Chapter 36: *Obsessed na si Orly*

4.3K 74 1
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 36:

*Obsessed na si Orly*

" Ang tagal rin nung huli tayong nagkita, Arianne. Paniguradong namimiss mo na ako.. " halos tumayo ang balahibo nya sa katawan dahil sa takot. Akala nya, hindi na nya eto makikitang muli dahil ang tagal nitong hindi nagpakita sa Westbridge. Hindi na niya eto makilala dahil sa itsura nito ngayon. Magulo ang mahaba nitong buhok ngunit lumaki ang maliit nitong katawan dati. " Ang ganda mo pa rin, Arianne. Nababaliw talaga ako sa'yo ng husto.. " sobrang lapit na nito sa kanya na halos hindi na siya makahinga ng maayos. Nandidiri rin siya sa amoy ng lalaki. Tila galing eto sa isang inuman. Nakakapagtaka rin kung paano nito nalaman na may bridal shower siya ng oras na yun. Kung hindi eto ang dapat nandun, paano nangyaring siya na? Ang dami nyang tanong na hindi nya mahanapan ng sagot.

" Bitawan mo 'ko, Orly! " sigaw ni Arianne at pagpupumiglas nya rito pero malakas ang lalaki sa kanya. Kahit natatakot na siya, pilit nyang pinapakalma ang sarili.

" Girls, tumawag kayo ng pulis! Madali kayo! " sigaw ni Pearl sa ibang babaeng naroon. Nagsikilos naman ang mga iyon ngunit napatigil rin nung nagsalita sa Orly.

" Sige, subukan nyong mangialam dito.. Gigilitan ko ng buhay etong kaibigan nyo! " mabilis siyang hinawakan ni Orly sa kamay saka pinaikot siya at itinapat nito ang maliit na kutsilyo sa gilid ng kanyang leeg. Napapikit siya ng mariin dahil damang dama nya ang talim nito at tila babaon na yun doon. Tila dumudugo na nga ang kanyang leeg sa talim ng kutsilyong hawak ni Orly. Doon na siya kinabahan ng husto. Hindi nya alam ang susunod nitong gagawin. Baka mamaya, walang alinlangan na lang na itarak nito ang kutsilyo sa kanya.

" O-Orly.. T-Tama na.. Please, maawa ka sa akin.. " pakiusap nya sa dating kaklase ngunit naging bingi eto.

" No, Arianne. Madami na akong ginawa. Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng ma-reject. Ng ayawan ng taong gusto mo.. Hindi ako makakapayag na magpapakasal kayo ng guro na yun! Akin ka lang, Arianne! Akin! Hinding hindi na kita papakawalan pa! " pilit siyang hinihila ni Orly palabas ng pinto habang nakalagay sa leeg nya ang kutsilyo. Kahit hindi nya magawang makakilos, sige pa rin si Orly. Hindi na talaga eto nakikinig.

Akmang lalapit sana si Pearl para tumulong ngunit nagbanta eto. " Sige, hindi ako mangingiming itarak kay Arianne 'tong hawak ko.. Kung hindi rin lang siya mapupunta sa akin, mas mabuting patayin ko na lang siya. Para sa impyerno na lang tayo magsama ng habangbuhay! Wag na kasi kayong mangialam. Hayaan nyo na kami na magsama ng masaya! " nakakatakot na halakhak ang pumainlang sa loob ng kwarto. Kitang kita ni Arianne ang takot ng mga kaibigan nya sa ginagawa ni Orly. Halos hindi na rin sila makagalaw.

Nakakatakot na eto at sobrang napakapanganib. Nawawala na sa sariling katinuan si Orly. Wala na eto sa kanyang sarili. Hindi.. Kelangan nyang makawala sa baliw na lalaking yun! Ayaw nya pang mamatay! Paano na lang si Arjay at ang anak nila?

" Tama na yan, Orly. Hayaan mo na sina Sir Arjay at Arianne. Sila ang nagmamahalan at hindi kayo.. Please, nakikiusap ako bilang kaibigan mo. Kung talagang mahal mo siya, hindi ganito ang pagtrato mo sa kanya. Nasasaktan na siya. Pakiusap, Orly.. " sige pa rin si Pearl sa pakikipagusap dito.

" HINDI! AKIN LANG SIYA! NAIINTINDIHAN NYO? WAG NA WAG KAYONG SUSUNOD! " sigaw nito saka binuksan na ang pinto pero bago mangyari yun, may isang kaklase nya ang pumukpok ng vase sa ulo nito dahilan para mabitawan siya ng lalaki.

