Chapter 30: *KASAL?!*

4.4K 80 0
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 30:

*KASAL?!*

Bumalikwas ng bangon si Arianne nang wala si Arjay sa tabi nya. She knew it! Gagamitin lang sya nito. Gagantihan sa nagawa nya dito nung nakaraan.

Nagmadali syang nagsuot ng mga damit na nagkalat sa kwarto. Kelangan na nyang umuwi dahil tiyak hinahanap na sya ng mga magulang nya at anak nyang si Arielle. Ayaw nyang mag-alala ang mga eto sa kanya lalo na at walang alam eto kung saan sya natulog kagabi.

" Saan ka pupunta? " gulat na gulat sya nang pumasok si Arjay bigla sa kwarto. Ang inaakala nyang umalis na ay may bitbit na bouquet ng bulaklak. " Aalis ka? Akala ko ba, okay na tayo? " himig pagtataka ng lalaki. Natigilan sya bahagya.

Akala nya kasi talaga, iniwan na sya nito pero parang nakahinga sya ng maluwag na mali pala ang akala nya. " Kasi.. akala ko.. "

" Akala mo ba ay iniwan na naman kita? " lumapit eto sa kanya at hinaplos ang pisngi. " I'm sorry. Hindi na yun mauulit. Naging padalos dalos ako nung umalis ako. It won't be happen again. Galit lang talaga ako noon at naiinis pero hindi nagbagong mahal pa rin kita.. " mahabang saad ni Arjay sa kanya.

Hindi nya alam kung bakit napapikit sya. She feels like she's flying. Lumulutang sya sa kasiyahan. This is what she wants. Ang maging okay sila ni Arjay. Ang mawala ang galit nito sa kanya.

" Arjay.. " tangi na lang nyang usal sa lalaki.

" Para nga pala sa'yo, Arianne. " inabot ni Arjay ang bouquet na hawak nito sa kanya. Kimi nya etong kinuha at inamoy.

" Salamat.. " aniya.

Hindi nagtagal, inuwi sya ni Arjay sa bahay nila. Gulat ang unang reaksyon ng mga magulang nya pero kalaunan ay hindi na eto umimik. Marahil ay naiintindihan na ng mga eto kung bakit sila magkasama ni Arjay.

" Ma, Pa.. " nagulat pa sya nung walang kagatol gatol na sinambit yun ni Arjay nung apat silang nakaupo sa sala.

" Uyy, ano ba? " pasimpleng siko ni Arianne dito. Ngumisi lang eto saka kumindat sa kanya.

" Balak ko pong pakasalan ang anak nyo.. Hinihingi ko po ang permiso nyo.. " nakatungong sabi ni Arjay.

Napatayo sya at nabigla sa tinuran nito sa kanyang magulang. " KASAL?! AGAD AGAD? Nagbibiro ka ba? "

Umiling eto nung sumagot sa kanya ang dating guro. " Syempre, hindi. Seryoso ako. " bakas nga sa mukha ng lalaki na seryoso eto sa sinabi. Tumahip ang dibdib nya sa kaba.

" Maupo ka nga, Arianne. " utos ng kanyang ama. Awtomatiko syang umupo tulad ng utos nito na kinakabahan. Natatakot sya sa reaksyon at sagot ng matandang lalaki. Mukhang nagulat din eto gaya nya pero hindi nya alam kung ano ba talaga ang nasa utak nito dahil seryoso eto.

" Desidido ka ba talaga? At talagang gusto mo na makasal sa anak ko? " ilang beses na napalunok si Arianne. Napasinghap pa sya nung hinawakan ni Arjay ang kamay nya bago sumagot.

" Opo, Pa. Mahal ko po ang anak nyo. Kaya ko po yun patunayan.. " sagot nito.

" Kung ganun.. " pigil ang hininga nya habang ibinitin ng kanyang ama ang sagot kay Arjay. " Nasa anak ko na ang desisyon kung gusto ka nyang pakasalan sapagkat sya naman ang papakasalan mo at hindi kami. Kami lamang ay taga-gabay sa inyo. Kung anuman ang gusto ni Arianne, susuportahan namin yun. Hindi naman lingid sa amin ang nangyari sa kanya. Naghirap sya at nasaktan nung mga panahong wala ka. Hindi na namin yun nais maranasan ng anak namin. Iho, kay Arianne ang desisyon sa tinatanong mo sa akin.. " mahabang wika ng kanyang ama. Napatingin naman sa kanya si Arjay at hinihintay kung ano ang sasabihin nya.

" Ano kasi.. " napatungo sya at pinigil na huminga. Marahang pinisil nito ang kanyang kamay dahilan para tingnan nya eto. Nagtama ang kanilang mga mata.

" Kaya ko namang maghintay kung hindi ka pa handa eh.. Hindi ako nagmamadali.. Kung anuman ang sagot mo sa akin at desisyon mo, pag-isipan mo, Arianne hanggang sa sigurado ka na sa sagot mo. " tumango sya. Kahit alam na nya ang isasagot dito, mas pinili nyang wag muna magmadali. Yung tipong slowly but surely. Kung sila nga, sila talaga kahit ano pa ang mangyari.

Lumipas ang mga buwan, naka-graduate na si Arianne at lumalaki na rin si Arielle. Lumalaking hawig nito ang kanyang ina.

" Kelan mo ba balak binyagan si Arielle? Lumalaki na ang bata ah.. " puna ni Pearl sa kanya.

" Baka next month.. " pakli ni Arianne.

" Baka? Yan din ang sagot mo nung nakaraan, nangyari ba? Ano ba ang hinihintay mo? Balak mo bang ipapangalan ang bata kay Arjay? " mataman nyang tiningnan ang kaibigan. Gusto nya naman yun pero sa isip nya, pangit tingnan na ipa-apelyido nya ang bata sa lalaki na hindi pa sila kasal ni Arjay. Sa totoo lang, wala silang pormal na relasyon.. Basta niyaya lang sya nitong magpakasal. Andun na yung alam nyang mahal sya nito pero ni hindi pa nito alam na mahal na nya si Arjay. " The best way eh, magpakasal na lang kayo ni Arjay. Sabihin mo na sa kanyang mahal mo sya. Para happy, ano? Pinapatagal mo pa.. Ang dami mo pang dahilan kasi.. " hirit pa ni Pearl.

Itutuloy..

THE NEXT CHAPTER WILL BE POSTED AFTER TOMMOROW. :) SORRY FOR KEEP YOU WAITING! Si Yolanda kasi. :'((

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Where stories live. Discover now