjay smirked. " Gawin mo ang gusto mo. Hindi ako natatakot sa banta mo, Orly. At pwede ba, wag mong angkinin si Arianne. Hindi siya bagay para akuin mo lang basta basta. Nakakatawa ka talaga. Masyado ba akong treat sa'yo para bantaan mo ako ng ganyan? Kung gusto mo talagang makuha si Arianne, idaan mo sa patas na laban. " pinal na sambit ni Arjay dito at tuluyan nang iniwan ang naghihimutok sa galit na binata roon.

' Magkakaroon pa ako ng karibal kay Arianne. Okay, good. Madami nga talagang nanliligaw kay Arianne pero wala pa siyang sinasagot. How i wish na nawala na ang kanyang galit sa akin. Simpleng bagay lang naman yun pero pinalaki lamang niya. Ako nga ay kinalimutan ko na nga na minsan niya akong sinabihan na bakla. Unfair talaga ang babae na yun. ' sabi ng kanyang utak.

" Uy, Sir Tejada! " napahinto sya sa paglalakad at hinarap ang tumawag sa kanya.

" Oh! Sir Tolentino, may problema ba? " umiling eto.

" Wala naman.. Yayayain lang kitang lumabas mamaya kasama ang mga ka-co teachers natin. Sana naman this time, hindi ka na umayaw. Minsan minsan lang naman e. Saka wala namang pasok bukas dahil holiday. "

" Pero, Sir Tolentino.. " tinatamad talaga siyang gumimik kasama ang mga eto, hindi dahil sa ayaw niya kundi hindi lang niya feel na kasama ang Tolentino na nasa harap niya.

" Wala ng pero pero.. Basta mamaya ha? Wag ka ng umuwi para deretso bar na tayo. Dadaanan na lang kita sa kwarto mo. "

" Sir Tolentino -- " wala na siyang nagawa. Mabilis etong tumakbo kaya kahit labag sa kanyang loob ang sumama ay pagbibigyan na lang ang kapwa guro niya upang hindi na siya nito kulitin muli. Isang beses lang naman yun. " Bahala na.. Gusto lang siguro maki-bonding sa akin. Hay. "

**

" Please, Arianne! Sumama ka na! Wala namang pasok bukas e. Bar tayo! "

" Pearl, alam mo namang sa tuwing pupunta ako ng bar, may nangyayaring di maganda. Kaya please, ayaw ko talaga! Kayo na lang. Sa bahay na lang ako. "

" Arianne naman e. Pag ako magyaya sa'yo, ayaw mo. Parang hindi mo ako bestfriend e. Sige lang. Ganyan ka naman e. Sa iba, sumasama ka. Pag ako na bestfriend mo, wala talaga! Unfair! " himig na pagtatampo ni Pearl sa kanya. Sumimangot pa etong tiningnan siya. She sighed. Ayaw naman niyang magkatampuhan sila ng kaibigan kaya kahit ayaw niya talaga. Um-oo na lang siya.

" Oo na! Oo na! Sasama na ako. Kung hindi lang talaga kita bestfriend, kanina pa kita kinutusan diyan e. " nakita niyang nagliwanag ang mukha nito. Sa pagkakasimangot ay ngumiti si Pearl.

" Yes! Kaya love na love kita e. Hindi mo kasi ako kayang tiisin. " niyakap yakap pa siya nito sa labis na tuwa.

" Ayan! Diyan ka magaling e. Basta hanggang 10pm lang tayo dun. Okey? Baka ma-curfew na ako pag lagi akong gabi gumagala e. "

Nag-thumbs up eto saka kumindat. " Sure thing. Minsan lang naman 'to e. "

" Sabi mo e. Basta maaga tayo uuwi ha? "

" Oo nga! Text text na lang tayo, Arianne. Dadaanan ka namin mamaya sa inyo. "

" Okey. " napailing siya. Ayaw na niya talagang pumunta sa bar kasi nangangamba siya na baka magkita na naman sila ni Arjay doon. Sa twing pupunta kasi sya sa bar, nagkikita silang dalawa at may nangyayaring hindi maganda.

Eksakto alas sais y medya ng gabi, dumaan sina Pearl sa kanila. Kasama nito ang ilang kaklase nilang babae. Kahit ng mga sandaling yun, parang ayaw niya pa ring sumama. Paano kung nandun na naman si Arjay? Ano naman kaya ang mangyayari?

" Napakatahimik mo naman, Yanie at nag-iisa ka pa dito! Pumunta tayo dito para magsaya.. maglibang. Hindi para magmukmok ka diyan. Tara sa dancefloor! Saya magsayaw e. " puna ng isang kasama nila sabay hila ng kanyang kamay.

" Hindi. Ayos lang ako dito. Sige kayo na lang. Drink na lang ako dito. " pagtanggi niya.

" Are you sure? Baka ma-bored ka diyan? "

" Hindi. Ayos lang talaga ako dito. Susunod na lang ako kapag gusto ko ng sumayaw. " dahil hindi siya napilit nito ay binitawan na lang sya ng babae.

" Basta pumunta ka na lang dun ha? " tumango naman siya at ipinagpatuloy ang naudlot na pag-inom ng tequilla. Nakakarami na sya ng pag-inom nito. Hindi naman talaga sya malakas uminom pero sa gabing yun ay nasasarapan siya sa bawat basong nilalagok niya. Medyo hilo na rin siya dahil dun. Umiikot na ang kanyang paningin. Nagiging blurred na ang mga bagay sa kanyang paligid. Hindi niya gustong malasing pero nangyari na nga. Tumayo si Arianne patungo sa banyo kahit paekis ekis na siya sa paglalakad. Papasok na sana siya sa may pinto ng banyo nang ma-out of balance siya. Napapikit si Arianne ng mariin at hinihintay na bumagsak siya sa sahig dahil wala na siyang lakas para pigilan ang kanyang pagbagsak pero ilang segundo na siyang nakapikit subalit hindi nangyayari ang kanyang inaasahan. Napadilat sya ng mata. Dahil lango sa alak at sa ilaw na tumatama sa kanyang mata, hindi niya agad nakilala ang nagsalita at sumalo sa kanya.

" You're drunk! "

" S-Sino ka? " isang matamis na halik ang itinugon ng lalaking sumalo sa kanya. Halik na kilalang kilala niya.

Itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Where stories live. Discover now