" WALANGHIYA KA! PAGSISIHAN MONG NANGIALAM KA PA! " galit na galit si Orly. At habang umiikot ang paningin nya, mabilis na lumapit ang lalaki sa kaklase nya upang saksakin eto ngunit hindi nagtagumpay si Orly nang may humawak sa kamay nito saka sinikmuraan siya. Si Arjay ang biglang dumating.

" Arjay.. " bulong nya. May mga dumalo kay Arianne. Nagpanic ang mga eto pero wala doon ang atensyon nya. Na kay Arjay. Natatakot siya na baka mapahamak eto.

" ARJAY TEJADA! HAYOP KA! PAPATAYIN KITA! "

" Tumigil ka na, Orly! Tama na! " ani ni Arjay. Sinuntok nya si Orly sa kaliwang pisngi. Natumba eto at nabitawan ang kutsilyo. Nang makatayo ang nababaliw na si Orly ay agad na sinugod nito si Arjay at sinuntok din sa mukha. Nawalan ng balanse ang guro at nasubsob eto sa sahig. Bago tuluyang nakatayo si Arjay, agad na pinulot ni Orly ang kutsilyo saka lumapit sa lalaki.

" KATAPUSAN MO NA! " huling sigaw ni Orly na narinig ni Arianne bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Nagising siyang kumikirot ang leeg at puting kesame ang una nyang nabungaran. " Nasaan ako? " agad nyang tanong. May humawak ng kamay nya. Napatingin siya dito. " Pearl? Na.. Nasaan ako? "

" Nasa ospital ka ngayon. Nahimatay ka kanina dahil sa dugong nawala sa'yo.. " paliwanag nito sa kanya.

" Si.. Si Arjay? Nasaan siya? " kinakabahan siyang nagtanong sa kaibigan. Baka may nangyari masama dito. Hindi nya yun kakayahin. Matagal bago sumagot ang kaibigan. " Pearl? Nasaan siya? " ulit nyang tanong nang hindi eto kumikibo.

" Nasa.. Nasa morge siya ngayon.. " pagkadinig nya nun, bumalikwas siya ng bangon at biglang napaiyak.

" Ano? Oh hindi.. Kasalanan ko 'to! " agad nyang bulalas sa sinabi ni Pearl.

" Teka! Wait, Arianne. Calm down. Okay? " ani ni Pearl sa kanya.

" Paano ako kakalma kung nasa morge na si Arjay! Gusto ko siyang makita! " pinigilan siya ni Pearl na wag bumangon pero hindi siya nakinig. Gusto nyang makita ang lalaking minamahal. Sinisisi nya ang kanyang sarili dahil sa pagkawala nito. Kasalanan nyang lahat. Karma na nya yata eto sa lahat ng kasalanan nya!

" Arianne? Anong nangyayari? " biglang pumasok si Arjay na nagulat sa eksenang nadatnan. May malaking band aid eto sa balikat at hindi naman mukhang multo na. Nagtaka si Arianne at lumapit kay Arjay. Minasdan nya ng maigi kung namamalikmata lang ba siya.

" Pearl, ano 'to? Sabi mo nasa morge si Arjay? " baling nya sa kaibigan. Nagkibit balikat eto saka umupo.

" OA mo e. Di pa nga ako tapos magpaliwanag, ngumawa ka na dyan. Chaka! "

Tumawa na lang si Arjay dahil doon. " Akala mo ba eh patay na ako nung sinabi ni Pearl na nasa morge ako? " tumango ng marahan si Arianne.

" Ano ba kasi ang ginagawa mo doon? Akala ko, mawawala ka na sa akin eh. Lalo nung sasaksakin ka na ni Orly.. " tuluyan siyang nakampante nang niyakap siya ng mahigpit ng lalaki at hinalikan ang kanyang noo.

" Si Orly kasi napatay ng pulis na rumisponde sa atin.. Binaril siya nung sasaksakin na ako. Kaya nandun ako sa morge kanina.. Wag ka ng mag-alala, mahal ko. Wala ng manggugulo sa atin. Wala na si Orly. Hindi na tayo magkakahiwalay pa.. At higit sa lahat, matutuloy ang kasal natin mamayang umaga. " alas tres na pala ng madaling araw ng oras na yun. Mamaya, magiging Mrs. Romualdo Jayson Tejada the third na siya. Hindi nya napigilang mapangiti sa sinabi ng mahal nya. Excited na siya..

Itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum